Ang Kasaysayan ng Sampung Datu ng Borneo (Brunei - Epiko) Sinugbuhan, isang pulo sa Panay na ang mga nakatira ay mga Ita. Ito ay pinamumunuan ni Datu Pulpolan. Sa katagalan ng panahon at dahil na rin sa kanyang katandaan upang pamahalaan ang isang pulo, napagpasyahan niya na isalin ang kanyang kapangyarihan sa kanyang anak na si Datu Marikudo. Tinataglay ng kanyang anak ang mga katangian ng isang datu kaya’t ito naman ay sinang-ayunan ng lahat. Isang kaugalian nila na bago manungkulan ang isang datu, nararapat na siya ay pakasa. Sa dfami ng babae na naghahangad sda kanya, ang mahirap na si Maniwantiwan ang kanyang pinakasalan. Ang mga Ita sa Sinugbuhan ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagtatanim at pangingisda. Ang kanilang paboritong pagkain ay usa, baboy-ramo, butiki, pusa, isda at iba pang pagkain na matatagpuan sa gubat at ilog. Di sila nahihiyang lumakad na waang damit, subalit nang may dumating sa kanila na mga bagay na wala sa kanila, natuto silang mgatakip ng katawan, tulad ng dahon, baat ng kahoy o hayop. Naiiba ang uring pag-aasawa ng mga Ita. Ang babae ay dinadala sa bundok at pinatatakbo lamang. Hahabulin siya ng lalaki at kung siya ay aabutan ng lalaki saka lamang sila ikakasal. Ang isang babae naman na malapit nang magsilang ay dinadala sa bundok na ang tanging nagababantay ay ang alaki at kung ito ay nataon sa tagulan, ang lalaki ay nagtatayo ng kubong masisilungan upang sila ay malayo sa panganib. Ang pangalan ng bata ay pinangangalanan ng kahoy na malapit sa pinagsilangan. Sila ay naniniwala na ang sinumang magkasakit sa kanila ay gawa ng masamang espiritu, kaya’t upang ang may karamdaman ay gumaling agad, naghahandog sila ng pagkain sa masasamang espiritu. Kasamang ibinabaon sa Itang namatay ang isang bagay na mahalaga sa kanila sapagka’t lubha daw nag-aalala ang namatay kung ito ay maiiwan. May ibang paraan sila ng paglilibing. Sa oob ng ilang araw, ito’y patayong nakabaon sa lupa, Sinasabi rin na ang lupang pinagbaunan ng isang patay ay isang mabisang lupang dapat pagtaniman. Ang mga Ita ay magagalang sa bawat isa. Walang inggitan. Ang Datu ang siyang lumulutas ng lahat ng alitan o suliranin ng bawat isa. Ang sinumang magkasala ay pinarurusahantulad ng pagtatapon sa dagat o pagpapabaon ng buhay. Ang mga nabanggit ang mga uri ng kalinangan, kaugalian ng mga Ita bago dumating ang sampung Datu buhat sa Borneo, na tumakas kasama ang kanilang mga asawa, mga katulong at mga ari-arian upang iwasan ang pagmamalupit ni Datu Makatunaw. Ang sampung datu ay sina: 1. Datu Puti 2. Datu Sumakwel 3. Datu Bangkaya 4. Datu Paiburong 5. Datu Paduhinogan 6. Datu Domongsol
7. Datu Lubay 8. Datu Dumangsil 9. Datu Domalogalog 10. Datu Balensuela Galit at pagkamuhi ang nadama ng mga Ita nang dumaong ang mga Datu sa Panay subali’t sa maayos at makataong pakikipag-usap na ginawa ng mga dayuhan kay Datu Marikudo, sila’y nagkasundo at ang unang lupang natapakan ng dayuhan ay napagkasunduang ibigay sa pamamagitan ng pagpapalitan. Nagkaroon ng malaking kasaysaysayan ang pangyayaring ito. Ang mga Ita ay naghanda ng pagkain at dahil sa ipinakitang kagandahang-loob ng mga Ita, hinandugan ng makukulay