Math 10 Distance Formula Lesson PlanFull description
Lesson Plan in TLE Grade 9 Entrepreneurship - Legal forms of Business OwnershipFull description
Full description
Rational Inequalities
,m,n,m
Biology Lesson Plan
detailed lesson planFull description
hehe!Full description
Sam0l2Full description
Mala-masusing Banghay Aralin sa Filipino III
I.
Mga Inaasahang Bunga Pagkatapos ng araling ito, inaasahan sa mga mag-aaral ang mga sumusunod: A. Naisagagawa ang apat na makrong kasanayan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagtalakay ng tula. B. Natatalakay at nasusuri ang iba’t ibang pagbabagong morpoponemikong makikita sa tula. -Asimilasyon
-Pagpapalit
-Metatess
-Pagkakaltas
C. Nakapagbibigay ng ng kani-kanilng halimbawa sa bawat uri ng pagbabagong morpoponemiko. morpoponemiko. D. Nakapangangatwiran sa paraang kapani-paniwala at nakahihikayat. nakahihikayat. II.
Paksang Aralin A. Paksa: “Tinig ng Darating” ni Teo S. Baylen B. Sanggunian: Filipino III pp. 20-22 C. Kagamitan: Power point presentation.
III.
Pamamaraan A. Panimula 1. Panalangin 2. Pagbati 3. Pagtatala ng mga lumiban 4. Pamantayan sa klase 5. Pagbabalik aral B. Pagganyak 1. Magpapakita ang guro ng larawan 2. Magkakaroon ng maikling diskusyon hinggil dito C. Talasalitaan Panuto: Piliin mula sa hanay B ang angkop na letra ng kasingkahulugan ng salitang nasa hanay A.
A _____ 1. Dinatnang walang buhay _____ 2. Maraming naimbak _____ 3. Binaog ng araw _____ 4. Punlong pinangsaksak _____ 5. Bigong makamit
B a. Kinupas b. Uri ng patalim c. Matagumpay d. Natipon e. Di- nagtagumpay f. Inabutan
D. Talakayan 1. Pagbasa ng mga Gabay na Katanungan: a. Sino ang tinutukoy na tinig ng darating? b. Ano-ano ang maaaring dalang katanungan ng darating? c. Bakit tila magiging kahiya-hiya sa mga inapo ang daratnang kalagayan ng bayan? d. Naniniwala ka bang dapat paghandaan ng kasalukuyang henerasyon ang susunod na salinlahi? Bakit?
2. Unang Pagbasa a. Bago basahin ang tula, bubunot muna ang mga mag-aaral ng papel na may kaukulang bilang, magkakapangkat ang may parihong bilang. Mayroong mga papel na may kulay, ang makabubunot nito ay siyang sasagot ng mga gabay na katanungan. Ang bawat kulay ay may kaukulang tanong na sasagutan. 3. Pagtalakay Pangkaisipan a. Sasagutan ang mga gabay na katanungang nilahad b. Magkakaroon ng talakayan hinggil sa kanilang kasagutan 4. Ikalawang Pagbasa a. Babasahin ng guro ang tula 5. Pagtalakay Pangkagandahan a. Tatalakayin ng guro ang iba’t ibang halimbawa ng pagbabagong morpoponemiko na makikita sa tula. b. Ilalahad ng guro ang pagbabagong morpoponemiko at ang mga uri nito.
Pagbabagong Morpoponemiko – ay tumutukoy sa nangyayaring pagbabago sa ponema(pinakamaliit na unit ng tunog) at morpena – (pinakamaliit na unit ng salita) na bunga ng impluwensya ng kaligiran nito. Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko 1. Asimilasyon – ang pagbabago ng anyo ng morpema sa bahaging ito ay dahil na rin sa impluwensya ng kaligiran nito. -Nasasaklaw nito ang mga panlaping [pang] na may tatlong anyo ang (pang, pan, at pam). Ganoon din ang panlaping nagtatapos sa [ng] katlad ng sing, magsing, at m agkasing. -Nangyayari ang pagbabagong ito kapag ang mga salitang ugat na inuunlapian ay nagsisimula sa tunog na “d, l, r, s, t.” Halimbawa: Magsing + dunong = Magsindunong Pang + lahat = Panlahat Pang + radyo = Panradyo Pang + sayaw = Pansayaw Magsing + tapang = Magsintapang -Kapag ang salitang ugat na inuunlapian ay nagsisimula sa tunog na “b at p” ang [pang] o ang mga panlaping nagtatapos sa [ng] ay nagiging “m” Halimbawa: Pang + bansa = Pambansa Pang + pito = Pampito Dalawang Uri ng Asimilasyon a. Asimilayong di-ganap - Ang pagbabagong nagaganap lamang dito ay nasa pinal na panlaping “ng.”
Halimbawa: Pang + tusok = pantusok Pang + punas = Pampunas
b. Asimilasyon ganap - Nagaganap ang asimilasyong ito kapag matapos na maging “n” at “m” ng panlapi dahil sa pakikibagay sa kasunod na tunog ay nawawalala pa ang
sumusunod na unang titik ng salitang- ugat at nananatili na lamang ang tunog na “n” o “m.”
Halimbawa: Pantusok = panusok Pampunas = pamunas 2. Pagpapalit- ang ponemang [d] ay napapalitan ng ponemang [r] kapag sinusundan ito ng ponemang patinig. Halimbawa: Ma + dami = Marami Lakad + an = Lakadan -May mga pagkakataong hindi maaaring palitan ng ponemang [r] ang tunog na [d] sapagkat naiiba nito ang kahulugan ng salita kapag pinalitan. Halimbawa: Madikit (sticky) – Marikit (lovely) Madamdamin (emotional) – Maramdamin (sensitive) 3. Pagkakaltas – may mga salitang nagbabago at nagiging maigsi dahil sa pagkawala ng isang ponema. Halimbawa: Dakip + in = Dakipin = Dakpin Sara + han = Sarahan = Sarhan 4. Metatesis – ay ang pagpapalitan ng posisyon ng mga tunog sa isang salita. Dalawang Anyo ng Metatesis a. Metatisi na may kaltas Halimbawa: Tanim + an = Taniman = Tamnan b. Metatesis na may gitlaping in / dagdag Halimbawa: Linis + in = Lininis = Nilinis Yakap + in = Yinakap = Niyakap 6. Ikatlong Pagbasa a. Babasahin ng buong klase ang tula 7. Pagtalakay Pangkatauhan Magkakaroon ng talakayan tungkol sa sumusunod na katanungan: a. May karapatan nga kayang magalit ang darating na henerasyon sa mga nauna sa kanila sapagkat bigo sila sa kanilang panahon? Ipaliwanag! b. Para sa iyo, ano ang nais ipaabot ng may-akda sa kanyang tula? c. Anong aral ang natutunan ninyo mula sa tula?
8. Malikhaing gawain Hahayaan ang mga mag-aaral na mamili kung saan sa apat na gawain sila mahilig o dalubhasa: a. Pagkanta, b. Pagsayaw, c. Pagsasadula at d. Computer works. a. Pagkanta – magsasagawa o mag-iisip sila ng awitin na akma sa tulang tinalakay. b. Pagsayaw – magtatanghal sila ng sayaw o interpretative dance na akma sa tulang tinalakay. c. Pagsasadula – magsasagawa sila ng simpleng pagsasadula hinggil sa tulang tinalakay. d. Computer Works – maghahanap sila ng larawan o video na may kinalaman sa tulang tinalakay gamit ang computer/internet at ipapaliwanag nila ito sa harap ng klase.