IBALON (epiko) Kilala ang Bicol sa kanilang matandang epiko na Ibalon na isinalaysay ng isang makatang manlalakbay na si Cadugnung na isinalin Fr. Jose Castaño. Ang nasabing epiko ay nalathala sa Madrid sa tulong ni Wenceslao Retana. Ibalon o Ibalnon ang naging tawag ng mga Español sa sinaunang lupain ng mga Bicolano. Naging batayan nito ang mga “ibal” o “ibay” na kauna-unahang pangalan ng tangway ng Bicol. Salitang pinaikli ang “ibal” ng Ibalyo na nangangahulugan na naging tawiran mula sa Visaya patungo sa kabilang ibayo sa dakong Timog Luzon. Binubuo ng sampung saknong na may tig-4 na linya o talutod. May sukat na lalabindalawahin. May dalawang bahagi ang epiko. Naglalaman ng kahilingan ni Iling (isang ibong laganap sa kabikulan at kung inaalagaan ay madaling turuang bumigkas ng ilang salita) kay Cadugnung na awitin ang mga pangyayaring magpakilala sa kabayanihan ni Handyong. Ang ikalawang bahagi naman ay ang awit ni Cadugnung na naglalaman ng mga pangyayaring naganap noong matagal na panahon. Sa pagsisimula ng epiko, si Baltog ang kauna-unahang lalaking nakarating sa Kabikulan buhat sa lupain ng Botavara. Dahil sa mayamang lupain ng Bicol at sa likas nitong kagandahan, naakit si Baltog. Isang gabi, tinambangan ni Baltog ang baboy-ramo. Sinaksak niya ang mabangis na hayop sa pamamagitan ng kanyang sibat. Pagkatapos ay sinunggaban niya ang mga panga at binali ang buto. Isinabit ni Baltog ang dalawang panga sa puno ng Talisay. Labis na humanga ang mga mangangasong buhat sa ibang lugar nang kanilang makilala at makita ang pangit at panga ng baboy-ramo gayundin ang panga nitong nakausli. Ang baboy-ramong ito ay buhat daw sa bundok ng Lingyon at tinatawag na Tandayag. Dahil sa ipinamalas ni Baltog na pambihirang lakas kaya’t kinilala siyang pinuno ng pook na Ibalon. Naging mabuti siyang pinuno. Binigyan niya ng katarungan ang lahat ng kanyang nasasakupan. Matapos ang panahon ng kapayapaan at kasaganaan, naghari naman sa buong Ibalon ang lagim at kapinsalaan dahil sa poot ng mga dambuhalang tulad ng mga pating na may pakpak, kalabaw na lumilipad at higanteng buwaya. Nalungkot si Baltog dahil siya ay matanda na at hindi na niya kayang ipagtanggol ang kanyang mga nasasakupan. Hindi nagtagal, isang batang-batang mandirigma ang nagngangalang Handyong ang dumating sa Ibalon. Nang marinig niya ang karaingan ng mga tao ay muli siyang naging tagapagligtas. Naging matagumpay naman siya sa paglipol ng mga dambuhala. Hinikayat ni Baltog si Handyong na magkaroon ng isang pangkat ng mga mandirigma upang tumulong sa paglipol ng mababangis na dambuhala. Kaya’t mula noon si Handyong naman ang humaliling bayani ng epiko. Nakalaban din at napatay ni Handyong si Ponong nang bigla itong lumusob sa kanila. Isa rin itong dambuhala na iisa ang mata at tatlo ang bibig. Ito ay napatay ni Handyong. Ang labanan ay umabot ng sampung buwan. Ang pating na may pakpak at Simarong kalabaw na lumilipad ay nalipol lahat. Ang mabangis na “Sarimaw” ay itinaboy sa bundok ng Kolasi. Ngunit isa pang dambuhala ang nakaligtas sa kamay ni Handyong. Siya’y si Oryol, isang tusong ahas na nakukuhang maging isang anyo ng kaakit-akit na babae at ang tinig ay parang sirena. Ang