ABORSYON (takot. kahihiyan. kasalanan.) 25 NOVBy: Eunice Erika S. Garcia Sa kasalukuyan, kinakaharap ng ating bansa ang lumalaking bilang ng populasyon ng mga Pilipino. Humigit-kumulang labindalawang milyon na ang bilang ng mga Pilipino sa Pilipinas at araw-araw ay nadadagdagan pa ito ayon sa pag-aaral ng National Statistics Office (NSO). Dahil sa dumaraming kaso ng maagang pagbubuntis sa mga kabataang wala pa sa legal na edad, patuloy na bumibigat ang problema ng karamihan sa ating mga kababayan ukol sa paglobo ng populasyon na karaniwang nagiging dahilan hindi lamang ng kahirapan kundi maging ang nadaragdagang kaso sa bansa ng aborsyon. Ilang dekada nang usapin ang tungkol sa pagpapalegal ng aborsyon sa ating bansa. Hindi ito madali para sa mga Pilipino lalo pa’t tayo ay nasa isang Kristiyanong bansa. Bilang mga kristiyano, nangunguna na ang mga pari at Obispo sa pagtuligsa sa aborsyon dahil sa pagpapahalaga ng relihiyon sa buhay ng tao. Bakit nga ba kailangan pang magresulta sa aborsyon ang ilang mga kaso ng pagbubuntis? Una na marahil sa mga dahilang ito ay ang maagang pagdadalang-tao ng mga ina. Ganunpama’y may kanya -kanyang dahilan ang mga ito kung bakit nila naiisipan at napagdedesisyunang kitlin ang buhay ng kanilang hindi pa naisisilang na sanggol. Takot. Dala marahil ng kapusukan kaya’t humantong ang mga batang ina sa kanilang sitwasyon. Karaniwang rebelde, mapageksperimento at agresibo ang mga kabataan sa kasalukuyan. Ilan ito sa mga nagiging dahilan ng maagang pagbubuntis ng marami. Ngunit kapag humantong na sila sa ganitong sitwasyon, takot na ang namamayani. Huli na para magsisi. Sa isang iglap ay sinampal na ng tadhana sa kanilang mga mukha ang isang mabigat na responsibilidad na dapat harapin. Hindi ito madali lalo na para sa mura nilang kaisipan. Isang mabilis at epektibong paraan upang takasan ito ay aborsyon. Kahihiyan. Sa lipunang ating kinabibilangan, isang malaking kahihiyan hindi lamang sa ina kundi sa kanyang buong pamilya ang magdalang-tao ng wala pa sa wastong gulang. Bagama’t dumarami na ang mga ganitong kaso sa kasalukuyan, ang kaugaliang pagiging konserbatibo sa ating mga Pilipino ay hind i pa rin nawawala. Isang makasalanang babae ang tingin sa babaeng nabuntis habang bata pa siya. Dadalhin niya ang ganitong pagtingin ng kanyang lipunan hanggang kamatayan. Kasalanan. Sa ibang pagkakataon nama’y dulot ng masamang pangyayari o pang -aabuso ang dahilan ng pagbubuntis ng batang ina. Paano nga ba matatanggap ng kanyang pamilya at lipunan ang sanggol na bunga ng isang kasalanan? Kakayanin nga ba ng isang batang ina ang makapiling habambuhay ang isang batang paulit-ulit lamang na makapagpapaalala sa kanya ng kanyang malupit na karanasan? Anu’t ano pa man ang mga kadahilanan, marapat sana nating lahat na alalahanin ang mga turo ng simbahan at paaralan. Ang sanggol na nabuo sa sinapupunan ng isang babae, ito man ay dulot ng pagiging mapusok o ng makamundong kasalanan ay inosente at walang kalaban-laban. Maaaring maging delikado hindi lamang ang buhay ng saggol ngunit maging ang inang gustong magpalaglag. Kung ang desisyong pagaaborsyon ay ginagawa para lamang sa sariling kagustuhan o upang matakpan ang dungis ng kahihiyang idudulot nito, hindi ito sapat upang may isang batang magbuwis ng sariling buhay.
