Mga Uri ng Balita
Tuwirang balita (Straight News)
Ito'y tuwirang nagsasalaysay ng pangyayaring naganap. Ang nakatatawag-pansin dito ay ang pagiging bago ng pangyayari. Pangunahing layunin nito ang maghatid ng imformasyon at pangalawa lamang ang pagdudulot ng aliw.
Halimbawa:
Dalawang bata, patay sa sunog sa Makati
Published October 27, 2013 4:49pm
Dalawang mga bata ang napatay sa sunog na tumama sa isang residential area sa Makati City nitong madaling araw ng Linggo. Natagpuan ang mga labi ng mga bata na may edad na 6 at 4 at may apelyidong Arriola nitong Linggo ng umaga matapos naapula ang apoy, ayon sa ulat ng radio dzBB nitong Linggo ng tanghali.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, umalis ang kanilang ama, Manuel Arriola, mula sa kanilang tirahan upang pumuntang palengke bago magsimula ang sunog bandang 12:05 a.m. ng Linggo. Ayon sa mga naunang ulat, mayroong dalawang taong sugatan mula sa sunog sa Barangay Cembo. Agad na kumalat ang sunog dahil karamihan sa mga bahay ay gawa sa mga magaang materyales.
Umabot sa 2,000 pamilya ang apektado sa sunog, na umabot sa general alarm bago ito naapula bandang 3 ng madaling araw.
Ayon sa ulat, hindi agad na napaalam ang ina ng dalawang mga bata tungkol sa sunog dahil nasa Cavite siya. — Amanda Fernandez /LBG, GMA News
Balita ng kasalukuyang pangyayari (Spot News)
Ito ang balita ng pangyayaring kasalukuyang nagaganap o kagaganap-ganap pa lamang. Bihirang-bihirang mapalabas sa pahayagang pampaaralan ang ganitong uri ng balita, ngunit sa mga pahayagang broad sheet ang ganitong uri ng balita ay malimit na may puwang. Ang ganito namang uri ng balita ang paborito ng mga reporter sa radyo at television.
Halimbawa:
Manny Pacquiao, Pandaigdigang Kamao!
Walang tiyaga, walang nilaga. Ipinakita muli ni Pacman ang kanyang gilas sa larangan ng boxing sa pamamagitan ng pagkapanalo niya laban kay Oscar Dela Hoya sa isang boxing match sa Mandalay Bay, Las Vegas, Estados Unidos, noong nakaraang ika-anim na araw ng buwan ng Disyembre.
Sa bakbakan nila, palaging si Oscar ang habol nang habol kay Manny at si Manny naman ay ang laging nagbibigay ng mga suntok. Mutik na nga manalo si Manny bago pa man nagsimula ang ika-pitong round dahil na nga sa bilis ng kanyang mga suntok na natulak si Oscar sa isang corner. Si Dela Hoya, na ang isang mata ay nakapikit na, ay tinuluy pa rin ang sagupaan ngunit sa kasamaang palad ay natalo bago pa man nagsimula ang ika-siyam na round. Nagpapasalamat nga si Manny sa Poong Maykapal na binigyan siya ng maliliksi't malalakas na kamao. Dahil na rin sa pagkapanalo niya, nabigyan na naman ng dahilan ang mga Pilipino na itaas ang noo dahil na nga sa pagkapanalo niya sa Dream Match. Nakasaad nga sa Yahoo website na si Manny daw ang kasalukuyang "world's finest fighter". Para sa amin, tunay na kamangha-mangha si Manny Pacquaio dahil sa kanyang kagitingan at lakas ng loob at pananalig sa Diyos. Ito ang mga tanging dahilan sa kayang pagwagi maliban sa mahirap na training na isinagawa niya para sa laban.