mapanlinlang na serpyente ay nagtatangkang gayumahin si Handyong. Sa kabila ng pang-aakit na ginawa kay Handyong, pinatunayan ni Oryol na hindi niya mapapasuko si Handyong, kaya’t naghandog siya ng tulong upang mapuksa ang mga dambuhalang buwaya sa ilog Bicol. Pagkatapos ng labanan, ang ilog Bicol ay namula sa dugo ng mga buwaya. Nasaksihan ng ilang orang-utang ang labanang ito at sila’y nasindak. Nang malipol ang mga dambuhala sa pook, namahinga si Handyong. Mula noon siya’y nagpatuloy sa pamamahala sa kanyang mga kababayan nang buong tapat at katalinuhan. Sa
kanyang pagpapahinga siya’y nagtanim ng gabi ang laman ay kasinlaki ng pansol. Nagtanim din siya ng isang uri ng palay na nagtataglay ng kanyang pangalan. Lalo siyang napamahal sa kanyang mga sakop nang nahikayat niya nang buong lugod ang mga mamamayan upang gumawa ng mga kapaki-pakinabang na kasangkapan sa ikakabuti ng lipi. Binanggit din sa epiko na si Handyong ang kauna-unahang gumawa ng bangkang naglayag sa ilog Bicol na si Cuinantong. Lalong naging kahanga-hanga si Cuinantong nang magdagdag siya ng timon at layag sa bangkang gianwa niya. Ginawa rin ni Cuinantong ang araro, suyod, pagalong, singkaw, gulok, asarol at salop. Ang iba pang nagsigawa ng kasangkapan ay si Hablom na tumuklas ng habihan, ang unanong si Dinahon naman ang lumikha ng tapayan, kalan, palayok at iba pa. Si Surat naman ang gumawa ng ABAKADA at inukit sa batong libon. Inilalarawan din sa epiko ang bahay nina Handyong na kung tawagin ay “moog” sapagkat ito’y nakasalalay sa punongkahoy. Alinsunod sa epiko sila’y tumatahan sa itaas ng punungkahoy upang maiwasan ang labis na init at maligtas ang mga sarili sa insekto’t hayop na naglipana sa pook. Ibinigay ni Handyong ang batas na makatarungan na magpapahintulot na manirahan nang sama-sama ang alipin at umaalipin nang may karangalan at katiwasayan sa pamilya. Sa gitna ng kapayapaang naghahari sa lupain ay nagkaroon ng isang delubyo. Ang baha ay kagagawan ni Inos. Isang nakasisisndak na bagyo na may kasamang malakas na ulan ang nasabing delubyo. Pagkatapos ng delubyo, isang tangway ang lumitaw na ngayon ay tinatawag na Pasacao. Nagbago rin ang takbo ng agos ng ilog Inarihan. Ang epiko ay nagwakas sa kasaysayan ni Bantong, isang batang-batang kaibigan ni Handyong na lagi niyang kasa-kasama. Sa panahong iyon, ang katahimikan ng Ibalon ay muling binulabog ni Rabut, isang dambuhalang kalahating tao at kalahating hayop ang katawan. Siya’y isang mangkukulam at nagagawa niyang bato ang sinuman. Isang araw, kasalukuyang bumabaha, nagtungo si Bantong kasama ang kanyang mga tauhan sa yungib at sinalakay si Rabut samantalang ito’y natutulog. Tinaga ni Bantong ang tulog na dambuhala. Namilipit sa sakit sa Rabut at umalingawngaw ang kanyang tinig sa buong bayan. Dinala ni Bantong ang bangkay ni Rabut sa Libnaman. Ipinakita niya kay Handyong ang dambuhala at hindi siya makapaniwala sa kapangitan ni Rabut. Dito nagwakas ang salin ni Fr. Jose Castaño: Nangako si Cadugnung na ipagpapatuloy niya ang kuwento sa ibang araw. Subalit maaaring hindi na naisalin ang iba pang bahagi ng epiko o kaya hindi na natapos kung kaya’t nananatiling walang karugtong ang epiko.
