Unibersidad ng Pilipinas Diliman, Lungsod ng Quezon
KRITIKAL NA PAPEL Pagsusuri ng Isang Kontemporaryong Nobelang Filipino Fili pino
Si A mapola mapol a sa sa 65 na K aban aban ata
ni Ricky Lee
Ipinasa ni: Kaylene L. Fernandez Fernandez BA Speech Communication Communication 2011-79158
Ipinasa kay: Dr. Noemi Rosal Rosal Propesor, Fil Fil 20
0
I. Ang May-akda at Kanyang Milyu A. Talambuhay ng May-akda
Si Ricardo “Ricky” Arriola Lee ay isinilang noon g ika-19 ng Marso 1948 sa bayan ng Da et, Camarines Norte. Ang kanyang mga magulang na sina Dy Hien Chin at Clarita Arriloa ay pumanaw noong bata pa lamang siya. Tinulungan niya sa pagpapatakbo ng tindahan ng alak ang kanyang tiyahin na siya ring nagbigay sa kaniya ng pangtustos sa paaralan, ang Chung Hua High School sa Bicol. Ginamit niya ang kaniyang kita sa paglilimbag ng kaniyang unang maikling kuwento, “Mayon” upang matustusan ang kaniyang pagluwas sa Maynila. Dito, nagtrabaho siya bilang weyter, mensahero at iba pa. Nang makaipon, nag-enrol siya sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman at kinuha ang kursong BA English. Nagturo rin siya ng pagsulat ng script sa UP at Ateneo de Manila. Sinulat niya ang kaniyang unang screenplay noong 1972, ang “Dragnet” na pinagbidahan ni Joseph Estrada. Naniniwala siya na ang script ang backbone ng pelikula. Upang panindigan ito, tinanggihan niya ang isang parangal para sa pelikulang “Olongapo: the American Dream” ni Frank Vrechek kung saan ay halos di-makilala ang sinulat niyang script para dito. Ilan pa sa mga sinulat niyang script ay para sa mga sumusunod na pelikula: “Brutal” (1980), “Miss X” (1980), “Playgirl” (1981), “Relasyon” (1982), “Cain at Abel” (1982), “Haplos” (1982), “RPX” (1982), “Karnal” (1983), “Baby Tsina” (1984), “Sinner or Saint” (1984), “White Slavery” (1985), at “Dyesebel” (1990). Siya rin ay nagpapa-workshop nang libre sa kaniyang tahanan sa Kamias, Quezon City para sa mga estudyanteng nais maging scriptwriters. Ang mga
1
miyembro ng Rick y Lee Writers’ Studio ay nag-aambag din sa mga prestihiyosong mga palabas sa telebisyon gaya ng Isip Pinoy, Pubhouse, Wakasan, at mga pelikulang pantelebisyon na ginagawa ng Viva Films. Si Ricky Lee ay nagsusulat din ng mga dula gaya ng “Pitik Bulag sa Buwan ng Pebrero” (itinanghal sa Manila Film Center noon 1989). Sa taong ito rin ay sinulat niya ang mga dulang “Balisawsaw” at “Pusong Ligaw” (adaptasyon ng Dog Day Afternoon); at noong 1992, sinulat niya ang dulang “DH” (Domestic Helper) para sa Philippine Educational Theater Asociation (PETA). Nakatipon ang kanyang mga akda sa nakalipas na 20 taon sa aklat na Si Tatang at ang mga Himala ng Ating Panahon (1989). Ang iba pa niyang nilimbag na mga akda ay ang “Salome/Brutal” (1981), “Moral” (1982), at “Bukas May Pangarap” (1984). Marami siyang natanggap na parangal sa larangan ng panitikan. Ilan sa mga ito ay ang unang gantimpala, maikling kuwento sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature noong 1969 para sa “H’wag, H’wag Mong Kukuwentuhan ang Batang si Wei-fung”; unang gantimpala, maikling kuwento sa Paluwen (1979) para sa “Servando Magdamag”; una at ikatlong gantimpala sa Pilipino Free Press Annual Literary Awards (1969) para sa “H’wag, H’wag...” at “Pagtatapos”; National Book Award ng Manila Critics Circle (1982) para sa “Brutal/Salome”; at isang gantimpala mula sa Surian ng Wikang Pambansa (1982) para sa kanyang pag-aambag sa panitikang nasa wikang Pilipino. Marami rin siyang parangal sa larangan ng pagsulat ng script . Ilan sa mga ito ay ang best screenplay para sa “Jaguar ” (1979, kasama si Jose F. Lacaba), “Salome”