Ang karukhaan ay hindi hadlang sa pagtatagumpay. Gaya nga ni Manny, sana'y maging katulad kay Manny ang lahat ng Pilipino. Ang tao ka ay dapat marunong lumaban sa pamamagitan ng paggamit ng kanyang mga kakayahan para sa ika-uunlad ng sarili at maging sa sangkatauhan. Ang tanging kulang sa karamihan ay ang kasipagan. Dapat lang na maiwasto ito. Hindi ba?
Posted by daryl jay at Saturday, August 22, 2009
Inaasahang balita (Anticipated News)
Tumutukoy naman ito sa balita ng pangyayaring matagal nang naganap at alam na ng di-iilang mambabasa bago pa malathala bilang isang balita. Karaniwan ang ganitong uri ng balitang lumalabas sa mga pahayagang pampaaralan, pandalubhasaan at pampamantasan na buwan, quarterly, o semestral ang labas.
Halimbawa:
Bagyo sa labas ng PAR, inaasahang papasok ngayong hapon
(Pilipino Star Ngayon) " Updated September 11, 2017 - 2:57pm
MANILA, Philippines — Isang bagyo sa labas ng Philippine area of responsibility ang binabatayan ng state weather bureau na inaasaahang papasok din ngayong Lunes ng hapon. Huling namataan ng PAGASA ang bagyong may international name "Talim" sa 1,300 kilometro silangan ng hilagang Luzon. Taglay ni Talim ang lakas na 120 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 145 kph, habang gumagalaw pa kanluran hilaga-kanluran sa bilis na 25 kph.Wala pa namang direktang epekto ang bagyo sa bansa. Kapag tuluyang pumasok sa PAR ang bagyo ay pangangalanang itong "Lannie."
Inaasahan ding lalakas pa ang bagyo sa pagpasok nito. Samantala, isang low pressure area ang binabantayan din sa 400 kilometro silangan ng Quezon province.Apat na bagyo naman ang inaasahang papasok sa bansa ngayong Setyembre.
Paunang balita (Advance News)
Ito naman ay tumutukoy sa mga balita ng pangyayaring magaganap pa lamang sa isang tiyak na panahon sa isang tiyak na lugar sa hinaharap. Karaniwang nakakabilang sa ganitong uri ng balita ang pagbabalita ng mga gawaing pang-isports na magaganap sa hinaharap, tulad ng idaraos na pabasketbol, pabeisbol, pati na ang magaganap na paseminar, pakomvensiyon, at kauri.
Halimbawa:
US deploys first advanced drones to Japan By Eric Talmadge (Associated Press) " Updated May 31, 2014 - 2:40am MISAWA AIR BASE, Japan
The U.S. Air Force has deployed two of its most advanced long-distance surveillance drones to a base in northern Japan over the past week, enhancing its ability to monitor nuclear activities in North Korea and Chinese naval operations. The deployment of the two unarmed Global Hawk drones to Japan, a key U.S. ally, is intended to demonstrate Washington's commitment to security in Asia as part of its rebalancing of forces to the Pacific. But it will likely rankle with China and North Korea, which have been working to improve their own unmanned aircraft fleets. Lt. Gen. Sam Angelella, commander of U.S. Forces Japan, said Friday the drones will remain here until October, when the typhoon season on the drones' home base on the Pacific island of Guam is over. Similar rotations from Guam to Misawa are expected in the future, though Angelella said no firm plans have been made. He refused to comment on the specific missions the drones will carry out but noted that the Global Hawk's "capabilities are well known." The drone is considered particularly valuable because it can conduct long-range missions without the limitations of pilot fatigue, is able to fly at a maximum 60,000 feet (18.3 kilometers) and can "loiter" around any particular site of interest for 24 hours or more.
Balitang Kinipil (News Brief)
Ito naman ang balitang pinaikli, binuod na lamang, upang mapagkasiya sa maliit na ispasyo. Karaniwan sa mga pinaikling balita ang nagbuhat sa isang mahalagang balita, ngunit bunga ng kakulanagan sa ispasyo ay piaikli na lamang para sa kabatiran ng higit na nakararaming mambabasa.