na kwintas at mga gamit sa pakikidigma ang mga Ita. Bilang kabayaran sa lugar na napagkasunduan, binigyan ni Datu Puti si Datu Marikudo ng isang gintong salakotat isang batyang ginto na may timbang na limampung bas-ing. Isinuot ni Datu Marikudo ang salakot sa kasayahan. Malandog ang pangalan ng napiling lugar ng mga dayuhan na ayon kay Datu Puti, ang laki ay sapat na upang sila ay magtanim para sa kanilang ikabubuhay at malapit sa ilog upang doon kumuha ng ibang makakain. Umalis si Datu Puti na batid na niyang mabuti ang kalagayan ng kanyang mga kasamahan. Bumalik siya sa orneo sapagka’t ayon sa kanya, kaya na niyang tagaan ang pagmamalupit ni Datu Makatunaw. Pitong Datu ang naiwan sa Panay sa pamamahala ni Datu Sumakwel. Sina Datu Dumangsil at Datu Balensuela ay nagpunta naman sa Luzon. Si Datu Sumakwel ay isang matalino at mabagsik na Datu. Ang sinumang nagkasala ay pinarurusahan. Pinuputol ang kamay ng sinumang magnanakaw at ang mga tamad ay pinagbibili na isang alipin o kaya’y pinagagawa ng ibang lupa. Masasabi ring ang mga dayuhan ay magagaang at mapagmahal. Bulalakaw ang pangalan ng kanilang Diyos na matatagpuan sa Bundok ng Madyas. Ang kailang pag-aasawa ay naiiba sa mga Ita. Bago tanggapin ng babae ang lalaki sila ay nagbabaon ng pana sa paligid ng bahay at ito ay tatanggalin kung may kapahintulutan na ang mga kalalakihan, at sa lugar na pinag-alisan ay ilalatag ang banig upang paglagyan ng mga pagkain. Habang nag-uusap ang dalawang pangkat, ang babae ay pansamantalang nakatago. Pinaiinom ng alak ng paring magkakasa ang dalawa sa gitna ng karamihan, pinangangaralan at hinahangad ng magkaroon ng malulusog, matatapang, magaganda at marurunong na anak. Bago mamatay ang isa sa kanila ay pinailiguan ng katas ng mababangong bulaklak, biniihisan ng magagandang damitna may gintong pera sa bibig sapagka’t isang paraan daw ito upang ang patay ay di mabulok. Pagkatapos ng anim na araw ng pagbabantay, ang patay ay inilalagay na sa kaban na may iba’t ibang uri ng pagkain at kung ang namatay ay isang mayaman, isang katulong ang sa kanya’y isasama upang magbantay daw sa kabilang buhay. Kung ang namatay ay nag-aari ng isang bangka, ang bangkay ay hindi ibinabaon, sa halip ay inilalagay sa bangka na maraming pagkain at papaanurin sa dagat. Ang mga
mauulila naman ay nagsusuot ng putting damit bilang pagluluksa. Ang mga nabanggit ay ilan sa mga kaugalian at paniniwala ng mga dayuhan na dumating sa Panay, subali’t isang pangyayari sa buhay ni Datu Sumakwel ang nagdulot sa kanya ng kapighatian at kalungkutan. Lumipas ang maraming taon na paninirahan sa Malandog, naisipan ni Datu Sumakwel ang magpunta sa bundok na kinalalagyan ng kaniang Diyos na si Bulalakaw. Umalis siya na iniwan ang kanyang mga gamit sa pangingisda, bahay at asawa, na ipinagilin niya kay Gurung-gurung na kanyang pinagkakatiwalaan. Di niya batid na si Kapinangan na kanyang asawa ay may gusto kay Gurung-gurung. Nakapansin ng pagbabago si Datu Sumakwel nang dumating siya sa kanilang lugar at tahanan. Kaya’t upang mapatotohanan, nagbalak siyang umais sa kanila. Ipinahanda niya ang lahat ng kanyang kailangan sa paglalakbay na di nbatid ng kanyang asawa na iyon