2
(1981), at “Gumapang Ka sa Lusak ” (1990); ang best story sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) para sa “Andrea, Paano Nga Ba ang Maging Isang Ina?” (1990), at best screenplay para sa “Ang totoong buhay ni Pacita M.” (1991); ang Film Academy of the Philippines best original screenplay para sa “Andrea..” at “Totoong Buhay...”; ang Philippines Movie Press Club Start Award na best screenplay para sa “Private Show” (1986), “Paano kung Wala Ka Na?” (1987), “Sandakot na Bala” (1988, kasama si Jose Carreon); “Macho Dancer” (1989) at “Andrea...”; ang Star Award adapted screenplay of the year para sa “Ang Bukas ay Akin” (1990); ang Catholic Mass Media Award (CMMA) best screenplay para sa “Himala” (1982) at “Sandakot...”; ang Metro Manila Film Festival (MMFF) best screenplay para
sa
“Moral”,
“Himala”,
“Olongapo...”,
“Andrea...”,
“Ang
Totoong...”at “Ang Lalaki sa Salamin” na pinalabas sa “Takbo, Talon, Tili” (1992); MMFF best story para sa “Andrea...” at “Ang Totoong...”; at ang Manila Film Festival (MFF) best story and screenplay para sa “Dahil Mahal Kita (The Dolzura Cortez Story)” (1993). Ang kaniyang unang nobela ay “Para Kay B (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin)”. Ang “Si Amapola sa 65 na Kabanata” ay ang kaniyang ikalawang nobela na lumabas noong 2011. B. Milyu ng Akda
Ang mga kaganapan sa aklat ay ginanap sa may bandang Tomas Morato sa Lungsod ng Quezon noong taong 2010, hindi pa masyadong malayo mula sa kasalukuyan.
3
Ito ang panahon na kung saan ang pagiging homosekswal, gaya ng pangunahing tauhan sa nobela na si Amapola, ay tanggap sa lipunan. Subalit ang pagtanggap na ito ay hindi sa pamamaraang pagpapakita ng respeto o pagkakapantay pantay kundi paggamit sa kanila bilang bagay na maaaring pagtawanan o source of entertainment . Kumbaga, itinuturing sila na mas mababa sa mga “ straight ” o heterosekwal. Ito rin ang panahon kung saan halos wala nang naniniwala sa mga supernatural na mga bagay gaya ng mga manananggal, na isa pang katangian ni Amapola. Ang nobela ay nakapalibot din sa panahon ng pampangulong eleksiyon kung saan samutsaring propaganda at kung anu-anong istratehiya ang kinakapitan ng mga kandidatong desperadong makaupo bilang mga lider ng bansa.
II. Buod ng Nobela
Ang tagpuan ay Mayo 2010, sa Lungsod ng Quezon. Si Amapola ay isang baklang impersonator sa High Notes, isang gay bar sa Tomas Morato. Simpleng tao lamang si Amapola, isang Mass Comm graduate na nais sumikat sa larangan ng pag-aartista. Isang gabi, nahati ang kanyang katawan at tinubuan siya ng mga pakpak. Noon niya natuklasan na siya ay isang manananggal. Sa simula, hindi niya ito matanggap pero nagawa niyang hindi kumain ng lamang-loob ng tao. Di-nagtagal, nalaman niya sa kaniyang Lola Sepa, na nanggaling pa sa panahon ng pananakop ng mga Kastila at napadpad sa isang inidoro sa kasalukuyan, na siya ang Itinakda: ang magdadala ng kapayapaan sa pagitan ng mga tao at mga manananggal, at magliligtas sa Pilipinas.
