Bacoor National High School Molino Main Molino 1 Bacoor Cavite City
Ang Luha ng Buwaya ni Amado V. Hernandez Isang Pagsusuri sa teoryang Reyalismo
Ipinasa ni: Justine Honey Samson
Ipinasa kay: Gng. Maria Miden B. Dayag
Petsa: Oktubre 20,2017
I.Pamagat,May Akda,Genre Pamagat
Naging basehan ni Amado V. Hernandez ang pagsulat sa Luha ng Buwaya ay ang pang-aapi ng isang mayamang pamilya sa mga taong dukha sa isang bayan sa probinsya. Bilang tinaguriang ama ng manggagawa lubos niyang inialay ang kanyang sarili para sa kapakanan ng mahihirap na kanyang ipinaglaban sa pagsulat ng nobela. At tinukoy din niya ang pagkakaisa at pagkakasundo ng mga magsasaka upang malutasan ang problema. Ang dahilan kung bakit “Luha ng Buwaya” ang titulo ng nobelang ito ay dahil sa ang "luha ng buwaya" ay nangangahulugang bulaklak ng dila na nangangahulugang "mapagbalatkayo" o "pagkukunwari."
May Akda
Si Amado Vera Hernandez ay ipinanganak noong ika-13 ng Setyembre 1903 sa bayan ng Hagonoy sa Bulacan. Isa siyang tanyag na makata, manunulat at pinuno’t akti bista
para sa mga manggagawa. Nagsimula siyang magsulat para sa mga pahayagan noong siya’y binatilyo pa lamang. Ilan sa mga pahayagan kung saan siya’y naging peryodista
ay ang Watawat, Pagkakaisa, at Mabuhay. Ang kanyang mga akda any nakuha ang pansin ng tao at nasama ang ilang niyang mga kwento’t tula sa mga antolohiyang kagaya ng Parolang Ginto ni Clodualdo del Mundo at Talaang Bughaw ni Alejandro Abadilla.
Noong 1922, naging kasapi si Hernandez ng samahang Aklatang Bayan, kung saa’y
kabilang din sina Jose Corazon de Jesus at Lope K. Santos. Siya’y labinsiyam na taong gulang pa lamang noon. Ikinasal si Hernandez kay Honarata “Atang” de la Rama noong
1932. Si Ginang de la Rama ay isa ring Pambasang Alagad ng Sining, sa kategoryang Teatro, Sayaw at Musika. Nang sinakop ng mga Hapones ang Pilipinas noong taong 1941, sumali si Hernandez sa kilusang guerilla, kung saan siya nagsilbi bilang intelligence officer. Dito’y nakilala niya ang mga miyembro ng Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon o
Hukbalahap. Sinasabi na sa pagtatagpong ito nagkaroon ng simpatya si Hernande z para sa Komunismo o Communism. Matapos ang digmaan ay tinalaga siya ni Pangulong Sergio Osmeña bilang konsehal ng Maynila. Siya rin ay naging pangulo ng dati’y
Philippine Newspaper Guild. Ngunit ang talaga niyang mahalagang gawain ay ang pagorganisa ng mga unyon para sa mga manggagawa. Si Hernandez ay dinakip noong taong 1950 sa salang siya raw umano’y isang lider ng mga rebelyong namumuo sa Luzon. Sa
kulungan niya isinulat ang kayang mga tanyag na nobelang Ibong Mandaragit at Luha ng Buwaya. Matapos ng limang taong pagkakakulong ay siya’y hinayaang magbayad ng
piyansa, at di kalaunan ay napawalang-sala sa mga kasong kanyang hinaharap. Si Hernandez ay nagpatuloy magsulat at magturo hanggang sa kanyang kamatayan noong ika-24 ng Marso, taong 1970. Genre:
Nobela
Ang Luha ng Buwaya ay nobelang katha ng isang Pambansang Alagad ng Sining o National Artist (sa kategoryang Literatura) ng Pilipinas na si Amado V. Hernandez. Ang kwento ay umiikot sa pang-aapi ng isang mayamang pamilya sa mga maralitang mamamayan ng isang bayan sa probinsya, at kung papaano nakaisa’t nagsama -sama
ang mga nasabing mahihirap upang lumaban at malutas ang kanilang mga problema. Isinulat ni Hernandez ang Luha ng Buwaya habang siya’y nasa bila nguan (sa pagitan ng taong 1951 hanggang 1956), at ito’y unang nalimbang noong 1962 ng Ateneo de Manila University Press. Ang aklat ay may limampu’t talong kabanata at 334 na pahina.