Halimbawa:
MHSians, nakiisa sa Earthquake Drill
Nakiisa ang Mataas na Paaralan ng Mandaluyong (MPM) sa malawakang simultaneous Metro-wide earthquake drill, Hulyo 30.
Ipinakita sa nasabing earthquake drill ang mga dapat tandaan at kailangang gawin ng mga estudyante, guro at iba pang kawani ng paaralan sa oras na tumama ang sakuna.
Binigyang-diin rin sa mga ito ang gagawin bago, pagkatapos at kapag tumatama na ang lindol sa tulong mga naatasang miyembro ng Red Cross ng MPM at mga batang iskawt.
Samantala, labindalawang mag-aaral ng MPM ang binigyan ng paunang-lunas matapos atakehin ng sakit kung saan ang lima rito ay isinugod sa Mandaluyong City Medical Center (MCMC).
Isinagawa ang metro-wide earthquake drill sa pangunguna ni Pangulong Benigno III sa pamamahala ng Department of Education (DepEd), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na sinuportahan ng konseho ng lunsod ng Mandaluyong.
Bulletin at Flash
Ang flash ay karaniwang nagbabanta ng isang malaking balita, samantalang ang bulletin ay isang ulat ukol sa isang laganap nang balita. Ang bulletin ay pauna na tugaygay na balita, samantalang ang flash ay pauna ng isang malaking balita. Kabilang din sa uri ng balitang flash ang isang ulo ng balita na nasa unang pahina, ngunit ang istorya ay nasa ibang pahina.
Halimbawa:
'Almost certainly extra terrestrial' - Meteor lights up night sky across New Zealand 7:28 AM Thursday Feb 12, 2015
A "blinding" flash, intense explosion and sonic booms experienced over much of the country last night were probably caused by a meteor, experts agree. About 10pm, the flash, described by many as a burst of blue and white light, was seen from Whangarei to the upper South Island. WeatherWatch.co.nz, which has a dedicated meteors page, received dozens of comments. "This was an exceptionally bright flash of light across the country, with many people saying they heard sonic booms that scared them and the animals," head weather analyst Philip Duncan said.
'Almost certainly extra-terrestrial'
Meteorite expert and former publisher of Meteorite Magazine Joel Schiff said he did not see last night's event in person, but based on footage he had seen online it was "almost certainly some extra-terrestrial material". "It's either that or it's going to be space craft debris," he said. He said he didn't believe it was a meteor, and called it a fire ball. "Meteors are just those little streaks of light that people see every night of the week, they're just the size of a grain of sand and they come generally from comets. They have nothing to do with this episode.
Tugaygay na balita (follow-up news)
Halimbawa:
Why Ebola is so dangerous
The Ebola outbreak in West Africa is the world's deadliest to date and the World Health Organization has declared an international health emergency as more than 3,850 people have died of the virus in Guinea, Liberia, Sierra Leone and Nigeria this year. What is Ebola? Ebola is a viral illness of which the initial symptoms can include a sudden fever, intense weakness, muscle pain and a sore throat, according to the World Health Organization (WHO). And that is just the beginning: subsequent stages are vomiting, diarrhoea and - in some cases - both internal and external bleeding. The disease infects humans through close contact with infected animals, including chimpanzees, fruit bats and forest antelope. It then spreads between humans by direct contact with infected blood, bodily fluids or organs, or indirectly through contact with contaminated environments. Even funerals of Ebola victims can be a risk, if mourners have direct contact with the body of the deceased.
Balitang pinaganda (colored news) o lathalaing balita (featured news)
Ito ay balita ng isang pangyayari na pinaganda ang paghahatid ng imformasyon upang maging higit na kawili-wili o kaya'y higit na makapagbigay-aliw sa mambabasa.