ay isa amang pakana. Nagkataon naman kinabukasan, pinatawag ni Kapinangan si Gurung-gurung upang utusan daw, subali’t sa bahay siya ay nakahiga na at talagang hinhintayang pagdating ni gurung-gurung. Subalit ang kanyang balak ay di nagkaroon ng katuparan sapagkat patay na bumagsak si Gurung-gurung na may tama sa likod. Ganoon na lamang ang pagdadalamhati ni Kapinangan, naisaloob niya na mabuti pa ang kanyang asawa ang namatay sa oras na iyon. Pinagputul-putol niya ang kamay at paa at ibinalot ng kumot upang digaanong mapansin. Dumating si Datu Sumakwel na nagbalatkayong bagong dating bago’y siya ang pumatay kay Gurunggurung sa pamamagitan ng sibat habang siya ay
nakatago sa kisame. Pinagluto niya si Kapinangan. At sinabing siya’y gutom na gutom. Nagtaka siya nang magreklamo si Kapinangan nang sabihin niyang putulputulin ang isda na dati rati’y kanyang ginagawa. Upang di-parisan ng kababaihan, ipinatapon niya ang kanyang asawa sa gitna ng dagat, subali’t ang kanyang inutusan ay nagdalang-habag kaya’t dinala na lamang niya si Kapinangan sa maayong pool at doon nila iniwan. Sa pangalang Alayon, nakikiaa si Kapinangan sa lugar na kanyang narrating, at siya’y sinambang diyosa dahil sa taglay niyang kabaitan. Lumipas ang maraming taon subali’t ang nangyari kay Sumakwe ay dir in niya nailimutan. Minsan siya ay nagalakbay upang maghanap ng mga pananim, at sa diinaasahang pangyayari, ang narrating niyang ugar ay ang kinalalagyan ni Kapinangan. Di na niya nakiala si Kapinangan sa taga ng panahong pagkakalayo. Naging mahusay ang pagtanggap sa kania sa nasabing lugar at sa oob ng iang araw na pananatili doon, si Alayon at si Datu Sumakwel ay nagkagustuhan, subalit sa tuwing sasagi ang nangyari sa kanyang buhay, parang ayaw na niyang makipagsapalaran. Aalis siya sa lugar upang iwasan si Alayon. Si Alayon ay lumuluha dahil sa napipinto niyang pag-alis, subalit di nagkaroon ng pagkakataong umalis si Datu Sumakwel sapagka’t sila’y pinaglapit ng kaniang mga kasamahan at humantong sa kasalan. Nagsama at nabuhay nang matiwasay ang dalawa hanggang sa kahuli-huihang sandai ng kanilang buhay, ay di nakilala ni Datu Sumakwel na ang kanyang muling pinakasalan ay si Kapinangan na dati niyang asawa.
Ang Buwang Hugis Suklay Isinalin sa Filipino ni Dr. Romulo N. Peralta (Laos-Alamat) Noong unang panahon, may isang mangingisda nanagpaalam sa kaniyang asawa na lumuwas sa kabayananupang mamili ng mga gamit sa pangingisda. Nagpabili ang kaniyang asawa ng kendi para sakaniyang anak na lalaki, at isang suklay na hugis buwan. Sinabi ng kaniyang asawa na upang hindi niyamakalimutan, tumingala lamang siya sa kalangitan at makikita niya ang buwanghugis-suklay. Sa araw na iyon, ang buwan ay talaga namang magsisimula nang maginghugis-suklay. Nagsimulang humayo ang mangingisda at matapos ang maraming araw atgabi ng paglalakbay, narating niya ang kabayanan. Agad-agad niyang binili ang mga kagamitan sa pangingisda at ang kendi parasa anak. Ngunit sa kasamaang palad, nakalimutan niya ang ipinagbilin ng asawa nadapat bilhin. Naghalughog siya sa buong tindahan upang maalala lamang niya angipinabili ng asawa. Napansin ito ng tagapangalaga ng tindahan.
