Kahulugan ng Behaviorism Kapag pinag-uusapan pinag-uusapan ang katagang “Behaviorism” o di kaya’y “neo“neobehaviorism” kadalasang iniuugnay ito sa isang sikat na psychologist at behaviourist na si B.F. Skinner, gayunpaman, ang “behaviourism” ay nagsimula noong 1900 at binigyang paliwanag noong 1920 ng isang sikat na Amerikanong sikolohistang si John Watson at Ivan Pavlov. Ang Pavlov. Ang mga behaviorist ay naka depende lamang sa kapansin-pansin na kaugalian para matuto. Hindi nila binibigyang diin ang mental na aspeto ng mag-aaral, dahil para sa kanila ang pagkatuto ay nagaganap kapag ang tiyak na saligan ay naabot (Ebert & Culyer, 2011).. Para sa mga behaviorist, behaviorist, ang pagkatuto ay nagmumula nagmumula sa obserbasyon obserbasyon ng kultura ay nagmumula sa ating kapaligiran. Nakita sa pag-aaral na ang paraan ng mga behaviorist napaka epektibo sa paggawa ng positibong kaugalian halos sa lahat ng kapaligiran ng pagkatuto. Ang praang ito ay positibong naka aapekto sa performans ng mag-aaral (Watrin & Darwich, 2012). Ayon sa behaviorism behaviorism , ang psychology ay isang isang agham at ito ay agham ng kaugalian wala itong kinalaman sa agham ng kaisipan. Sa madaling salita , sinasaad sa behaviorism na ang ating isipan ay hindi tumutulong sa isang tao na matanmo ang kaalaman. Ang behaviorism ay malawak malawak na ginagamit bilang basehan sa philosophy of of a science of behavior. Lalo na, sa larangan ng sikolohiya, ipinaliwanag ng behaviorism na ang responses ng tao ay katulad lamang sa stimuli sa kapaligiran at maoobserbahan o masusukat na responses sa stimuli. May iba’t ibang anyo ng
behaviorism: structuralism; behaviorism na gumagamit ng cognition; social learning theory, dagdag sa methodological behaviorism; at radical behaviorism. Sa behaviourism, nalalaman kung paanong ang mga resulta ng mga t ugong ibibigay ay makakapaghubog ng pag – uugali. Sa pamamagitan ng ganitong perspective, ang pagkatuto ng mga mag – aaral ay nagaganap sa pamamagitan ng mga reaksyon sa mga kondisyon nasa kapaligiran at nahuhubog sa pamamagitan ng pagpapatibay at pagtatama. Ang mga nagpapatibay ay nagpapaganyak sa mga mag – aaral na magbigay ng tugon kapag nakatagpo ng stimulus (Horton, 2014). Naniniwala ang mga behaviourists na tanging ang nakikita, nasusukat at panlabas na pag – uugali ang karapatdapat ng pang-agham na pagtatanong. Kaya, ang kanilang pokus ay sa pagkatuto na apektado ang pagbabago ng ugali. Pinalagay nila na ang mabuting impluwensya mula sa kapaligiran ng mga m ag – aaral ay magreresulta ng pagtamo ng magkakatulad na pagkatuto at ang lahat ng mga mag – aaral ay matututo. Naniniwala ang mga kasulukuyang behaviourist na ang mga mag – aaral ay natututo sa pagsasaulo ng tipak na impormasyon bago ang mataas na antas at pagkatutong batay sa problema (Horton, 2014). Ang teoryang ito ay batayan na ang pagkatuto ay walang kinalaman sa ating pag-iisip (McDonald, Yanhar 2005) dahil ang pagkatuto ay nagaganap kasabay ng pagtatamo ng bagong ugal isa si B.F Skinner na nagsabi na ang resulta ng pagkatuto ay maaari lamang masukat kung babaguhin natin ang ugali ng mga magaaral. Ang mga behaviorist ay naka depende lamang sa kapansin-pansin na kaugalian para matuto. Hindi nila binibigyang diin ang m ental na aspeto ng magaaral, dahil para sa kanila ang pagkatuto ay nagaganap kapag ang tiyak na saligan ay naabot.