Sa nakasanayang larawan ng aborsyon, masasabing ito ay ipinagbabawal ng batas pambansa, pero ang totoo, ito ay pinapayagan at hinihikayat. Ang aborsyon ay tumutukoy sa anumang porma o paraan ng pagtapos sa pagdadalantao bago pa man magkaroon ng kakayanan ang bata na mamuhay sa labas ng sinapupunan. Ang pagdadalantao (pagdadala ng bagong tao) ay nagsisimula sa fertilization o sa pagtatagpo ng spermatozoon at ovum. Mas kilala natin ang prosesong ito bilang conception. Sa 1987 Philippine Constitution ay sinasabi: "[The State] shall equally protect the life of the mother and the life of the unborn from conception" (Art. 2 Section 12). Anumang hakbang na kikitil sa buhay na dinadala ng ina sa sinapupunan ay labag sa isinasaad ng Saligang Batas. Sa kabalintunaan, ang gobyernong lokal at ang gobyernong pambansa ay pumapayag sa paggamit ng mga kontraseptibong pamamaraan at kagamitan na pumapatay sa dinadala ng isang ina sa kanyang sinapupunan. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang intrauterine device (IUD), emergency contraceptive pill, at OCP o mas kilala sa tawag na birth control pill. Ang IUD ay ipinupwesto sa matres ng babae upang pigilan ang pagtatagpo ng binhi ng lalaki at ng babae. Dahil hindi ganap ang bisa nito, nagkakaroon ng mga kaso ng undetected pregnancy o pagdadalantao na hindi namamalayan. Dahil sa presensya ng IUD sa matres, ang zygote o ang bagong tao sa sinapupunan ay hindi makakadikit sa kanyang tamang pwesto (uterine wall) para mapalusog at maiporma. Ito ay dahil iniirita at pinapalitan ng IUD ang uterine lining na dapat sana ay ligtas na tahanan ng bata. Dahil dito, ang zygote ay maiiwang mag-isa at walang tustos ng pagkain at dugo na magiging sanhi ng kamatayan nito. Ganito rin ang nangyayari kapag ang ocp ay hindi naging matagumpay sa pagpigil sa ovulation, at sa pagpapabagal ng pagtatagpo ng mga binhi. Pinapalitan din nito ang porma ng uterine wall para hindi makadikit dito ang zygote at sa ganun ay mamatay. Ang tinatawag namang emergency contraception ay hindi talaga contraceptive ang intensyon, sa halip ay hinahabol nito ang pagdikit ng zygote sa matres para mapigilan ito. Nagkataon man o sinasadya, ang pagkitil sa buhay ng nasa sinapupunan ay nasa intensyon ng mga manufacturer (at kung minsan ay pati ng mga gumagamit) ng ganitong mga kagamitan at kemikal. Alam din ng gobyerno ang katotohanang ito, pero dahil sa mga mali at masasamang intensyon, pinababayaan ng gobyerno na malinlang ang mga mamamayan at sa gayon ay sama-sama silang pumapatay ng mga inosenteng tao na ayon sa Saligang Batas ay dapat protektahan.
Kung tutuusin, sa napakamura nilang edad ay masasabi kong tama nga sila sa kanilang pinaniniwalaan at nakakaaliw pakinggan ang kanilang mga sagot. Ngunit, pumasok sa isipan ko, paano naman kaya ang mga batang hindi nabigyan ng pagkakataong mabuhay ng dahil sa aborsyon? Ano nga ba ang aborsyon? Ang aborsyon ay ang pagkaudlot ng pagbubuntis na nauuwi sa pagkamatay ng isang fetus. Alam naman nating ito ay malawakang ipinagbabawal sa Pilipinas dahil ito ay nakasaad sa Rebisyon ng Penal Code ng Pilipinas na naitatag noong 1930 at sa kasalukuya’y naipatutupad pa rin. Nakapaloob rito ang mga artikulo bilang 256, 258 at 259 na nagsasabing “Ang isang babaeng sumailalim sumailalim sa aborsyon at maging ang tumulong sa kanya na maisagawa ito tulad ng mag ulang