“Maaari ko po ba kayong tulungan?,” tanong ng tagapangalaga samangingisda.
“Hinahanap ko ang ipinabibili ng aking mahal na asawa.” tugon naman niya. “Pampapula ho ba ng labi?” “Hindi.” “Pitaka?” “Hindi rin.” “Unan?”
“Unan? Naaalala ko na! Sinabi niyang tumingala ako sa buwan.” Masayang tugon ng mangingisda. (Sa orihinal na teksto, ginamit ang salitang spoon upangmagkasintunog sa moon. Sa salin na ito, ginamit ng tagapagsalin ang salitang unanupang maging magkasintunog sa salitang buwan.) Tumingala ang tagapangalaga at nakita ang bilog na bilog na buwan na siyaring nakita ng mangingisda sa kaniyang pagdating sa kabayanan mula sa mahabangpaglalakbay. “Alam ko na. Makikipagpustahan ako sa ‘yo. Ito ang gusto ng asawa mongbilhin mo para sa kaniya,” panghahamon ng tagabantay ng tindahan.
Agad-agad na inilagay ng tagabantay ang bilog na bagay sa isang supot.Binayaran ito ng mangingisda at lumisan. Sa kaniyang pagdating, nadatnan niya ang nag-aabang niyang asawa, anak,ang kaniyang ina at ama.
“Kumuha ka ng kendi,” ang sabi niya sa kaniyang anak. “Natandaan mo ba kung anong ipinabili ko sa ‘yo?,” ang tanong ng kaniyangasawa. Masayang itinuro ng mangingisda ang lukbutan na kinalalagyan ng kaniyangbinili para sa asawa.“Wala naman dito ang suklay na hugis-buwan,” pasigaw na sabi ng asawa. Lumapit ang mangingisda sa kinalalagyan ng lukbutan, dinukot ang supot atinabot sa asawa. Pinunit ng asawa ang supot at nakita ang sarili sa salamin kasabay ngpanghahamak.
(Ang mia noi ay mga salitang Lao na katumbas ng pangalawang asawa namas bata sa unang asawa. Ito’y bahagi ng lipunang Thai at Lao.) Hinablot ng ina ng lalaki ang salamin at nagwika. “Nakakadiri ka nga. Nagdala ka ng mia noi, na napakatanda na atnangungulubot pa. Paano mo ito nagagawa?”Tumayo ang kaniyang anak na noo’y nakaupo malapit sa kaniyang lola athinablot ang salamin. “Lolo, tingnan ninyo. Kinuha niya ang aking kendi at kinakain pa.” pagalit nasabi ng bata. “Tingnan ko nga ang masamang taong ito.” Hinablot ng lolo ang salamin mulasa bata. “Iniismiran pa ako ng kontrabidang ito! Sasaksakin ko nga ng akingpatalim.” Inilapag sa sahig ng lolo ang salamin at inundayan ng saksak.
Ganoon na lamang ang pagkabigla ng mangingisda sa naging reaksiyon ngasawa.
“Sasaksakin din niya ako!” sigaw ng lolo.Nang makita ito ng lolo, siya’y galit na galit na sinaksak ang salamin attuluyang nabasag.
“Bakit ka nagdala ng mia noi? Ito’y isang pangaalipusta!” pasigaw ng asawa.
“Ngayon ay hindi ka na makagagambala pa sa kahit sino!” ang sabi ng lolo.