Sa katotohanan hindi maitatangi ng isang tao ng lubos na nakaka epekto ang kapaligiran sa kaugalian ng tao. Bagaman ang ideya ng pagtanggap ng behaviorismo bilang isang teoryang komprehensibo ay dapat na pagtuonan ng pansin, ang mga ideya at pananaliksik ay dapat bigyan ng konsiderasyon. ( Piedad, Field, Rachlin, 2006). Ayon sa mga datos na nalikom ni Lynn Munoz (2010), ang mga pangunahing opinion patungkol sa Behaviorist learning theory ay nakapukos sa stimuli at response na sinasabing ang pagkatuto ay napag-aralan ng may katotohanan kumpara sa damdamin. Sa pagkatutoo ay palaging magkakaroon ng pagbabago sa pag-uugali. Masasabi ring nakaapekto ang mga panyayari sa kapaligiran sa pagkatuto. Ayon kay Thorndike sa balangkas na inilad ni W atson the theory of learning na mas kilala bilang connectionism. Sa itinala ni Thorndike ay pinatatag at pinahina ang responses sa mga maaring mangyari. Sinasabi rin na ang patuloy na pagbibigay ng positibong gantimpala ay nagpapatatag ng pag-uugali at nangunguna bilang isang malakas na paniniwala behaviorism, ngunit ayon kay Ormsod (2008) may mga pangungutya sa teorya ni Thorndike na kung alin sa gantimpala (positibo/negatibo) ay may malakas na epekto ng pag-uugali. Sa mahabang panahon, ang sikolohiya ay isang disiplina na tapat sa pag -aaral ng isip. Ang “Behaviorism” ay kumakatawan sa ganoong tradisyon, dahil dito, binigyang ng “behaviourism” ng bagong mukha ang sikolohiya bilang isang larangang nagaaral sa ugali ng tao. Noong nagsimula ang rebolusyon ng cognitive, ang pag-aaral sa larangan ng cognitive ay muling nabuhay. Simula noon, karanasang sinasabing ang rebolusyong “cognitive” ay napalitan ng “behaviourism” (Watrin & Darwich, 2012).
Natututo tayo mula sa ating interaksyon sa ating kapaligiran o di kaya sa mga nakapalibot sa atin. Nagaganap ang proseso ng pagkatututo dahil ang ating pagkatututo ay nakaugnay sa kondisyon at ang kundisyong iyan ay an gating kapaligiran. ( Crow & Tian 2006). Tayo ay natututo dahil sinusunod natin ang mga tiyak na batas tungkol sa kaugalian at disiplina ng daigdig. ( Wegner, 2005). Binibigyan ng emphasis ni Hartleyang apat(4) na key principles ng behaviorism na kung saan ang pagkatuto ay mabuti at importante kapag ang mgaaaral ay active kaysa sa passive. Sinasabing ang teoryang behaviorism ay ang pinakamaimpluwensya pagdating sa pagkatuto. Kabilang sa aspeto ay ang pagkakaiba ng mga pananaw ngunit may isang parehong dulog sa pagkatuto sa pagdevelop sa koneksyon sa pagitan ng stimuli received at response na pinapakita ng mga mag-aaral. Sa ginawang pag-aaral ng mga behaviorist napag-alaman na ang pagkatuto ay isang proseso na kung saan ang stimulus at response ay naisagawa na kung saan ang stimulus ay nakasunod sa response. Inakala noon na ang mga tao ay nagmula sa katulad ng makina. Kadalasan sa mga behavioral research ay isinagawa sa mga hayop at naiuugnay ito sa malawak na katangian ng pag -uugali ng tao. Dito, maaring ibuod ang mga teorya nina Thorndike, Pavlov at Skinner. Ang pag-aaral sa human behavior ay iba’t iba at mayroong ding iba’t ibang pag-aaral na naghahanap pa kung ano ito. Maraming mananaliksik na kasama sa human behavior na kung saan ito ay isang mahirap at paminsan minsan ay mahirap hulaan. Sinasabing ang kapaligiran ang pangunahing salik ng pagdebelop ng isang human behavior. Pinapakita sa human behavior ang pagkahirap hulaan na ang isang tao ay kakaiba sa lahat at ginagamitan ng iba’t ibang ideya at karanasan.