niya, doktor, o midwife ay mabibigyan ng karampatang parusa ng pagkakakulong. Subalit, hindi pa rin sapat nag batas na ito dahil ayon sa isang survey na naitala noong 1994 tinatayang 400,000 aborsyon ang naisagawa ng ilegal sa Pilipinas at 80,000 kababaihan ang naospital sanhi ng komplikasyong dulot nito. Labindalawang porsyento ng “maternal death” ay sanhi ng hindi ligtas na aborsyon ayon sa datos ng Kagawaran ng Kalusugan ng Pilipinas. Sa pagsapit ng taong 2000 tinatayang 78,900 kababaihan ang naospital matapos ang aborsyon. 473,400 ang kabuuang bilang ng nagpa-abort. Masasabing 27 per 1,000 kababaihan na nasa edad 15- 44 kada taon ang nagpapaabort. Ang kabuuang porsyento nito sa iba’t ibang panig ng bansa particular sa Maynila ay 73%,, ang natitirang parte sa Luzon ay 36%, 29% sa Visayas at 23% sa Mindanao at alam niyo ba na 42 milyong aborsyon kada taon ang nagaganap sa buong mundo!Nakakalungkot isiping ganito ang sinasapit ng mga kaawa-awang mga sanggol. Bakit nga ba laganap na ang aborsyon sa bansa? Ang pangunahing suliranin ay dahil sa kahirapan. Mas gugustuhin nalang ng isang ina na ipalaglag ang magiging anak kaysa danasin ang hirap ng isang kahig at isang tuka nilang pamumuhay. Ang pangalawang suliranin ay ang tinatawag nilang “premarital sex” na laganap sa mga kabataan ngayon. Ang k adalasang bunga nito ay ang wala sa panahong pagbubuntis kaya maagap na ipinalalaglag ang fetus. Ang mga solusyon nito ay ang mga sumusunod: Family Planning – ito ang wasto o tamang pagpaplano ng pamilya, nakapaloob dito kung ilan ang napagkasunduang magiging anak ng mag-asawa. Pangalawa, sex education – ito ay ang pag-aaral ng mga
kabataan upang magkaroon sila ng sapat na kaalaman patungkol sa paksang nasasaklawan ng pagbubuntis. Pangatlo ay ang ispiritwal na gabay mula sa Panginoon na siya lamang ang may karapatang kumitil ng buhay at ang pang-apat ay ang mahigpit na pagpapatupad ng batas. Sa kabuuan, magtulungan tayo upang huwag nang madagdagan ang ganitong kaso ng aborsyon. Ni hindi man lamang nalasap ng kaawa-awang sanggol ang kaginhawaan ng buhay. Ni hindi man lang niya nakita ang kagandahan ng mundo na nilikha ng Diyos. Ni hindi man lang niya naranasan kung paano magmahal at mahalin tulad nang nararanasan natin ngayon. May bukas pa kaibigan, huwag tayong mawalan ng pag-asa. Sugpuin ang aborsyon. Ngayon na ang araw ng pagkilos! Simulan na natin ngayon! Kung hindi ngayon, k ailan…kailan…kailan? Ang kinabukasan ng susunod na henerasyon ay nasa ating mga kamay. Nawa’y nakapagbigay ako ng karagdagang kaalaman sa inyo.
Mga Kaugnay na Pag-aaral Tahanan ang Asia-Pacific ng higit isang bilyong tao na edad 10 – 24, pero ang datos sagrupong ito sa sinadyang aborsyon ay madalang, di-kumakatawan sa lahat at dikumpleto, lalona sa mga dalaga. Sa Asia, mula sa kabataan ang 1 – 15% ng lahat ng aborsyon. Ito ang tantyagamit ang mga datos ng buo o bahagi ng bansa1, na tataas pa kung sa maliliit na pag-aaralibabatay. Samantala, maliban sa Australia at New Zealand, walang datos sa Pacific.Sa kalakhan ng Asia-Pacific, walang asawa ang karamihan sa mga kabataang gustongmagpalaglag. Pero sa South Asia, kung saan may asawa na ang 32% ng mga 15 – 19 at halos lahatng kababaihan ay may asawa na pagsapit ng 24,5 nagaganap ang karamihan ng digustongpagbubuntis dahil nais ipagpaliban ang unang panganganak o agwatan ang susunod. Pero kahitsa