4
Upang maging handa, sumailalim sa mga pagsasanay si Amapola. Tinuruan siya ni Lole Sepa, na dating manananggal, ng tamang paraan ng paglipad, paggamit ng dila, at pati na rin ng pagpapagalaw sa kalahati ng katawan niya mula sa bewang pababa o ang Talukbang. Siya ay lubos na nahirapan sapagkat hindi siya sanay sa ganitong mga gawain, at sinasabayan pa ng attitude problem. Dahil dito, hindi niya natapos ang pagsasanay. Ngunit sa kabila nito, naging superhero si Amapola na tinawag nilang Grandiosa. Minahal ng masa si Grandiosa sapagkat marami siyang nailigtas na tao. Subalit nang magkalat nang lagim ang Tagalipol, ang manananggal na makakalaban ng Itinakda, kasabay ng masamang propaganda ng pamahalaan anti-aswang, nawalan ng paniniwala ang mga tao kay Grandiosa. Nalaman ni Amapola na ang Tagalipol ay isa rin niyang alter kaya ginawan niya ng paraan upang ito ay mapatay. Matapos lunurin ang alter niya, dinakip si Amapola ni Giselle, ang sawing nobya ni Isaac na sinumpang maghihiganti, at dinala kay Trono. Si Trono ang nanalong pangulo ng Pilipinas noon eleksiyon ng Mayo 10 at may lihim na laboratoryo kung saan pinag-aaral at pinapahirapan niya ang mga manananggal na nadadakip nila bago patayin. Nakatakas si Amapola at binalikan ang kaniyang mga mahal sa buhay. Nagpulong sila na magmartsa
bilang
protesta
sa Mayo 30, ang petsang
napapanaginipan ni Lola Sepa. Pagdating petsang ito, maraming dumalo sa protesta na tao at mga manananggal. Ngunit nagkagulo ang mga tao nang isang sundalo ang dinagit ng isa sa mga manananggal na kumakain ng tao. Nagsimulang pagbababarilin ng mga sundalo ang mga nagpoprotesta. Nabaril si Lola Sepa ngunit bago siya mamatay, nagkaroon siya ng premonisyon na hindi si Amapola ang Itinakda kundi isa sa tatlong mga batang ito: si Truman na anak ni Homer, ang lalaking mahal ni Amapola; si Baby Mira, ang anak ng kapatid ni Amapola na nahiwalay sa kaniya noong mga bata sila; at si Dylan, ang anak nina
5
Giselle at Isaac. Natapos ang nobela na nilalarawan si Amapola na lumilipad sa himpapawid na unti-unting humihina at bumabagal ang paglipad. III. Pagsusuri A. Tema
Ang pangunahing tema ng nobela ay pulitikal, na mahahalata pa lamang sa ginamit na panahon. Ang kwento ay naganap sa loob ng halos isang buwan lamang at nabigyang diin ang dalawang importanteng petsa: ang Presidential Elections (Mayo 10) at ang protesta noong Mayo 30. Hindi nakasaad nang lantaran ang nagaganap sa loob ng sistema ng pamahalaan ngunit kalat sa nobela ang iba’t ibang pruweba ng estado ng Pilipinas. Halimbawa ay ang maruruming mga kalye na puro mga pulubing nanlilimos o di kaya’y sumisinghot ng rugby, mga masasamang-loob na nagnanakaw o nangho-holdap dahil walang makain, at iba pa. May paralelismo rin ang isang maliit na tauhan sa nobela na si Lara Agapay (incumbent na pangulo bago ang eleksiyon noong Mayo 10) at ang totoong pangulo ng Pilipinas bago ang totoong eleksiyon noong 2010 na si former President Gloria M. Arroyo. Narito ang sipi: Noong EDSA 2...nagbubunying itinaas nila ang kamay ni Vice President Lara Agapay na siya nang papalit sa napatalsik na Presidenteng si Erap...47 siya (si Trono ang tinutukoy dito)...habang sinasabi ni Presidente Agapay sa kanya, ikaw ang magiging manok ng partido sa darating na halalan, at nakangiti siyang tumatango (si Trono ulit) habang iniisip, pero di ako magiging kagaya mo, na corrupt. Ang asawa ko lang naman ang corrupt, ha ha! sabi ni Presidente Agapay, na parang narinig ang iniisip niya. Dagdag dito, mayroong din implikasyon ng pagkakatulad ng pulitika noong panahon ng mga Kastila. Ang binigyang-diin ay ang pagpatay kay Bonifacio (na mahal ni Sepa) ng mga kapwa Pilipino. Ayon sa nobela na naipaparating sa mambabasa gamit ang perspektibo ni Lola Sepa, hindi nalalayo ang ganitong mga pangyayari sa