Dagdag pa rito ang pag-aaral ng human behavior ay nangangailangan ng malalim at masinsinang pananaliksik sa iba’t ibang tao sa iba’t ibang lugar at kapaligiran (Ukessays, 2015). Behaviorism sa Pag – aaral Ang sikolohiyang pang-ugali ay minsan’y naging pangunahing pag-aaral lalo ng mga Amerikanong sikolohiya. Pinalalalim nito ang pagkakaintindi natin sa pagbibigay ng parusa o di kaya’y gantimpala lalo na sa mga hayop. Nakatulong ito sa mayamang pag-unlad ng larang pang-edukasyon at panlipunang patakaran. Bilang isang proyektong may sariling pagkakakilanlan, ito ang mas gamiting teorya ngunit inihihiwalay ito sa iba pang larangan. Ngunit kung titignang mabuti, ang pangunahing ideya ng teoryang ito ay nasubukan na sa larangan ng “experimental psychology”. Ang Teoryang Behaviorism ang dominanteng teorya para sa teknolohiyang pang-instruksyon. Binigyang kahulugan ni John Watson ang behaviourism sa kanyang akdang “Psychology as the Behaviorist Views It”, isang obhetibong sangay ng agham na nakatuon sa paghula ng mga tugon sa stimuli sa kapaligiran (Horton, 2014). Ang “behaviourist classroom” ay lugar kung saang ang pamantayan at panuntunan ay may malaking epekto sa paghubog ng karanasan ng mag-aaral sa pagkatuto. Ang presensya ng kurikulum ay naroroon ngunit ang saloobin,pag-uugali at paraan ng pag-iisip ng mag-aaral na maaring humubog pa sa ugnayan ng kurikulum at ng mag-aaral ang dapat na pinapahalagan. Ang pagkakaroon ng sapat na oportunidad upang mahasa at madebelop pa ang pagkakaunawa sa kanyang
sarili at a kanyang kapwa upang maging matagumpay ang pagkatutong kanilang magagawa (Cassie, 2016). Ang mga gurong gumagamit ng dulog behaviourist ay iniiwasan magparusa ng mga bata o mag-aaral sa kahit anumang kadahilan. Sa halip, ang mga mabubuting pag-uugali ng mag-aaral ay pinpalakas at itinataguyod habang ang mga hindi mabuting mga pag-uugali ay nililimitahan. Ang pagpapalakas o pagtataguyod ng mga mabuting ugali ng bata o mag-aaral ay maaring mapalakas pa sa pamamagitan ng “extrinsic motivation” katulad ng mga printa ng star, mga papuri, kaunting regalo o di kaya’y mga gamit mula sa “treasure box”. Ang ganitong layunin ay unti-unting nagiging “intrinsic reward” . Ang “intrinsic rewards” ay yung pakiramdam ng pananagumpay sa isang gawain o trabahong nagampanan mi ng maayos na nangangahulugang ang isang mag-aaral ay nakakatuto. Sa kasamaang palad, ang “extrinsic reward” na aspeto ay isa sa mga pinanaligan ng mga guro. Ang resulta, ang mga mag-aaral na umaasa na lamang sa “reward (Wiseman & Hunt, 2014) . Sa ganitong kadahilanan, Ang “behaviorism” ay tumatahak na sa mga “student-centered practices” . Mayroong balance sa pagitan ng bigat na diin ng pagtuturo at pagkatuto. Ang guro ay obligadong gumawa ng “schema” na kung saan ang epektibong pagmomodelo ay nagaganap. Bukod dito, ang guro ay inaasahang magpabuya, panatilihin at magparusa kung kinakailangan upang mapanatili ang tamang direksyon ng pagkatuto. Ito’y iminumungkahi na ang “behaviourist classroom”, kung hindi naisagawa ng tama ng guro ay m agiging hindi kanais-nais na lugar upang matuto (Cassie, 2016). Behaviorism ni John Watson