Halimbawa:
NOAA's New Deep Space Solar Monitoring Satellite Launched February 11, 2015
A new mission to monitor solar activity is now making its way to an orbit one million miles from Earth. The Deep Space Climate Observatory (DSCOVR) launched on a SpaceX Falcon 9 rocket at 6:03 p.m. EST Wednesday from Space Launch Complex 40 at Cape Canaveral Air Force Station in Florida. DSCOVR, a partnership among the National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA), NASA and the U.S. Air Force, will provide NOAA space weather forecasters more reliable measurements of solar wind conditions, improving their ability to monitor potentially harmful solar activity. NASA received funding from NOAA to refurbish the DSCOVR spacecraft and its solar wind instruments for this mission. The work was completed at NASA's Goddard Space Flight Center in Greenbelt, MD, where a team developed the command and control portion of the spacecraft's ground segment, and manages the launch and activation of the satellite. Following successful activation of the satellite and check-out approximately 150 days after launch, NASA will hand over operations of DSCOVR to NOAA. "DSCOVR is the latest example of how NASA and NOAA work together to leverage the vantage point of space to both understand the science of space weather and provide direct practical benefits to us here on Earth," said John Grunsfeld, associate administrator of NASA's Science Mission Directorate in Washington.
Balitang di-totoo (false news)
Karaniwan itong balita ng mga likhang pangyayari o inimbentong pangyayari. Maiikling ulat na gaya nito ang madalas lumabas o nailalathala sa mga pahayagang tabloid, ngunit ang pag-iimbento ng mahahalagang balita ay bihirang makita. May nagsasabing ngayon ang panahon na maraming lumalabas na istoryang pamulaan ng kawilihang-tao –human interest story, artifisyal ngunit madulang ulat o istorya.
Halimbawa:
Balitang isinugod sa ospital si Manila Mayor Joseph Estrada, hindi totoo
By: Erwin Aguilon
Joseph-estradaItinanggi ng pamunuan ng Manila City Hall na isinugod sa ospital si dating pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada. Ayon kay Bambi Purisima, media relations officer ni Mayor Erap, walang katotohanan ang mga balita na nasa ospital ang alkalde. Sinabi ni Purisima na nasa mabuti namang kalagayan ang alkalde at walang iniindang sakit.
Sa katunayan, maagang naghanda si Mayor Erap, Miyerkules ng umaga para sa pagpasok sa Manila City Hall. Martes ng gabi kumalat ang balita na isinugod sa UST hospital si Mayor Erap.
Balitang pampublisidad (publicity news)
Nagsasaad ito ng pagpapakilala sa madla ng isang tao, bagay, pook o pangyayari, na hindi pa kilala ngunit mahalagang makilala.
Halimbawa:
ZOE GABRIELLE CAMPOS November 19, 2013 Lubbock, Texas On November 19, 2013
Zoe Gabrielle Campos was reported missing to the Lubbock Police Department. She was last seen during the late evening on November 17, 2013, and her last contact with friends and family was in the early morning hours of November 18, 2013. She has not been located nor has she made contact with her family, and she is believed to be in danger. On November 21, 2013, Zoe's silver 4-door Lincoln Town Car was located at the Driftwood Apartments on Utica Avenue in Lubbock, Texas. An unknown person wearing a dark hoodie-style sweatshirt was reported to be seen in the vehicle, but was not in the area when police arrived. Anyone with information is urged to call the Lubbock Police Department (806- 741-1000) or the FBI (972-559-5000). Zoe may have connections to Abilene, Austin, or El Paso, Texas.
Balita ng pagkilala (recognition news)
Ito naman ang balita ng kahanga-hangang nagawa ng isang tao o ng isang pangkat. Kasama rito ang pagtatampok sa mga proyektong pambayan, pambansa o pampaaralan. Ito ang nararapat na gamitin ng mga reporter sa mga paaralan kung may nagkakaloob ng mga donasyon, iskolarship, teaching chair, professorial chair, at iba pa
Sa pagkilala sa Boracay:
Halimbawa:
Turismo pinatutukan(BJ/DM)
Matapos kilalanin ang isla ng Boracay bilang top island destination sa buong mundo, iginiit ng isang senador sa gobyerno na samantalahin ang pagkakataon para makahakot ng maraming dayuhang turista sa bansa.