rehiyong ito, pataas pa rin ang dalas ng pagbubuntis ng mga tinedyer na walang asawa, lalo nasa kalunsuran.Katiting lang ang nagkokontraseptibo sa mga kabataang dalaga na nakikipagseks na. At kahit samga may asawa na edad 15 – 19, mas kaunti ang nagkokontraseptibo kaysa sa mga babaengnakatatanda.5 Kabilang sa sanhi nito ang kakulangan ng wastong kaalaman sa kontrasepsyon; pahirapang pagkuha ng serbisyo (lalo na sa mga dalaga); hindi pantay na katayuan ng babae‟t lalaki; pagbale-wala sa pangangailangan ng mga bagong kasal at mga dalaga; at pagdalas ngpinilit na pagtatalik. 1 Di-ligtas na Pagpapalaglag na mga Kabataan. Tinataya ni Shah at Ahman6 na sa mgababaeng 15 – 19 nangyayari ang 9% ng mga di-ligtas na aborsyon sa Asia, at sa mga babaeng 20 – 24 ang 23%. Mas mababa ito kaysa sa Africa o Latin-America; pero dahil sa laki ng populasyonng Asia, tinatayang nasa rehiyong ito ang mababa lang sa kalahati (45.7%) ng 7.2 milyong di-ligtas na aborsyon taun-taon ng mga babaeng 15 – 24 sa mga umuunlad na bansa. Sa Pacific,kakaunti ang impormasyon at opisyal na datos sa anumang aspeto ng aborsyon. Pero ayon sapanayam sa mga nakakaalam at sa maliliit na pag-aaral, sa kabataang babae mas nagaganap angaborsyon at pagpaospital para magamot ang komplikasyon, o pagluwas sa ibang bansa paramagpalaglag (halimbawa, sa Australia).Matibay na pinapakita ng maliliit na pag-aaral at datos ng ospital na mas mataas angpagkamatay mula sa komplikasyon ng aborsyon sa hanay ng mga nagdadalaga, lalo na sa mgawalang asawa. Ito ang pangunahing mga sanhi: (1) mas malamang na sila ang nagpapalaglag saikalawang trimester, na kahit sa pinakaligtas na kalakaran ay mas malaki ang panganib kaysa samaagang aborsyon; (2) mas malamang na sila ang gagamit ng taong hindi bihasa sa aborsyon, ogagawin iyon sa sarili; at (3) mas malamang na hindi sila magpapagamot agad kung maykumplikasyon. 2 Mga Legal na Hadlang. Halos walang di-ligtas na aborsyon sa mga lugar na liberal ang batas atmaluwag na nakukuha ang serbisyo, tulad sa East Asia. Sa mga lugar naman gaya ng India nalimitado ang serbisyo kahit di-gaanong mahigpit ang batas o doon sa mga napakahigpit, mas mgabata, mahirap at dalaga ang tinatamaan. Kahit mga liberal na batas ay maaaring may kalabuan sakarapatan ng mga dalaga, may paghihigpit batay sa edad, o dapat may pahintulot mula samagulang o tagapag-alaga. Kahit wala sa batas, maaaring igiit ng mga ospital na dapat may
Ganatra, Bela. 2006. “Unsafe abortion in South and South -East Asia: A review of evidence,” in Warriner, I.K. & Shah, I.H. (eds.). Preventing Unsafe Abortion and Its Consequences: Priorities for Research and Action. New York & Washington: Guttmacher Institute. pp. 151-186. 2 Warakamin S.; Boonthai, N.; Tangcharoensathien, V. 2004. “Induced abortion in Thailand: Current situation in public hospitals and legal perspectives.” Reproductive Health Matters (RHM). Vol. 12, No. 24 (s uplemento). pp. 147-56. magulang habang ginagawa ang aborsyon. Maaaring hingin ang pirma ng asawa bilang bahaging ng batas (hal., sa South Korea) o ng kalakaran