Ang “behaviourism” ay kadalasang nangangahulugang stimulus-response na sikolohiya na may kaugnayan sa “reductionist” at “mechanistic” na mga presuposisyon patungkol sa kalikasan ng paksa’t gawain ng sikolohiya. Dapat iabandona ng sikolohiya ang “behaviourism” sapagka’t ang presensiya nito ay masyado ng makaluma dahil na rin sa kadahilanang ito ang paksang kadalasang gamitin ng mga mananaliksik (Lee, 2016). Ipinaliwanag ni Watson ang “behaviourism” bilang isang prediksyon at control ng pag-uugali. Kanyang sinagot ang dominanteng teorya ng pagkatuto sa kanyang kapanahunan na base sa “biology”at sa teoryang ang abilidad ng mga mag-aaral ay limitado sa kanilang pinanggalingan at sa dugong kanilang kinabibilangan ngunit kabaliktaran naman ang kay Watson, sabi niya na ang abilidad, kaugalian atbp. ng tao ay natatamo at hindi nakukuha noong sila’y isinilang na. Tayo ay naka kundisyon ayon sa kapaligirang ating ginagalawan at pati na rin ng “stimuli” at sistema ng parusa at pabuya, Ayon ito sa pananaw ni Watson. Sa pamamagitan ng pauli=ulit na paggamit ng pagpaparusa at pagpapabuya, maari tayong gumalaw na nakoundisyon sa tiyak na oras o kaya’y panahon (Ebert & Culyer, 2011). Ang pagkatuto ay naakatuon sa abilidad na maisagawa ang bagong nakuhang pag-uugali na ginawa bilang layunin.magkakaroon ng mga kondisyon sa pagbuo ng mga ito. Ayon kay Edward L. Thorndike binigyan niyang empasis ang tatlong pangunahing batas sa pagkatuto.; law of effect, the law of readiness and the law of exercise. Malaki ang epekto ng talong sapagkat nagkakaroon ng stimuli at response. Ayon kay Thorndike sa balangkas na inilad ni Watson the theory of learning na mas kilala bilang connectionism. Sa itinala ni Thorndike ay pinatatag at pinahina
ang responses sa mga maaring mangyari. Sinasabi rin na ang patuloy na pagbibigay ng positibong gantimpala ay nagpapatatag ng pag-uugali at nangunguna bilang isang malakas na paniniwala behaviorism, ngunit may mga pangungutya sa teorya ni Thorndike na kung alin sa gantimpala (positibo/negatibo) ay may malakas na epekto ng pag-uugali.
Behaviorism ni Burrhus Federic Skinner Ang kilalang mananaliksik na si B. F Skinner ay isa sa mga nag-aral sa human behavior at sinabing ang ilang teoryang kanyang nasagi ay m akakatulong maintindihan kung ano talaga ang human behavior at matukoy ang kanilang paraan ng pag-iisip at ang kanilang kilos (Ukessays, 2015). Si B.F Skinner ay isa sa mga prominenteng psychologist ng teoryang behaviourism. Siya ay kilala sa kanyang katangi-tangi gawa gaya ng eksperimento niya sa mga hayop na tinawag niyang “ Skinner Box”. naniniwala siyang na kung kaya nating baguhin ang ugali ng daga na isang hayop. Kung gayon ay maari rin na mabago ang ugali ng isang tao. Ayon kay Skinner , kailangan isantabi natin ang modernong konsepto ng pagkabatid ay hindi tama at dadalhintayo nito sa lumang panahon , sa gayon nagpapakita lamang ito ng kamang-mangan .Para sa mga behaviorist, ang kilos ng tao ay dapat na kontrolado ( Mathew 2005). Katulad ng pagkontrol ng siyentipiko at pag-impluwensya ng iba pang natural na phenomena. Inilarawan ni Skinner ang positibo at negatibong pampatibay. Ang mga positibong pampatibay ay nagdaragdag ng stimuli na magagamit sa paghubog ng pag – uugali habang ang mga negatibong pampatibay ay nagbabawas ng hindi
kanais- nais na stimuli. Ang paggamit ng prosesong pagkondisyon ay nagreresulta ng sunod- sunod na pagtantya samantalang ang pampatibay at pagpaparusa ay nagagamit sa pagpapaunlad ng banayad na pagpapabuti ng pag – uugali ng mga mag – aaral (Horton, 2014). Tinuring na ama ng Operant Conditioning si Skinner pero ang kanyang gawa ay nakabatay sa Law of Effect ni Thorndike. Ipinakilala ni Skinner ang bagong katawagan ng Law of Effect – ang pampatibay (reinforcement). Ang ugaling pinatibay ay gagawin ulit at ang ugaling hindi pinatibay ay mawawala. Pinag – aralan ni Skinner ang operant conditioning sa pamamagitan ng pagpanukala ng mga eksperimento gamit ang mga hayop na inalagay niya sa “Skinner Box” na katulad ng “Puzzle Box” ni Thorndike (McLeod, 2015). Tinukoy ni Skinner ang tatlong uri ng tugon para sa pagpapabuti ng ugali. Una ay neutral operants na mga tugon mula sa kapaligiran na magpapataas