Ayon kay Sen. Edgardo Angara, ito na ang hinihintay na pagkakataon ng gobyerno para ipakilala sa buong mundo ang iba pang nakatagong kagandahan ng bansa, bukod sa isla ng Boracay, upang sa gayon ay maparami ang bilang ng dayuhang turista na bibisita sa bansa.
"Our country has so much to offer in terms of tourism: from breathtaking beaches and natural wonders to historical sites preserving important chapters in the story of the Philippines. We must seize this opportunity to show the world the uniquely Filipino experience," giit ni Angara.
Kasunod nito ay pinamamadali rin ng senador ang rehabilitasyon ng transportation network sa bansa.
Aniya, kailangang ayusin ng gobyerno ang international airport at ang iba pang sakayan patungo sa Boracay at iba pang mala-paraisong isla sa bansa dahil tiyak na dadagsain ang Pilipinas ng mga turista.
Sa survey na isinagawa ng US-based Travel and Leisure magazine,
Balitang Interpretative
Ang balitang ito ay nagbibigay-diin sa pagsusuri at pagpapaliwanag ng malalim na dahilan ng mga pangyayari upang lalong madaling maunawaan ng mambabasa. Binibigyang-halaga nito ang pagbibigayliwanag sa dahilan ng masalimuot na pagunlad ng pag-uugnayan ng mga tao sa lipunan, politika at kultura. Ginagamit ito ng mga reporter upang mapalitaw ang tunay na kahalagahan ng balita o pangyayari sa mga mambabasa.
Halimbawa:
Why Sarah G won't celebrate Valentine's Day with Matteo By Reyma Buan-Deveza, ABS-CBNnews.com Posted at 02/12/2015 1:46 PM MANILA
Singer-actress Sarah Geronimo won't be celebrating her second Valentine's Day with boyfriend, actor-triathlete Matteo Guidicelli. "Wala naman pong plano kasi pareho kami yatang may trabaho sa Valentine's Day. May live (show) po for 'The Voice.' Wala, hindi kami magkasama sa Valentine's," she said on Thursday at the launch of her newest endorsement, San San Cosmetics. "Sa 13 ay may trabaho po. As in every day po halos ang trabaho, so singit-singit lang ng oras minsan." Geronimo, who is quite private when it comes to discussing her love life, did share that she and the actor celebrated Valentine's last year -- although not on February 14 itself. Asked if the actor has a Valentine's gift for her, Geronimo said: "Ang Valentine gift lang na importante ay pagmamahal at pag-iintindi." In the interview, Geronimo also gamely shared that she and Guidicelli have mused about marriage. "Siyempre napag-uusapan po, pero alam naman po naming pareho na madami kaming dapat ayusin sa sarili namin," she stressed. Asked if she feels that Guidicelli is already the one for her, the actress said: "Masyadong maaga para diyan, madami pa kaming dapat pagdaanan Meanwhile, Geronimo announced that her movie with Piolo Pascual is on again, despite an earlier statement from the actor himself that it might not push through. "Tuloy 'yung Piolo po," Geronimo said on Thursday, adding that they might start shooting the film after her stint on "The Voice of the Philippines" ends. Geronimo also spoke on rumors that she might do a movie with Asian heartthrob Lee Min Ho. "Hindi pa kami nag-uusap ni boss Vic (del Rosario of Viva) about it pero sana," she said.
Balitang developmental
Ito ang mga balitang nauukol sa mga pangyayaring may kaugnayan sa mga kaunlaran ng bayan, lalawigan, rehiyon at buong bansa. Halimbawa ang pagtatayo ng tulay na San Juanico sa Samar-Leyte.