6
kasalukuyan. Ang paraan ng pagpatay kay Bonifacio sa nobela ay base sa ibang mga aklat. Ngunit malapit ito sa pagsasalaysay ni Ambeth Ocampo sa kaniyang aklat na Bones of Contention: The Bonifacio Lectures. B. Wika at Estilo
Di-pormal ang ginamit na wika sa nobela. Maliban sa Filipino, may dalawa pang ibang ginamit ang manunulat: (1) Bekimon at (2) Code-switching. Ito ang nakasulat sa artikulo ni Bum Tenorio, Jr. sa The Philippine Star na Let’s Talk Baklese:
The baklese is a specialized language developed by gay people and very few of their closest heterosexual friends. Some studies say that the gay language is a revolutionary language in a sense that, in the beginning, it was spoken by the marginalized group struggling to make their presence understood and accepted by the society. The baklese terms mirror the understanding of its speakers about the society, pop culture, environment, even international politics. It is spoken by gay people from the boardroom to beauty parlors in every barangay in the Philippines. Gamit na gamit ang bekimon sa nobela, siguro dahil ang pangunahing tauhan o bida ay isa ngang homosekswal. Narito ang ilang halimbawa ng bekimon sa kwento: Di ko bet noh! Ano itetch bakit itetch ? Ganito naman ang kahulugan ng code-switching batay sa tesis ni Prof. Romylyn Metila mula sa Kolehiyo ng Edukasyon sa UP Diliman: Codeswitching involves the rapid and momentary shiftings from one language to another, which may occur several times within a single conversation and frequently within a single sentence.
7
Ang mas kilalang tawag dito ay “Taglish” o paghahalo ng mga salitang Tagalog o Filipino at Ingles sa iisang pangungusap.
Narito naman ang mga halimbawa ng
codeswitching sa nobela: Ang Pilipinas, wala nang pag-asa ever! Ever mever bebever ever! Lumalabas ang innermost fears natin in time of want. Ang dalawang ito ay karaniwang ginagamit sa kasalukuyan. Ang presensiya ng mga ito sa nobela ay nagbibigay ng mood na di-pormal at dito, mas magkakaroon ng ideya ang mambabasa ukol sa pinagdadaanan ng tauhan. Mapapansin na hindi gumagamit ng panipi o quotation marks ang awtor. Kahit na ang mga pangungusap ay hindi na bahagi ng pagsasalaysay, hindi kailanman nagkaroon ng panipi maliban nalang kung empasis ang nais gawin. Para sa mga linya na maaaring ikalito ng mambabasa, gumagamit ng parentheses ( ) o kaya ginagawang italicized ang mga linya. Ang ganitong istilo ay paglalabo ng harang na namamagitan sa salaysay at mga salita ng tauhan. Sa ganitong paraan, lalong nagpapalapit sa tauhan at sa mambabasa. Kumbaga, nagkakaroon ng open window sa buhay ng mga tauhan. Walang fixed na tagapagsalaysay ang buong nobela. Nagpapalit-palit ito sa bawat kabanata. Sa karamihan ng mga kabanata, ang point of view ay kay Amapola. Minsan, gamit din ang point of view ng ibang mga tauhan gaya ni Emil, ang pulis na pinakiusapan ni Sepa na hanapin si Amapola. Ngunit marami ding mga kabanata na nasa third person ang point of view. Ang iba dito ay back stories at ang iba ay nagsasalaysay ng mga pangyayari sa kasalukuyan. Hindi rin linear ang paraan ng pagkuwento. Malayong-malayo ito sa unang paaralan ng pagsulat na Classical or Traditional na kung saan sa isang aksyon, 8
