BAHAGI NG PANANALIKSIK AT NILALAMAN NITO
MGA PANIMULANG IMPORMASYON 1. Pahina ng Pamagat 2. Liham Pagkilala at Pagtanggap sa Pananaliksik Bilang Bahagi ng Kurso 3. Pagkilala, Pasasalamat at Paghahandog 4. Talaan ng Nilalaman 5. Talaan ng Talahanayan KATAWAN NG PANANALIKSIK Kabanata I. Ang Suliranin at Sandigan Nito A. B. C. D. E. F. G.
Rasyonal, Panimula o Kaligiran ng Pag-aaral Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral Pagpapahayag ng Suliranin Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral Batayang Konseptuwal o Teoretikal na Gabay Saklaw at Delimitasyon Pagbibigay-Kahulugan sa mga Katawagan o Terminolohiya
Kabanata II. Metodolohiya A. B. C. D.
Pagkuha ng mga Kasangkot sa Pag-aaral Pamamaraan sa Pananaliksik Pangongolekta ng Datos Pag-aanalisa ng Datos
Kabanata III. Paglalahad ng Resulta ng Pananaliksik Kabanata IV. Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon TALAAN NG SANGGUNIAN A. B. C. D.
Mga Aklat Mga Magasin Mga Di-nalathalang Babasahin/Tesis at/o Disertasyon Internet
MGA DAHONG DAGDAG O APENDIKS a. Liham na Humihingi ng Pahintulot sa Pagsasagawa ng Pag-aaral b. Talatanungan c. Talaan ng mga Katanungan sa Pakikipanayam RESUME
MGA PANIMULANG IMPORMASYON 1.
2.
3.
4.
5.
Pahina ng Pamagat Ang pahinang ito ay nararapat maglaman ng sumusunod: a. Pamagat ng Pananaliksik – ang pamagat ay kailangang maikli ngunit nagsasama sa mga sumusunod na tatlong element: (1) mga kasangkot sa isinagawang pananaliksik, (2) kaugnayan ng pananaliksik sa mga kasangkot, at (3) ang lipunan kung saan ilalapat ang resulta ng ginawang pananaliksik b. Pangalan ng Nagsasaliksik, petsa, atbp. Liham Pagkilala at Pagtanggap sa Pananaliksik Bilang Bahagi ng Kurso Ito ay naglalaman ng pahayag ng gurong tagapayo ng pananaliksik na ang nasabing sulating pananaliksik ay kanyang pinahintulutang isakatuparan at ito ay nagdaan sa kanyang masusing pagsubaybay lakip ang kanyang lagda. Pagkilala, Pasasalamat at Paghahandog Ang pahina para sa pagkilala ay naglalaman ng pangalan ng mga taong nais bigyan ng pagkilala nng mananaliksik sa mahalagang tulong na ibinigay sa pagsasagawa ng pananaliksik. Ang pahina naman para sa pasasalamat ay para sa lahat ng nais niyang pasalamatan at ang papel para sa paghahandog ay laan kung kanino at saan niya iniaalay ang pinaghirapang sulatin. Talaan ng Nilalaman Bilang patnubay, dapat tandaang ang anumang ulat-pananaliksik na naglalaman ng 6 hanggang 10 pahina ay nararapat nang magkaroon ng talaan ng nilalaman. Dito nakatala ang laman ng pag-aaral at kung saan pahina matatagpuan ang bawat paksa. Talaan ng Talahanayan Ang mga grapikong pantulong tulad ng graph at talahanayan ay isa-isang nakatala ayon sa bilang ng pagkakasunodsunod ng mga ito sa bahaging ito ng sulating pananaliksik
KATAWAN NG PANANALIKSIK Kabanata I. Ang Suliranin at Sandigan Nito A. Rasyonal, Panimula o Kaligiran ng Pag-aaral (Rational, Introduction, Background of the Study) Sa bahaging ito ibinibigay ng mananaliksik ang paunang paliwanag ukol sa nagging basehan sa pagsasagawa ng nasabing pananaliksik. Hindi ito kailangang maging napakahaba at napakaligoy. Gawing tiyak ang paglalahad sa bahaging ito upang bigyan ng kaisipan ang mambabasa hinggil sa iyong pananaliksik. Dito tinatalakay ang mga sagot sa tanong na ANO at BAKIT. Ano ba ng tungkol sa iyong pinag-aaralang paksa at Bakit kailangan pa itong pag-aralan. Sa mga mananaliksik na mag-aaral, ang isa at kalahating pahina sa bahaging ito ay maaari na o sapat na. B. Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral (Review of Related Literature) Ang bahaging ito ay ang mga nabasa, napag-aralan ng mananaliksik na akda, artikulo na kaugnay o kapareho ng ilang aspeto ng kanyang pag-aaral na nabasa niya buhat sa mga libro, pahayagan, magasin, journal, at iba pang katulad na uri at sa mga tesis o disertasyon. Ang mga nabasang akda, artikulong umuugnay sa sulating pananaliksik na buhat sa mga aklat, pahayagan, journal, at magasin ay tinatawag na mga kaugnay na literature at ang sa mga tesis at disertasyon naman ay tinatawag na mga kaugnay na pag-aaral. C. Pagpapahayag ng Suliranin (Statement of the Problem) Ang bahaging ito nagsisiwalat ng mga suliraning target na matatagpuan ang solusyon sa pamamagitan ng pananaliksik. Dito ay babanggitin ang sanhi o layunin ng pananaliksik na maaaring sa anyong patanong o simpleng paglalahad ng layunin. Iaanyo itong nangunguna ang pangkalahatang layunin na susundan ng 3 o mahigit pang tiyak na layunin. D. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral (Objective and Significance of the Study) Ipinapahayag sa bahaging ito ang layunin ng pananaliksik at ang sa palagay ng mananaliksik na maitutulong nito sa lipunang kasangkot at sa pangkalahatan. E. Batayang Konseptuwal o Teoretikal na Gabay (Conceptual/Theoretical Framework) Sa bahaging ito inilalahad ang teorya o konseptong pagbabatayan ng pag-aaral. Sa teorya o konsepto ring ito iaangkla ng mananaliksik ang sariling pagtingin sa paksang pinag-aaralan gayundin ang mga ideyang dapat palitawin sa ginawang pananaliksik. F. Saklaw at Delimitasyon (Scope and Limitation) Naglalaman ang bahaging ito ng tiyak na bilang ng mga kasangkot sa pag-aaral, tiyak na lugar, at ang hangganan ng kanyang paksang tatalakayin sa pananaliksik pati na ang tiyak na panahong sakop ng pag-aaral. Ipinakikita sa bahaging ito ang lawak ng sakop na ginagawang pananaliksik. Ipinaaalam din dito ang mismong paksa ng pag-aaral gayundin ang katatagpuan ng mga datos na kakailanganin sampu ng populasyon o bilang ng mga respondent na sasagot sa inihandang mga tanong. G. Pagbibigay-Kahulugan sa mga Katawagan o Terminolohiya (Definition of Terminologies) Inilalagay ang bahaging ito upang matulungang maunawaan ng mambabasa ang kahulugan ng salitang sinamit ng mananaliksik sa sulatin na maaaring bago sa kanya. Maaari rin naming ang bahaging ito ang makapagbigay ng linaw sa nais tukuyin ng mananaliksik hinggil sa kanyang sulatin. masasabing may ilang sulaying pananaliksik ang hindi nagsasama ng bahaging ito sa kanilang sulatin.
Dito binibigyang-kahulugan ang mga salitang mahahalaga o pili na ginamit sa pananaliksik. Binibigyang-linaw ang mga ito sa paraang kung paano ito ginamit sa loob ng pangungusap. Sa maikling sabi operational meaning ng salitang bibigyang-kahulugan sa paalpabetong anyo. Nauuna ang A hanggang sa kung ano ang pinakhuling letra ng simula ng salita. Kabanata II. Metodolohiya A. Pagkuha ng mga Kasangkot sa Pag-aaral Sa bahaging ito malinaw na binibigyang-kahulugan ng mananaliksik kung sino-sino ang targt niyang isangkot sap agaaral at ang pamamaraan ng pamimili. Ang mga kasangkot bas a pag-aaral ay napili sa pamamagitan ng palabunutan, pagbilang, ayon sa edad, ayon sa seksyon o lahat lamang ng nadatnan habang isinasagawa ang pananaliksik? O lahat ng kabilang sa nasabing grupo o lipunan? Ang malinaw na paliwanag sa kung bakit napili ang mga isasangkot sa pag-aaral, kung paano pinili ang mga elementong ito, kung paanong naitakda ang kabuuang bilang ng mga kasangkot na ito sap ag-aaral ang nasa bahaging ito ng pananaliksik. B. Pamamaraan sa Pananaliksik Ang pamamaraan ng pananaliksik ay nararapat na ibagay sa layunin ng pananaliksik. sa bahaging ito tinatalakay ang ginamit na paraan ng mananaliksik sa pagsasagawa ng sulatin. kasamang inilalahad sa bahaging ito ang dahilan ng pagkakapili ng naturang uri o paraan ng pananaliksik at maging ang mga natagpuang kalakasan at kahinaan ng nasabing pamamaraan para sap ag-aaral. Kadalasan, descriptive-analitic lamang ang para sa mga baguhang mananaliksik dahil hindi ito nangangailangan ng paggamit ng masalimuot na gamit ng estadistika. Maaaring suriin lamang nito ang mga datos o impormasyon na nakalap bunga ng isinagawang sarbey. C. Pangongolekta ng Datos Sa bahaging ito inilalahad ng mananaliksik ang mga drtalye sa paraan ng pangongolekta ng