Balitang Investigative
Ito ang pinakabagong paraan ng pagbibigay ng balita. Dahil sa hindi na nasisiyahan ang mga reporter sa pagpapaliwanag ng kahulugan ng mga pangyayari, kaya't ginagawa na nilang personal na magsiyasat sa mga pangyayari.
Printable News
Ito ang mga balitang ang pangyayari'y itinuturing na nagdudulot ng kabutihan sa mamamayan, tuwiran man o dituwiran. Kabilang sa ganitong kategorya ang mga pangyayaring napapaloob sa sumusunod: A. Pananalapi ng bayan B. Kalusugan ng mamamayan C. Ang dahilan ng mababang performance ng mga mag-aaral sa agham at matematika kahambing ng mga mag-aaral sa ibang bansa.
Unprintable news (mga balitang di-mainam ipalimbag)
Kabilang sa ganitong mga balita ang nakakasira sa pagkatao o pangalan ng isang taong nasasangkot. Ang dahilan ay upang huwag masira ang kanyang pangalan nang hindi pa napapatunayan ang katotohanan ng mga pangyayari sa kanyang buhay.
Science Journalism at Science Writing
Ang Science Writing ay inihahanda ng may-akda para sa mga taong ang pinagpakadalubhasaan ay kapareho ng sa may-akda. Ito'y para sa mga taong nabibilang sa iisang linya. Pangunahing pinaglilimbagan nito ay mga journal, magasin at huli na ang pahayagan. Ang Science Journalism ay ang pagsulat hinggil sa agham o mga bagay na teknikal para sa kaunawaan ng karaniwang mamamayan at hindi para lamang sa mga nakatapos sa mga dalubhasaan at pamantasan. Ito'y sumasaklaw sa newspaper writing at technical writing
2. Sino lamang ang maaraing sumulat ng Science Writing at Science journalism writing
Science Writing
Ang Science Writing ay inihahanda ng may-akda para sa mga taong ang pinagpakadalubhasaan ay kapareho ng sa may-akda. Ito'y para sa mga taong nabibilang sa iisang linya. Pangunahing pinaglilimbagan nito ay mga journal, magasin at huli na ang pahayagan.
Halimbawa:
Kasama sa mga nakibahagi ay si Dr. Reynaldo Ebora ng Philippine Council for Agriculture Aquatic and Natural Resources Research and Development, Engr. Edgar Garcia ng Technology Applications and Promotions Institute, Dr. Jaime Montoya ng Philippine Council for Health Research and Development at si National Academy of Science and Technology Executive Director Ms. Lunigning Samarita-Domingo.
Bukod sa mga pananaliksik ukol sa kalusugan at kaugnayan nito sa malawakang pagbabago ng klima ay nagkaroon ng mga pagtutulungan ang mga mananaliksik sa Timog Silangang Asya bunsod na rin sa kasalukuyang ASEAN Economic Integration. Kabilang samga pagsasaliksik at nagwaging pag aaral ukol naman sa pananaliksik paa sa "Pandan" isang halamang karaniwang kilala natin at kasangkap ng atin mga pagkain.
Isa pang pag aaral ay ukol sa Thermal Energy na isang uri ng energy sorce na kailangan ngayon dahil sa kakulangan natin sa kuryente. Drug discovery and Development, energy dahil ngayon ay nag iimport tayo ng coal at ang pangunahing layunin ay makapag prodyus tayo ng sariing atin,
Naglalabanang food at fel ngayon, dahil angmga pinipili na sources of alternative energy ay kmukumpitensya sa pagkain dahil kinakain din ang raw materials kaya mas maigi na magsaliksik ng mga bagong pagkukunan upang makatulong sa ating bayan.
Gayundin sapagdiskubre ng mga bagong gamot nais ng PHILAAST natunay na makakuha ng mga sources na talagang sariling atin at dina tay aangkat sa aibayong dagat, dagdag industriya na ri ito sa ating bansa namakapag aambag sa pagkakaroonng trabah ng marami sa atinng mga kababayan na diretso na sa pinapangarap ng gobyernong industrialisasyon.