II. Buod Tauhan:
Bandong Cruz Siya ay isang gurong hinirang upang maging panibagong principal o punong- gurong isang paaralan sa Sampilong. Siya ay anak ng isang magsasaka at maagang naulila
Don Severo at Doña Leona Grande Sila ang mayamang mag-asawa na mapang-abuso sakanilang mga trabahador at sa mga nangungupahan sa kanilang mga lupain. Mayroon silangdalawang anak na nagngangalang Jun at Ninet.
Dislaw Ang katiwala ng mga Grande na mayabang, may masamang ugali at
kinamumuhian ngmga magsasaka. Siya ang karibal ni Bandong sa magandang dalagang si Pina.
Jun
-
anak
ni
Donya
Leona
na
nagtapos
ng
medisina
Ninet - anak ni Donya Leona na nagtapos ng parmasya Pina – Ang dalagang iniibig pareho nina Bandong at Dislaw. Siya ay anak ni Mang Pablo at Aling Sabel. May kapatid siyang lalaki na nagngangalang Dinong. Tinaka siyang gahasain ni Dislaw pagkat di niya ito makuha sa santong dasalan. Andres – Isang lalaking naninirahan sa iskwater area na may lihim na pagkatao. Pinagbintangan siyang magnanakaw ng ulo ng litson na iniabot lamang sa kanya. Siya ang asawa ni Sedes at mayroon silang apat na anak. Lingid sa kaalaman ng iba na siya pala ang tagapagmana ng malaking lupain ni Kabesang Resong, isang mayaman ngunit mabuting kabesa noon. Tasyo – Siya ang hinirang na pinuno ng unyon. Madalas siyang makipag-away sa mga Grande at kay Dislaw dahil nais niyang protektahan at ipaglaban ang kanilang karapatan at mabigyan ng hustisya ang mga pang-aabuso sa kanilang mga mahihirap.
Tagpuan
Ang Sampilong ay isang probinsyang puno ng malawak na lupain na pag aari ngng mga Grande. Ang pangunahing hanapbuhay dito ay ang pagsasaka. May mangilanngilan ding lupaing pag aari ang iba tulad nina Mang Pablo, Ba Inte, Nana Oris , at Maestro Bandong ngunit di gaaanong kalakihan. Sa loob ng isang taon ay isang beses lang nakapag aani kaya't kung araw ng anihan, ang lahat ay naroroon ngunit kapansinpansin ang hirap na dinaranas ng mga magsasaka sa lupain ni Donya Leona.
Buod
Umiikot ang kwento ng Luha ng Buwaya sa tunggalian ng mayayamang may-ari ng lupa at ng kanilang mga inaaping magsasaka sa bayan ng Sampilong ilang taon matapos ang pananakop ng mga Hapones. Nagsimula ang kwento sa pag-uwi ni Maestro Bandong Cruz sa Sampilong upang humalili sa dating punong-guro na nagbakaston muna dahil sa karamdaman. Nagkataon naman na magkakaroon ng malaking handaan sina Don Severo at Doña Leona Grande, ang mga pinakamayaman sa Sampilong, bilang pagsalubong sa kanilang dalawang anak na sina Jun at Ninet. Ang magkapatid ay umuwi sa Sampilong mula sa kanilang pagtatapos sa Maynila. Ang pamilya Grande ay lubhang mapang-api sa kanilang mga magsasaka , at hindi lamang ngayong malapit na ang piging ngunit kahit noon pa man. Sila'y lagging walang-awang sumisingil ng mga nagkakapatong-patong na utang ng mga mahihirap na magsasaka. Isang halimbawa ng kanilang kalupitan ay, ilang araw matapos ang handaan, namatay ang asawa ng isang
magsasaka dahil hindi pinagbigyan ng mag-asawa ang hiling ng lalaki na huwag munang kunin ang kanilang pera upang mayroon siyang maipambili ng gamot para sa kanyang maysakit na asawa.