o magpapababa ng pagkakataong maulit ang ugali. Pangalawa ay Reinforcers at ito’y mga tugon mula sa kapaligiran na nagpapataas ng pagkakataong maulit ang ugali. Ito ay maaring positibo o negatibo. Pangatlo ay ang Punishers at ito’y mga tugon mula sa kapaligiran na nagpapababa ng pagkakataong maulit ang ugali (McLeod, 2015). Ang operant conditioning ay nagpapaliwanag ng maraming pag – uugali mula sa proseso ng pagkatuto hanggang sa pagtamo ng wika. Mayroon din i tong aplikasyon sa loob ng klasrum, prisinto at mga saykayatrikong ospital. Gayunpaman, nabigo ang operant conditioning sa pagpapahalaga sa papel ng minanang salik ng kognitib sa pagkatuto kaya hindi kompleto ang pagpapaliwanag sa proseso ng pagkatuto ng mga tao at mga hayop. Halimbawa, nakita ni Kohler na ang unggoy ay
nakakahanap ng solusyon sa problema sa isang kislap ng kaalaman kaysa sa trial at error na pagkatuto. Sa teoryang social learning naman ni Bandura, nagmumungkahi ito na ang mga tao ay agarang natututo sa pamamagitan ng pagmamasid kaysa sa sariling karanasan. Ang paggamit ng hayop sa operant conditioning na pag – aaral ay nagtataas ng isyu sa extrapolation. Ilan sa mga sikologo ang nangatwiran na hindi maaaring gawing pangkalahatan ang pag – aaral mula sa mga hayop tungo sa mga tao dahil ang kanilang anatomy at pisyolohiya ay kaiba sa mga tao at hindi sila nakakapag – isip tungkol sa kanilang sariling karanasan at nakakapagpangatwiran, pasensya, memorya at kaginhawaan sa sarili (McLeod, 2015). Sinipi ni Toates ang pagpapaliwanag ni Carpenter (1974) na hindi kayang ipaliwanag ng "operant conditioning" ang ibang uri ng pagkatuto kabilang ang "incidental learning" na mangyayari sa isang pagtugon katulad ng pagkatuto ng ilang katotohanan o anumang sinabi sa partikulaar na pangyayari. Ipinaliwanag na ito ay nauukol sa mga teorya at ang pagpapatibay ay maaaring kailangan sa lahat ng pagkakataon (Schlinger, 2011). Iginiit rin ni Schlinger (2011) na tayo ay biktima ng indibidwal at sosyal na pagsubok kung saan ang maikling panahong pakinabang sa pag-uugali ay mangyayari sa mas mahabang panahong paggugol ng masasamang dulot. Binanggit niya na mas kapakipakinabang na ipaliwanag ang gayon sa pangyayaring ang "maladaptive reinforcement" ay umusbong sa mga grupo sa halip sa samasamang responsibilidad o kasamaan sa lipunan dahil ang nauna ay maaaring subokin. Ipinagpapalagay na ang pananaw ni Skinner sa paglutas ng ganitong problema sa pamamagitan ng pagpapahayag ng, "Ang pagsisikap sa pananaliksik
ay kailangang ipokus ang kung paano makakakuha ng "reversal of reinforcers", para kaaya-ayang mga kilos ay kaagad na mapagtibay sa bawat antas (Schlinger, 2011). Naniniwala si Toates na ang pananaw ni Skinner ay maaaring patunayan na kapakipakinabang lalong lalo na sa tamang pag-uugali at pagkakaroon ng mabuting kapaligiran. Humanga din siya sa kahalagahan ng konsepto ng positibong pampatibay na nagpapaliwanag sa pag-uugali at pagbabago nito. Sa katunayan, isa sa mga layunin ng aklat niya ay ipakita ang katibayan ng sentralidad ng simulain ng pampatibay, habang ipinaglalaban na ang pagpapatibay ay ang natatanging proseso sa pagtukoy ng ugali (Schlinger, 2011). Napag-alaman ni B. F Skinner na kapwa ang behaviorism at behavior analysis ay radical. Nakapaloob dito ang preperasyon sa pag-aaral ng behavior, ang likas na stimulus at pagtugon, ang pagpapakahulugan ng behavioral units, pagtugon ng behavioral units, konsepto ng berbal na behavior at pagpapaliwanag sa kapangyarihan ng maaring mangyari (Baum, 2011). Naniniwala si Skinner na sa kalikasan lamang ng ating mga nakukuha kung bakit tayo umaakto ayon na rin dito. Mararanasan lang natin ang isang isang