Dahil sa pagdalo rin sataunang pagdiriwang ng "Singkaban Festival" sa lalawiganng Bulacan at ang parangal ukol sa "dangal ng Lipi" dumal rin at nakibahagiang Chairman Emeritus ng PHILAAST at kasalukuyang kalihim ng DOST na si Sec. Fortunato T. dela Pena.///michael balaguer
Science journalism writing
Ang Science Journalism ay ang pagsulat hinggil sa agham o mga bagay na teknikal para sa kaunawaan ng karaniwang mamamayan at hindi para lamang sa mga nakatapos sa mga dalubhasaan at pamantasan. Ito'y sumasaklaw sa newspaper writing at technical writing
Science journalists often have training in the scientific disciplines that they cover. Some have earned a degree in a scientific field before becoming journalists or exhibited talent in writing about science subjects.
Halimbawa:
Microbial communities scraped from a human tongue. Each color represents a different genus. Cyan: Rothia, Red: Actinymyces, Yellow: Neisseria, Magenta: Veillonella, Green: Streptococcus, White: host epithelial material
STEVEN WILBERT, GARY BORISY, FORSYTH INSTITUTE, CAMBRIDGE, MA
Typical microbiome studies take a sample of tissue, blend it up, and sequence the population's genetic material to see which organisms are present. Such studies can inform scientists about what species reside at a particular body site, but not how their communities are organized in space. Gary Borisy's lab at the Forsyth Institute is working to fill in that gap, mapping out microbial neighborhoods in various tissues.
In his latest endeavor, described Sunday (December 3) at the American Society for Cell Biology – EMBO meeting in Philadelphia, Borisy is exploring the surface of the tongue. His group has found that, unlike at other body sites—such as the plaque that lives along our gum lines or the mouse intestine—where bacterial taxa tend to intermingle, the genera of tongue bacteria form distinct clumps.
The researchers scraped the tongue surfaces of 20 human volunteers, then spread the material flat on slides for analyses. It's not a perfect representation of the surface of the tongue, but more like if you scraped the carpet off a floor. It might fold up and deform somewhat, but the general position of the fibers (the microbes in this analogy) remains intact and next to their original neighbors.
3. Ipaliwanag kung sino laamng reporter ang maaaring sumulat ng:
Balitang interpretative: Ang balitang ito ay nagbibigay-diin sa pagsusuri at pagpapaliwanag ng malalim na dahilan ng mga pangyayari upang lalong madaling maunawaan ng mambabasa. Binibigyang-halaga nito ang pagbibigayliwanag sa dahilan ng masalimuot na pagunlad ng pag-uugnayan ng mga tao sa lipunan, politika at kultura. Ginagamit ito ng mga reporter upang mapalitaw ang tunay na kahalagahan ng balita o pangyayari sa mga mambabasa.
-Ang maaaring sumulat ng balitang interpretative ay yaong mga mananalisik at mamamahayag na nakapg-aaral sa kursong may kaugnayan sa teknikal na pagsulat ng balitang interpretative.
Balitang investigative: Ito ang pinakabagong paraan ng pagbibigay ng balita. Dahil sa hindi na nasisiyahan ang mga reporter sa pagpapaliwanag ng kahulugan ng mga pangyayari, kaya't ginagawa na nilang personal na magsiyasat sa mga pangyayari.
Ang maaaring sumulat ng balitang investigative ay yaong nagsasagawa ng isang imbestigasyon hinggil sa pangyayari katulad ng mga pulis, Soco at iba pa.
Balitang developmental: Ito ang mga balitang nauukol sa mga pangyayaring may kaugnayan sa mga kaunlaran ng bayan, lalawigan, rehiyon at buong bansa. Halimbawa ang pagtatayo ng tulay na San Juanico sa Samar-Leyte.
-Ang maaaring sumulat ng balitang developmental ay yaong mamamahayag na may kinalama sa mga developmental na programang ipinapatupad ng pamahalaan.