Dumating ang mga pangyayari sa puntong napuno na ang mga mahihirap na magsasak a at naisip nilang magtayo ng isang unyon para mapangalagaan ang kanilang mga karapatan. Sila ay tinulungan ng butihing punong-guro na si Bandong. Sa tulong nito ay namulat ang isipan ng mga tao sa Sampilong at gumanda ang kalagayan ng mga mamamayan. Ngunit patuloy na umiral ang kasakiman ng mga Grande at tinangka nilang kamkamin ang lupaing kung tawagin ay 'Tambakan' o 'Bagong Nayon' at hinabla ang mga mahihirap upang mapigilan ang kanilang mga plano. Di nagtagal at nakarating ang mga balitang ito sa mga Grande sa pamamagitan ng kanilang katiwala na si Dislaw, ang karibal ni Bandong sa panliligaw sa magandang dalagang si Pina, at sila'y gumawa ng paraan upang matanggal si Bandong sa pagkapunong-guro sa paaralan. Nalaman ni Bandong kung sino ang mga may galit sa kanya at tahasa na siyang nakiisa sa mga plano at hinanaing ng mga maralitang tao ng Sampilong. Sinubukan nilang dalhin ang problema sa korte at ayusin ito sa harap ng hukuman ngunit nagkaproblema sila dahil sadyang maimpluensya ang mga Grande. Di naglaon ay napabalitang ang lupaing iyon ay hindi pala sa mga Grande, at sa halip ay pagmamay-ari ito ng isa nilang kasamahan na si Andres. Sa huli ay napawalang-sala rin ang mga inosenteng mahihirap at nabigyan ng hustisya.
III. Paksa
Ang tema ng nobela ay tumatalakay sa kasakiman ng mga Grande na tulad ng mga buwaya at ang pagkakaisa ng mga magsasaka upang masugpo ito. Ang pamagat ng nobelang “Luha ng Buwaya”, na “crocodile tear” sa Ingles ay isang idyoma. Ito’y nangangahulugang “isang hindi totoo o hindi matapat na pagpapakita ng damdamin.” Sa
ating pakakahulugan, a ng buwaya ang sumisimbolo sa mga buktot na tao, at ito’y nasa katauhan ng mga Grande. Makikita ang pagiging sakim ng mga ito sa lupa, na naging rason upang ang mga api ay lalong maghirap. Maiuugnay ang pamagat sa kuwento sa ilang pangyayari. Nang mamatay si Sepa ay nagpadala ng abuloy si Donya Leona upang ipakita na sila’y nakikiramay sa sinapit ng asawa ni Hulyan. Kung bakit natuluyan si Sepa
ay sapagkat wala silang maipambili ng gamot, dahilan sa hindi pagpayag ni Donya Leona upang kalahati lang muna ang kaltasin sa mga naani. Isa pang pangyayari ay kung saan tuwing Linggo’y parating dumadalo ng misa ang mi ari, ‘pagkat naniniwala siyang “ang pagiging ‘mabuting Kristiyano’ ay ganap na pumapahid sa ibang mga kapintasan o
kasiraan, at para din naming sukat n g magsimba, minsan sanlinggo upang ang isa’y maging ‘mabuting Kristiyano’.”
Sa katauhan ni Bandong, siya ang naging tagapayo ng unyon n g mga magsasaka at ang utak sa likod ng pagtatayo ng kooperatiba ng mga iskuwater. Hayag sa kuwento ang pagkakaisa ng mga tauhan tungo sa pagbabagong inaasam, at dahil dito’y nagawa nilang kalabanin at mapagtagumpayan ang mga malalaking tao.
IV. Bisa Pangkaisipan
Dahil sa kahirapan karamihan sa mga tao ang hindi nabibigyan ng hustisya lalo na sa mahihirap dahil wala kang sapat na kapangyarihan upang ipagtanggol ang iyong sarili at karapatan bilang tao katulad din ng nangyari sa kwento niyurakan ng mga Grande ang pagkatao ng mga magsasaka ngunit sa dahil sa pagkakaisa ng mga magsasaka nalutas nila ang problema at nahanap nila ang hustisya. Pandamdamin
Nakakapanggalaiti at nakakalungkot. Ipinakita sa nobela ang kasak iman at kalupitan ng mga Grande sa mga magsasaka. Maihahalintulad ito sa lipunan mga taong mapagbalatkayo tulad ng mga Grande laganap na ito sa ngayon ginagamit at tinatapakan ang mga tao na mababa para sa sariling intensyon. V.Mensahe
Ang mensahe ng kwentong ito ay maihahalintulad sa isyu ng lipunan na hanggang ngayon ay ating nararanasan ang pagyurak sa mga taong nasa mababang antas ng mga taong may kapangyarihan sa lipunan. Madaming tao ang nabibihag at nabubulag sa yaman, ang yaman na dapat ay ibinabahagi at hindi sinasarili huwag maging sakim huwag maging buwaya sapagkat ito’y hindi nagdudulot ng maganda.
VI.Teoryang ginamit
Ang teoryang ginamit sa nobelang ito ay teoryang Realismo sapagkat ipinakita ng may akda ang tunay na nangyayari sa lipunan. Inilarawan ng may akda ang kanyang mga naranasan sa katotohanan o reyalidad ng buhay.
VII.Sanggunian
Amado V. Hernandez Ang Luha ng Buwaya(1962) https://en.wikipedia.org/wiki/Luha_ng_Buwaya