Ang Agila at ang Maya (Malaysia-Pabula) Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang niyang iniladlad at ibinuka ang kanyang malalapad na pakpak. Habang patuloy siya sa kanyang paglipad ay nakasalubong niya ang isang maliit na ibong Maya at hinamon niya ito. "Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa ang mabilis lumipad?" buong kayabangan ni Agila, kaya naipasya niyang tanggapin ang hamon nito para maturuan niya ng leksyon. "Sige! Tinatanggap ko ang hamon mo. Kailan mo gustong magsimula tayo?" Natuwa ang Agila, himdi niya akalain na tatanggapin nito ang hamon niya. "Aba, nasa sa iyon 'yan. Kung kailan mo gusto," buong kayabangang sagot ni Agila. Napatingin ang Maya sa kalawakan. Nakita niyang nagdidilim ang kalangitan, natitiyak niyang ang kasunod niyon ay malakas sa pag-ulan. "Sige Agila, gusto kong umpisahan na natin ang karera ngayon na. Pero, para lalong maging masaya ang paligsahan natin ay kailangang bawat isa sa atin ay magdadala ng kahit ano ng bagay. Halimbawa ang dadalhin ko ay asukal ikaw nman ay bulak." Tumawa ang Agila sa narinig na sinabi ni Maya. Tuwang-tuwa talaga siya, bakit nga naman hindi eh, mas hamak na magaan ang bulak na dadalhin niya kumpara sa mabigat na asukal na dadalhin naman nito. "O ano, Agila, payag ka ba?" untag ni Maya. "Aba oo, payag na payag ako." "Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na 'yon at doon tayo hihinto sa ituktok ng mataas na bundok na iyon," wika pa ni Maya. Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan dahil tiyak na ang panalo niya, subalit hindi siya nagpahalata. At sisimulan nga nila ang paligsahan. Habang nasa kalagitnaan na sila ng kalawakan ay siya namang pagbuhos ng malakas na ulan. Nabasa ang bulak na dala-dala ni Agila kaya bumigat ito ng husto. Nahirapan si Agila , kaya bumagal ang lipad niya.
Samantalang ang mabigat sa asukal na dala-dala naman ni Maya ay nabasa din ulan kaya natunaw ito. Napabilis ang lipad ni Maya. Dahilan sa pangyayari, unang nakarating si Maya sa ituktok ng mataas na bundok at tinalo niya ang mayabang na Agila.
Pabula ng Daga at ang Leon (Cambodia-Pabula) Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon. Kanyang inaakyat ang likuran
ng
leon
at
pagdating
sa
itaas
ay nagpapadausdos
siya
paibaba.
Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga. "Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga. Nabakas
ng
leon
sa
mukha
ng
daga
ang
tunay
na
pagmamakaawa.
"Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalainang pagtulog ko," sabi ng leon. "Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, " sagot ng daga. Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno. Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan. Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan
ang
leon
na nakawala
sa
lambat.
"Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa kaibigang daga.
Panaghoy ng Isang Isla (East Timor - Dula)
May kirot sa aking puso
Naglalakbay sila sa bukid
habang binabagtas ko
at parang.
ang iyong payapang dagat.
lumalagos sa kabundukan, lalim ng
aninag ang mga bundok
karagatan,
sa liwanag ng buwan.
syudad,iskwater at iskwelahan
ang kulay-pilak na tubig
hanggang sa pusod ng
sa barko ay sumasabay.
Jakarta
maging ang lagaslas ng
ay mararamdaman
mumunting alon
ang rumaragasang
ay pumapawi sa pagal kong
kasaysayan.
isipan.
May kirot sa aking puso
Sa kailaliman nito’y
habang binabagtas ko
naroon pa rin
ang iyong payapang dagat.
ang lungkot,
aninag ang mga bundok
poot at paghihimagsik!
sa liwanag ng buwan.
sa aking dibdib ay
ang kulay pilak na tubig
nararamdaman.
sa barko ay sumasabay.
Habang nagsasaya ang mga turista sa saliw ng indak at musika doon sa isla ng
maging ang lagaslas ng mumunting alon ay pumapawi sa pagal kong isipan.
Bali.
Sa kailaliman nito’y
May minamasaker naman
naroon pa rin
sa sementeryo ng
ang bulkang,
Dili.
nagbabadyang sumabog!
Dinig ‘kong panaghoy ng mga
sa aking dibdib ay
kaluluwang nagnanais lumaya sa
nararamdaman.
limbo ng kolonyalismo at ngayon sa tiranong si Suharto.