Balangkas Teoretikal Ang pagbibitiw ng isang desisyong malaki ang epekto sa anumang aspekto sa buhay ng isang tao ay isang bagay na makabuluhan ang dahilan. Sa pag-aaral na ito ay gagamitin namin ang isang teorya na susuporta sa aming pag-aaral. Ang teoryang ito ay tinatawag na Cognitive Dissonance Theory ni Leon Festinger. Ayon kay Festinger, ang Cognitive Dissonance Theory ay ang pagbibitaw ng isang desisyon mula sa mahirap na pagpili sa pagitan ng dalawang bagay na pantay ang iyong pagtingin na sa iyong pananaw ay malaki ang magiging epekto sa iyo. At ang pagbitaw nang kusa sa isa sa mga ito ay maglilikha ng isang hindi kumportableng pakiramdam (cognitive dissonance) na sa kabila naman ng kanyang desisyon ay magbabago sa kaniyang pananaw na makakabuti sa kaniyang palagay(http://www.pnas.org/content/107/51/22014.short 15, Hulyo 2013). Batay sa teoryang ito, likas sa ating mga tao na panatilihin ang ating pananaw sa buhay pati na rin ang ating paniniwala. Mahilig tayong magbigay ng mga pananaw sa mga bagay na nakakaapekto sa ating pamumuhay ngunit paano kung ang pananaw at ang paniniwala natin ay hindi tumugma sa isa pa nating paniniwala? Dito papasok ang teorya ng Cognitive Dissonance. Ang terminolohiyang cognitive dissonance ay ginagamit sa tuwing mayroong pangyayari kung saan kailangang pumili at magbitaw ng isa sa parehas na matimbang na paniniwala ang isang tao na nagsasanhi ng hindi magandang pakiramdam para sa sarili (http://psychology.about.com/od/cognitivepsychology/f/dissonance.htm 15, Hulyo 2013). Bilang batayan ng pag-aaral na ito, ipapaliwanag ng Cogniive Dissonance Theory ang karananasan ng isang babae bago at pagkatapos niyang magdesisyong kitilin ang buhay ng kaniyang sariling anak. At nang dahil sa desisyon ito ay magkakaron ng pagbabago sa kaniyang pananaw sa kaniyang buhay.
Katulad ng mga nasabing paraan, iba’t iba rin ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng
aborsyon. Bakit nga ba kailangan pang magresulta sa aborsyon ang ilang mga kaso ngpagbubuntis? Una na marahil sa mga dahilang ito ay ang maagang pagdadalangtao ng mga ina.Ganunpama’y may kanya-kanyang dahilan ang mga ito kung bakit nila naiisipan atnapagdedesisyunang kitilin ang buhay ng kanilang hindi pa naisisilang na sanggol. Ito aymaaring dahil sa di kagustuhang pagbubuntis, takot,kahihiyan, o di n aman kaya’y pagtakas sa mga responsibilidad ng pagiging isang magulang. Ngunit ano pa man ang dahilan ng isang babaesa pagpapaabort, wala pa rin ni isa rito ang katanggap tanggap sa mata ng batas, tao, lipunan atng Diyos.Hindi lamang natatapos ang aborsyon sa pagkitil ng buhay ng isang sanggol sa sinapupunanng isang babae. Kaakibat nito ang maaring maging masasamang epekto nito sa isang babaengnagpaabort. Maaring ito ay makaapekto sa emosyonal na pamamaraan at pati na rin angkalusugan ng isang babae ay naisasaalang alang dito. Maaaring humantong ang aborsyon sapagka ubos ng dugo, kumplikasyon sa matres, impeksiyon o pag kamatay ng babaeng nagpaabort.Masasabi kong sa buhay nararapat lamang na tayo’y dapat maging maingat. Masmakabubuting tayo ay maging matatag sa ating mga nararamdaman dahil mas mahirap pumiling "pumatay o bumuhay" kaysa mag-isip ng kung ano ang dapat gawin bilang isang babae olalaki. Ang sanggol na nabuo sa sinapupunan ng isang babae, ito man ay dulot ng pagigingmapusok o ng makamundong kasalanan, ito pa rin ay inosente at walang kalaban-laban. Akingminamahal na mga tagapakinig ating pakatandaan na isang malaking biyaya ang buhay na bigayng Maykapal at walang kahit sino man sa atin ang may karapatang bumawi nito kundi angPanginoon lamang. Muli, isang mapagpalang umaga sa inyong lahat.