isang lugar at isang araw lang umiikot ang kwento. Madalas ay may mga naisisingit na back stories ng mga tauhan. Masasabing pasok ito sa school of writing ni Wilbur Daniel Steele na gumagamit ng flashbacks at nag-uumpisa sa bandang gitna o minsan ay dulo na ng kwento. Pero hindi lang basta flashback kundi buong kabanata ang inilalaan sa mga back stories na ito. Ang mga back stories na ito ay hindi pampagulo kundi mga suplemento upang lalong maintindihan ang kwento at ang mga tauhan dito. Ilan sa mga ibang mga tauhan na may back stories ay sina Lola Sepa, sina Zaldy at Isaac, si Giselle, si Trono at ang kapatid nitong si Fernando, si Homer, at si Emil. C. Kulturang Pinoy na Nasasalamin sa Akda
Ang paniniwala sa mga aswang ay isang kaugalian na karaniwan sa mga Pilipino bago pa dumating ang mga Kastila. Habang tumatagal ay nagkaroon na nga mga lungsod at umusbong ang teknolohiya. Sa kasalukuyan, ang paniniwala sa mga aswang ay sinasabing pamahiin o di kaya’s ugaling pamprobinsiya. Ayon kay Maximo Ramos, ang mga aswang ng Pilipinas ay napapaloob mga kategoryang nakabase sa mga “aswang” sa Europa. Ang aswang sa nobela ay mga manananggal, pasok sa depinisyon ng viscera sucker: Said to suck out the internal organs or to feed on the phlegm of the sick. At night, the monster discards its lower body fropm the waist down and flies or floats or glides out. Sa nobela, bumalik ang paniniwala ng mga Pilipinong taga-lungsod sa mga aswang sapagkat nagpapakita na sila. Lalo na noong nag-ala- superhero si Amapola bilang si Grandiosa. Ito ay tila “nabuhay” ang isang bahagi ng ating sinaunang kultura na nawala sa mahaba-habang panahaon na tayo ay sinakop ng iba’t ibang mga dayuhan
9
at naging abala sa ibang mga isyu gaya ng Martial Law, impeachment ni Erap, mga rali, Miss Universe pageants, at marami pang iba. Isa pang makikitang bahagi ng kulturang Pinoy ay ang pagiging mahilig sa mga superhero. Sa primetime schedule ng telebisyon ay dumaan ang napakaraming teleserye ukol sa mga indibidwal na may kakaibang lakas, bilis, kakayahang lumipad, magpalabas ng apoy sa kamay at iba pang kapangyarihan gaya nina Darna, Panday, Kristala, Super Inggo, Captain Barbel, at iba pa. Ito ay repleksiyon ng pagiging dependent ng mga Pilipino sa ibang tao na iligtas sila. Sa nobela, isinalaysay ni Amapola na dinadagsa siya ng text ng mga tao na palaging humihingi ng tulong. May mga iba pang pag-uugaling Pilipino ang naisalamin sa nobela. May mga binary oppositions gaya ng kalupitan ng pamilya ni Giselle at ang kabutihang-loob ni Nanay Angie na nag-ampon, nagpalaki at nagpaaral kay Amapola at tinanggap lahat ng di-perpekto sa kanya. Narito rin ang pagiging masayahin sa kabila ng mga trahedya. Isang halimbawa ay ang pangit na kostumer na pinagtitripan ng mga katrabaho ni Amapola sa High Notes. Kaya daw ito sinusundan ng sakuna dahil tila nasakuna rin daw ang mukha nito. Nasunugan ng bahay, nawalan ng kapatid, naOndoy, at namatayan ng isa pang kapatid ang kostumer na ito ngunit nakikitawa pa rin ito sa mga baklang host sa High Notes. Ngunit sinalaysay na ang taong ito, sa pananaw ni Amapola, ay nakikitawa lamang sapagkat maiiyak ito kung hindi siya tumawa. Isa pang nakakatuwang bahagi ng kultura para sa maraming Pilipino na na feature sa nobela ay ang pagiging fan ni Nora Aunor o ang tinatawag na “Noranian”.