reinforcement kapag ang ating mga ipinapakita na pag-uugali ay positibo. Sa mga nakasaasd ay sinabbi ni Skinner na umaayon ang ating pag-uugali base sa anong klase ng reinfrocement ang ating makukuha at ang makukuha natin dito ay maaring maghulma sa ating pag-uugali at pagkontrol ng lipunan. Dagdag pa rito ay sinabi ni Skinner na kung gusto nating baguhin ang ating negatibong pag-uugali ay kailangan muna nating baguhin ang ating kapaligiran. Sinasabing kailangan na muna nating maniwala sa ating sarili bago natin baguhin ang gusto nating baguhin. Paghahambing ng Behaviorism ni Skinner at Watson
Noong 1920, umalis si John B. W atson sa akademiko ng sikolohiya at ang ibang mga behaviourist ay naging dominante’t nagpanukala ng iba pang paraan ng pagkatuto maliban sa klasikong pagkondisyon (classical conditioning). Marahil ang pinakaimportante sa kanila ay si Burrhus Frederic Skinner. Ang pananaw ni Skinner ay hindi gaanong matindi kung ikokompara kay Watson. Naniniwala si Skinner na mayroon tayong talino ngunit mas uunlad ang pag – aaral ng nakikitang pag – uugali kaysa mga mental na pangyayari. Ayon kay Skinner, ang mabuting paraan sa pag – unawa ng ugali ay ang pagtutok sa mga sanhi ng aksyon at ang mga kahihinatnan nito. Tinawag niya itong operant conditioning. Ibinatay ni Skinner ang kanyang teoryang operant conditioning sa pag – aaral ni Thorndike. Sa operant conditioning, ang mga sinadyang kilos ay may epekto sa kapaligirang nakapalibot (McLeod, 2015). Kapintasan ng Behaviorism Dagdag pa, ang “behaviourism” ay naging controbersyal at pinipintasan. Ang pagtatalong nakapokus sa “behavioural” na pagdulog ay ang “mechanistic” na kalikasan at ang mala-robot kalidad na pinapakita ng pag-uugali at pati na rin ang kawalan ng pag-aaruga, suporta at emosyon sa teknikal na lengwahe ng “behavioural analysis”. Ang nangungunang pigura ng kontemporaryong CM na kilusan ay hindi pabor sa teoryang ito. Sinipi ni Babad (2009) ang isinulat ni Brophy (1999-2006) ang pagtakwil niya sa teoryang ito; habang sina Everston at Weinstein (2006) ay nagpalabas ng isang libro at kabilang sa ilang pahina nito ang teoryang ito ngunit nagkulang ito ng tamang diin a “behavioural analysis” ; at sina Landrum at Kauffman (2006), ang mga may-akda sa mga pahinang may patungkol sa “behaviourism”. Isiniwalat nila doon na ang mga gurong nagkaroon ng kaalaman
patungkol sa teoryang “behaviourism” ay puro negatibo at hindi naging epektibong mga guro ng pagkatuto (Babad, 2009). Iba pang pananaliksik tungkol sa Behaviorism Sinipi ni Sincero (2013) ang sinabi ni Rotter na ang ang personalidad at paguugali ay maaring baguhin. Ayon sa kanya na ang pagbabago ng kapaligiran ng isang tao at pagbabago ng pag-iisip ng isang tao ay maaring magdala sa pagbabago ng isang pag-uugali. At dahil dito ay maaring magbago ang pag-uugali ng isang tao depende na rin sa kanyang sitwasyon. Dagdag niya pa na ang tao ay hindi lamang umaakto base pag-iwas sa parusa sa halip ay nagaganyak tayo base sa ating pangarap sa buhay at ang pananaw natin sa buhay upang makuha natin ang ating tinatamasa. Ang pagkatao at ang pag-uugali ng isang tao walang duda na nakakonekta sa isa’t isa. Ang ating pag-uugali ay nagbibigay sa atin ng pahiwatig kung sino talaga tayo at ang ating pagkato ay nagbibigay ng kahulugan kung bakit tayo umaakto ayon sa ating ugali (Sincero, 2013). Sa paaralan ng kaisipan, ang pag-uugali ay maaring pag-aralan sa isang sistematiko at obserbasyon sa kapaligiran. Ang mga Strict behaviorists ay naniniwala na ang ibang mga tao ay maaring sanayin para gawin ang mga tungkulin, karanasan, personalidad at kaisipan. Nangangailangan lamang ito ng conditioning (Cherry, 2016).