Katuturan Ng Mga Salita1. Aborsyon ± ito ay isang proseso kung saan sinadyang tanggalin angembryo o fetus sa loob ng matris ng isang nagdadalang tao at pwedengmaging sanhi ng kamatayan nito.2. Embryo ± bago maging sanggol ang nasa sinapupunan ng nagbubuntis aydumadaan muna ito sa tinatawag na embryo o fetus ito ang unang lebelng pagbubuntis3. Matris ± o mas kilala sa tawag na bahay ± bata kung saan unang nabubuoang sanggol, dito din dumadaan ang similya na galing sa ari ng lalakiupang makabuo ng sanggol.4. Tampulan ± ito ay ibang kahululugan ng salitang sentro.5. Walang muwang ± ito ang tawag sa uri ng tao kung saan wala pang alamsa mundong kaniyang kinalalagyan Mga Kaugnay Na Literatura At Pag ± aaralLokal na LiteraturaSILANG MGA WALANG DIYOS ni: Amelia Clapiz (tula sa tagalog na tungkol sa abortion) Siya¶y nagsimulang dugo sa balakang,Sa simula¶y walang malay,Walang hugis, walang kulay.Siya¶y sanhi ng isang palag ng kasamaan.Siya¶y bunga ng mga kasidhianNg mga pag-aalab, ng mga kapusukan.Lumangoy siya sa sinapupunan ng ina.Nagkaroon ng buhay, umamot ng hininga,Biniyayaan ng dakilang Bathala.Ngunit narito na naman ang imbay ng hangal Ang puso¶y nalupig ng bigong kasal.Sarili ang isinalang, ibinalibag ang diwang banalHinatulan siya sa dilim na pusikit. Siya¶y walang puwang sa daigdig,Sa impiyerno man o sa langit.Siya¶y sinikwat, niligis inukit, ,Winasak, dinurog, sinaklit,Siya¶y kinarit, Hindi nakakapit!Humantong sa ilalim, doon sa kawalan!Hindi nila siya binigyan ng kalayaanIpinagkait ang pintig ng damang kabutihan!
KATUTURAN NG MGA SALITANG GINAMIT Aborsyon o Pagkalaglag ng Bata –ay isang salitang ginagamit kung angpagbubuntis ay nahinto sa maagang panahon. At ayon sa pangmedisinangsalita ito ay nangahulugan ng pagkatigil ng pagbubuntis at pagkatanggal ngbatang hindi pa naiisilang sa panahong tatlong buwan pa lamang sasinapupunan. Maaaring ito ay sanhi ng isang aksidente o ito’y sinasadya na pagpapalaglag. Pagkaraanng tatlong buwan ng pagbubuntis ang pagtigil nito ay tinatawag napagkalaglag. Kung nagkaroon ng bahagyang pagdudugo ng bahaybata at ang bata sa loob at bu ahy pa ang tawag d ito ay “panganganib” na aborsyon o “pagbabanta ng pagkalaglag. Kung may pagdudugo atsumasakit ang tiyan at ang dinadaana ng bata ay nabubuka, mayroongkatiyakan ang pagkalaglag ng bata. Ang bata sa loob ng sinapupunan aytiyak na wala ng buhay pag nailabas ito ayon sa mga sintomas nanabanggit. Kung ang lahat ng bahagi ng nasa sinpupunan aynatanggal na ito au tinatawag na ganap na aborsyon. Kung maybahagi pa ng bata sa sinpupunan ang naiwan ito au tinatawag na hindiganap na aborsyon.Ang sadyang Pagpapalaglag –ito ay naganap na ayon na rin sa kagustuhanng babae o kusang loob na ipinatanggal ang bata sa sinapupunan. Ito aymaaaring nasa legal o illegal na katuwiran, ayon sa batas ng bansangkanilagn tinitirhan o kinaroroonanMaraming aborsyon na naganap na sinasadya sa katuwirang pangkalusugano pangmedisina. Mayroon ding tinatawag na para sa kapakanan ng babae nanagdadalantao. Maaring ang dahilan ay ang pagbubuntis sa labas ng matris,o ang pagbubuntis ng babae na ang bata ay lumalaki sa fallopian tube o satubo ng matris at hindi sa bahay ng bata mismo. Ang bata sa sitwasyong nabanggit ay hindi mabubuhay at ito’y mapanganib sa buhay ng ina. Ito’y mamatay at puputok sa tubo na maaaring maging dahilan din ng pagkamaty ng ina kung ito ay hindi maooperahan kaagad. Kung ang babaingnagbubuntis ay