10
IV. Kabuluhan ng Akda sa Kasalukuyang Panahon
Ang tagpuan, panahon at milyu ng nobela ay talaga namang pasok sa depinisyon nating ng kasalukuyan sapagkat noong 2010 lamang ang mga kaganapang ito. Ngunit, hindi lamang ang mga ito ang mga maaaring sabihing basehan sa pagiging “napapanahon” ng kwento. Makikita sa akda ang iba’t uri ng paglalaban sa lipunan. Krisis sa identidad, krisis sa pamilya, tunggalian sa ibang tao, ang hirap ng pag-adapt na hindi ka naman kabilang, agawan sa kapangyarihang pulitikal, at iba pa. Kung titingnan sa kabuuan ang nobela, dahil sa presensiya ng mga manananggal, may magsasabing wala itong kinalaman sa kasalukuyan at ito ay tila isang fantaserye. Ngunit totoong-totoo ang kwento. Ang manananggal ay isang simbolismo ng pagiging hati. Mga taong hati sa nais paniwalaan, lipunan na hati ang mga mamamayan sa mga prinsipyo, pamahalaan na hati ang prayoridad ng mga opisyal. Isang linya sa nobela ( na sinabi ni Andres Bonifacio kay Sepa) ay ito: Lahat tayo hati, di nga lang nakakalipad ang iba. Realistiko ang kwentong Si Amapola sa 65 na Kabanata . Matalingahaga nga lang. Ngunit kung susuriing mabuti, malinaw na ipinapakita nito ang lipunang mayroon tayo ngayon. Isa itong silip sa kung gaano kagulo at kasalimuot ang estado ng Pilipinas. Oo, open-ended ang kwento ngunit dito nga pumapasok ang papel ng mambabasa na mag-isip ng solusyon sa mga problemang inilabas sa kwento. Ayon nga kay Harry Levin sa aklat ni Wilbur Scott: ...the relations between literature and society are reciprocal. Literature is not only the effect of social causes; it is also the cause of social effects. Kapag napagdesisyunan ng nakabasa ng nobela na may gawing pagbabago dulot ng kanyang pagkamulat gamit ang kwneto, dito punapasok ang huling bahagi ng sinabi ni Levin. Sa
11
ganitong paraan, ang akda ay hindi lang basta-basta source of entertainment kundi catalyst para sa pagbabago. Sinabi rin ni Salvador Lopez sa kanyang sanaysay na: In the end, what really interests the writer, granting that he recognizes the value of social content in literature, is some sort of assurance that his writing will result to something that he can lay his hands on as good and useful . Sa loob ng napakaraming taon, si Ricky Lee ay isa sa mga manunulat na hindi lamang nakapagbigay ng katuwaan kundi insight sa mga nakakapanood o nakakabasa sa mga gawa niya. Ang Si Amapola sa 65 na Kabanata ay isa sa mga akdang ito.
V. Konklusiyon
Bawat nobela ay may kanya-kanyang paraan kung paano huhulihin ang kiliti ng mambabasa. May magpapatawa, magpapaiyak, magpapakilig, mananakot, manggugulo at mambabagabag. Ang nobelang Si Amapola sa 65 na Kabanata ay nagawa lahat ng ito. Ngunit ang akdang ito ay hindi lamang limitado sa pagiging piksyon. Hindi ito basta-basta fantaserye na kung saan pinaghalo ang kulturang Pilipino, sinauna man o napapanahon. Hindi rin ito panitikan ng reklamo kung saan lahat nang negatibo sa mundo ay tila isinusumbong sa mambabasa. Sa halip, ito ay naging masalimuot ngunit malikhaing instrumento upang maipakita ang Pilipinas ngayon, kung ano ang magiging kapalaran nito, kung ano ang maaaring mangyari sa kinabukasan. Ngunit hindi rin ito isang manual na dapat sundin nang paisa-isang hakbang ng mambabasa. Ito ay nag-aalay ng kalayaan, nagbibigay ng tamang espasyo upang makapag-isip nang mag-isa ang mambabasa tungkol sa karanasan niya kasama ang nobela.
12
Bibliyograpiya:
1.
Lopez, Salvador P. Literature and the Society
2.
Metila, Romylyn A. English-Filipino Codeswitching in the Classroom: Patterns, Perceptions, and Purposes
3.
Ocampo, Ambeth R. Bones of Contention: The Bonifacio Lectures (2001)
4.
Ramos, Maximo The Aswang Syncrasy in Philippine Folklore (1971)
5.
Scott, Wilbur. The Sociological Approach, Five Approaches of Literary Criticism
6.
Tenorio, Bum D. Jr Let’s Talk Baklese (2012)
7.
Yabes, Leopoldo Y. Philippine Short Stories 1925-1940 (1997)
8.
CCP Encyclopedia of Philippine Art, Volume 8 Philippine Film (1994)
13