datos na kinailangan o ginamit upang matugunan ang mga suliraning ipinahayag sa pag-aaral. Ang nilalaman nito ay kailangang bumagay sa uri ng pananaliksik na ginamit sa pag-aaral. Ginamitan ba ng sarbey, pakikipanayam, palatanungan, ilan ang napasali, paano ang naging pangongolekta ng datos, gaano katagal ang inubos na panahon sa pagpapamudmod o sa pangongolekta, ano ang naging kondisyon ng pangongolekta, ano-anong mga suliranin ang kinaharap? Ipinababatid ng bahaging ito ang pinagkunan ng mga datos na siyang naging dahilan ng nabuong kongklusyon na basehan naman ng magiging rekomendasyon. D. Pag-aanalisa ng Datos Sa bahaging ito ipinapaliwanag ng mananaliksik ang paraan ng pag-aanalisa ng mga natagpuang kasagutan ng mga kasangkot sap ag-aaral, maaaring sa paraang pabahagdan (percentage) o papuntos (points). Ang mga karampatang puntos ng bawat kasagutan at ang paliwanang sa paraan ng ganoo ng pagpupuntos. Inilalahad ditto ang simpleng estadistika na magagamit matapos maitala ang mga sagot sa sarbey-kwestyuner sa bawat respondent. Sa descriptive-analitic, maaari nang gamitin ang pagpoporsyento/bahagdan matapos maitally ang mga numerical na datos mula sa mga kwestyuner. Dito nagsisimulang suriin ang kinalabasan ng pagpoporsyento/pagbabahagdan. Kabanata III. Paglalahad ng Resulta ng Pananaliksik Ito sa pangkalahatan ang pinakamahabang bahagi ng sulating pananaliksik. ang pangunahing layunin ng kabanata na ito ay ipakita nang malinaw ang resulta ng isinagawang pag-aaral sa halip na makalikha ng pananaw o kongklusyon. Sa bahaging ito, ang mga suliraning ipinahayag sap ag-aaral (nasa Kabanata I) ay isa-isang sasagutin at tatalakayin ayon sa pagkakasunod-sunod nito. Ang mga datos ay nilalapatan pa ng berbal na interprentasyon bilang paliwanag sa mga nakalagay na resulta. Kabanata IV. Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon Sa bahaging ito nilalagom o binubuod ng mananaliksik ang mga natagpuang kasagutan sa mga suliraning inilahad sa pag-aaral. Mula sa mga kasagutang ito na inilahad nang maikli ng mananaliksik, isusunod ang kongklusyong binuo ng mananaliksik batay sa mga natagpuan sa pag-aaral. Sa kongklusyon makikita ang katotohanan ng mga natuklasan sa pag-aaral. Ang mga kongklusyon ay kailangang ilahad sa pamamagitan ng bilang o sa hulwarang paisa-isa para sa madaling pagkilala sa mga ito. Kasunod ng pagbibigay ng kongklusyon ay ang pagbibigay ng rekomendasyon batay sa pagbibigay na mga kongklusyon. Hindi maaaring irekomenda ng mananaliksik ang isang ideya o bagay na hindi naman lumabas na suliranin o kakulangan sa isinagawang pag-aaral. Kadalasang isinasama sa bahaging ito ang rekomendasyong muling pag-aralan ang nabanggit na pananaliksik upang lalo makita ang validity nito o para sa lalo pang malawak na pagaaral.
TALAAN NG SANGGUNIAN
Sa bahaging ito makikita ang lahat ng ginamit ng mananaliksik na aklat, magasin, pahayagan, journal, tesis at disertasyon at maging sa internet o pakikipanayam. Nakaayos nanag magkakabukod bawat uri ayon sa pagkakasunod-sunod ng kanilang apelyido o pangalan man. MGA DAHONG DAGDAG O APENDIKS Sa bahaging ito makikita ang mga liham na ginawa ng mananaliksik upang maisakatuparan ang pag-aaral, ang palatanungan, gabay sa pakikipanayam, mga karagdagang impormasyon tungkol sa pananaliksik at maging ang mga larawang ginamit ditto. Ibinubukod ang bawat isang impormasyon sa bahaging ito sa pamamagitan ng letra gaya ng APENDIKS A. RESUME Dulong bahagi ng pananaliksik. iminumungkahi ang pagsasama nito sa pananaliksik. makabuluhang hindi lamang ang kaisipan ng mananaliksik ang makita ng mambabasa, mahalagang malaman din ang mga detalye tungkol sa nagsagawa ng pananaliksik na binabasa at pinag-aa ralan. Mahalagang detalye tungkol sa pagkatao ng mananaliksik ang matatagpuan sa bahaging ito.
Inihanda ni: Dona A. Fortes Sanggunian: Garcia, Lakandupil C. (2008). Kalatas: Pagbasa at pagsulat. Cabanatuan: JIMCY Publishing House.