magkakaroon ng tigdas sa maagang panahon kailangan niyang ipapatanggal ang bata na nasa sinapupunan sa dahilan na ito’y lalabas na baldado o kulang sa pag-iisip. Sa kaso naman ng pagkahalay, angganitong uri ng aborsyon ay ginagawa. Ang nagbubuntis na may sakit sapuso, bato at sa dugo ay maaaring pahintulutan na isagawa ang aborsyon para sa kapakanan ng buhay ng ina. Ang tinatawag na “therapeutic abortion” ay gingamit o isinasagawa kung ang babae ay marami ng mga anak odumadan na sa maraming ulit na panganganak at ang kanyang kalusugan atedad ay nahihirapan na siyang magdadala ng pinagbubuntis niya. KABANATA IIMGA KAUGANAY NA LITERATURA NA PAG-AARAL Ayon sa nabanggit sa mga lumang aklat ng medisina, ang aborsyon aynagmula sa Tsina. Ito ay nag-umpisa sa Emperador ng tsina na si Shin Nung, sa panahong 37 B.C. Ito’y nagtataglay ng preskripsyon para sa sadyang pagpapalaglag sa pamamagitan ng markuriya.Bago ang 1600 dekada, mayroong kakaunting naitatag na mga relihiyon omga legal na balakid para maisagawa ito bago magiging ganap na tao angisang sanggol sa sinapupunan. Doon sa Estados Unidos, ang aborsyon bagonabubuo ang bata ay hindi labag sa kanilang batas sa ilalim ngpangkaraniwang bats bago kalagitnaan ng dekada 1800. ang batas ngEstado ay nagbabawal ng aborsyon bago ang giyera sibyl. Ang ibangmanbabatas ay hindi nagpapalabas ng batas tungkol sa aborsyon pagkataposmagpasa ng mga batas nito.
Hanggang matapos ang dekada 1800 o bago ito magwakas, ang simbahanng Romano Katoliko ay walang itinatag na doktrina laban sa aborsyon, bagomaging ganap na tao ang bata sa sinapupunan. Ang mga katolikong pari aynagbigay kahulugan ng animasyon na ito ang punto ng paglaki ng sanggol saloob ng sinapupunan ng 40 at 80 araw pagkatapos ng konseptual napanahon. Ngunit noong 1969, ang simbahang Katoliko ay nagproklama naang aborsyon ay hindi makatarungan. Sa kasalukuyan, ang simbahan aynagbibigay permiso tungkol ditto sa mga espesyal na kadahilanan ngmedisina.Ang aborsyon ay isang nakakasira, pagtanggal o pag-aalis ng isang buhay naitlog na nasa bahay bata bago ito maging ganap na tao sa loob ngsinapupunan, ito ay bago ang bata maging ganp at puwede na siyang iluwal.Ang aborsyon ay ang paghinto ng pagbubuntis bago ang batang isisilang.Ang aborsyon ay ang resulta ng pagkamatay ng bata sa loob ng sinapupunan ito’y maaring tawagin na sadya o hindi sinasadya. Ang hindi sinasadyang aborsyon ay nagaganap kung ang bata ay natanggal sa katawan ng inadahilan sa mga natural na pangyayari o dahil sa aksidente. Ang sadyang
aborsyon ay kusang ginanap para alisin ang batang nasa sinpupunan at ito’y isinagawa sa artipisyal na paraan o medical.Sa mga taong nakaraan, ang aborsyon ay isang paksang kontrobersyal.Isang mahalagang aspeto ng kontrobersiyang ito ay kung ang isang babae aypapayagan ng batas na magpalaglag at kung puwede sa anong kadahilanano sitwasyon. Isa pang bagay ay kung anong paraan na ang batas aypapangalagaan ag isang sanggik sa sinapupunan. Sa Estados Unidos, ang pagpapalagalag ay isang kriminalidad na tinatawagna felony. Ang paggamit ng gamot o instrumento ng babae sa intensyon namatataggal ang kanyang dinadala sa sinapupunan ay tinawag na isangcriminal sa gawa. Datapwat karamihan sa kanila ay nagbibigay lunas ng “therapeutic abortion” kung nakataya ang buhay ng ina sa panahon ng knayang pagbubuntis.Ang aborsyon ay binibigyan ng permiso sa pamahalaan ng Inglatera sa loobng 28 linggo ng pagbubuntis at kung papayagan o hahayaan ang paglaki ngbata bago ito ipapaganap ang aborsyon ay maaring makasama sa kalusuganng ina. Sa bansang Pilipinas ang aborsyon ay matinding pingbabawal nggobyerno maliban sa mga kasong ang buhay ng ina ay nalalagay sa panganibkung ipagpapatuloy ang kanyang pagbubuntis. *Unang-una hindi aborsyon ang ang solusyon sa lumalaking populasyonkung hindi ang pagiging responsable mismo ng mga tao. Halimbawa na lang sa mgapamilya na lagpas na sa tatlo ang anak at wala namang sapat na pinagkakakitaanupang tustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya ay nararapat lamang nahuwag nang mag anak at wag nang intayin ang panahon kung saan kinakailanganna nilang ipalaglag ito upang mabawasan ang kanilang responsibiladad na dalahin.Hindi natin maikakaila na marami na ang mga kababaihang nagpapalaglagat ang nakakalungkot karamihan sa mga ito ay menor de edad. Ito ang naiisipnilang solusyon para takasan ang problema na sila rin naman ang nagsimula.Ngunit hindi ito tama! Hindi natin maitatama ang isang pagkakamali ng isa pangpagkakamali, walang karapatan ang sinuman na bawiin o tanggalan ang buhay angisang tao lalo't higit ang mga inosenteng sanggol. Ang buhay ay ipinagkaloob sa atinng Diyos, siya rin lamang ang may karapatang bawiin ito. Hindi ito ang solusyon sapagkakamaling nagawa ng mga kabataang nakalimot at minsang nagkamali, hindidapat maging makasarili at isipin ang sariling kapakanan, kung may naging bungaang kamaliang nagawa dapat itong panindigan at tingnan ang positibongmaidudulot nito at huwag alalahanin ang gastusin, dahil mas mahalaga sa kahitanong bagay ang buhay ng isang bata, kung may nagawa mang pagkakamali pilitinat sikaping ituwid ito sa mabuting paraan.Ang aborsyon ay isang imoral na gawain dahil lumabag ka na sa isa sasampung kautusan ng Panginoon, ang huwag pumatay. Kahit pa sabihin natin naito ay isang fetus pa lang, ito pa rin ay may buhay. Ikaw ay napakapalad kung ikaway nabigyan ng isang anak dahil marami ang hindi nabibiyayaan nito. Isangbiyayang binigay mismo ng Panginoon dahil alam niyang kaya mong gampanan angresponsibilidad na ito kaya't nararapat lamang na tanggapin mo ito ng buong pusogaya ng pagbibigay sayo ng Panginoon ng buhay.Dahil sa aborsyon marami din na mga n anay ang namamatay dahil sakomplikasyon kapag sila’y nagpapalaglag. Mayroon namang iba nagkakaroon ngimpeksyon at permanenteng sakit sa kanilang katawan. Mangyari pa, ang aborsyonay nagdudulot ng iba’t ibang pisikal at sikolohikal na epekto sa mga babaengnagpapa-abort. Sa pisikal na aspeto, ang kababaihan ay maaring makaranas ngpagdudugo na maaari nitong ikamatay. Maaari rin itong magdulot ng matinding lagnat na ,kapag hindi naagapan, ay maaaring humantong sa “renal failure”.Magdudulot rin ito ng matinding pananakit, pagkawala ng gana, insomnia, pagbabang timbang, “ectopic pregnancy” at “menstrual disturbances”. Sa aspetongsikolohikal, maaari silang makaranas ng pagkakonsensya, pagkawala ngkumpiyansa sa sarili, pagtanim ng galit, at pagpapakamatay. Samakatwid, hindilamang ang buhay ng walang kamuwa muwang na sanggol ang damay ngunit patina rin ang buhay at kalusugan ng mga kababaihan. Suliranin; 1. Bakit maraming mga inang nakakisip na magpalaglag ng anak? 2. Ano ang masaang epekto ng pagpapalaglag? 3. Anong paraan upang maiwasan ang pagpapalaglag? 4. Bakit may mga babaing hindi nakokonsensya? 5. Ano ang maaaring ipataw na kaparusahan sa gumawa nito?