Buod ng Epikong Ibalon Si Baltog ay isang batang lalaki na malakas, mabait at matipuno. Siya ay anak ni Handiong, ang pinuno ng kanilang pamayanan. Isang araw, ikinuwento ng kanyang ama ang kaawa-awa nilang kalagayan sa lupain ng Samar. Napakarami nilang kaaway na laging dumarating upang sirain ang kanilang pananim at patayin ang kanilang mga alagang hayop. Namamatay ang mga tao sa gutom dahil sa kawalan ng pagkain. Ang natitira sa kanila ay hindi sapat upang umabot sa susunod na pag-aani.Pagod nang lumaban ang mga tao anak, sabi ng kanyang ama. Gusto nila ng payapang buhay na walang gutom na gumagala sa paligid. Ang ating mga hayop ay kumokonti ng kumokonti araw-araw. Kapag nagpatuloy ang ganitong sitwasyon ay mamamatay tayong lahat sa gutom.Ano ang gusto mong ipagawa sa akin, ama? tanong ni Baltog. Tumingin ng diretso sa kanyang mata ang
kanyang ama. At hinawakan nito ang kanyang balikat. Humanap ka ng lugar kung saan makakapamuhay tayong panatag at payapa. Iginala ni Baltog ang mga mata. Nakita niya ang mga tao sa kanilang kaawa-awang kalagayan. Nakita niya ang gutom at sa mukha ng bawat bata. Nakita niya ang panghihina sa bawat mukha ng ama't-ina. Siya din ay nalungkot. Masyado na akong matanda kaya inaatang ko na ito sa iyong mga balikat. Bata ka pa, malakas at matapang. Alam kong magagawa mo ito. Para sa akin at sa ating mga mamamayan. Ibinigay ni Handiong ang basbas kay Baltog. Naglayag si Baltog kinagabihan sakay ng isang maliit na bangka na magdadala sa kanya sa isang lugar ha tinatawag na Kabikulan. Marami na siya ring narinig tungkol sa lugar at naisip niya na maganda kung makakahanap siya ng lugar kung saan sila maninirahan habang-buhay. Sa malawak na dagat, nasagupa ni Baltog ang malakas na hangin at malalaking alon na sumira sa kanyang bangka. Kinailangan niyang lumangoy at muntikan na siyang malunod bago niya ligtas na narating ang dalampasigan ng baybaying bayan ng Kabikulan. Nagsimula niyang galugarin ang Kabikulan, hanggang umabot siya sa lupain ng Aslon at Inalon na sumasakop sa kapatagan na nakaligid sa bundok ng Asog, Masaragam, Isarog at Lignion. Natagpuan niya ang Ibalon, isang magandang lugar para sa kanya at sa mga mamamayan. Ang lupa ay mataba at magandang pagtamnan ng mga halamang ugat, palay at mga gulay. Ito rin ay maganda para sa kanilang mga hayop. Para itong lupain ng gatas at pulot.Nais ko ang lupaing ito para sa akin at sa aking mga mamamayan, sabi ni Baltog sa sarili. Ngunit nagsalita siya ng maaga. Dahil naninirahan sa paligid ng Ibalon ang ilang buwaya na may pakpak na nakakalipad, mga baboy ramong kasinglaki ng elepante at isang sawa na may ulo ng isang babae. Ngunit desidido si Baltog na makuha ang Ibalon para matirhan kaya nilabanan niya ang mga buwaya at mga baboy ramo ng buo niyang lakas. Dahil sa kanyang galing sa manomanong pakikipaglaban natalo niya lahat ng buwaya at baboy ramo, pinatay niya ito at pinagpirapiraso. Ngunit, ang sawa na may ulo ng babae ay nakatakas at humanap ng ibang matitirahan. Bumalik siya at ibinalita sa ama ang tungkol sa lupain na nakita niya para sa kanila. Hindi na sila nagsayang ng oras, si Baltog at ang kanyang ama at ang lahat ng mga mamamayan ay nilisan ang Samar papuntang Ibalon, ang kanilang bagong tahanan. Tinuruan nina Handiong at Baltog ang mga mamamayan ng ilang paraan upang magkaroon ng kabuhayan. At hindi nagtagal ay gumanda ang kanilang pamumuhay. Pinuno nila ang lupain at nagkaroon sila ng masaganang ani. Sa lupaing iyon ang gutom ay naging alaala na lamang ng nakaraan.
Pagsasa-Filipino sa Bikolanong Epikong “Ibalong” Isalaysay mo sa aming lahat, Kadungung,
Gayo’y awitan mo na kami ngayon;
ang makasaysayang panahon ni Handiong,
buong-atensyon kaming makikinig
Tugtugin mo sa iyong pilak na kudyapi
sa malambing mong awitin, habang nakaupo
ang mapang-akit na tamis ng Aslong.
rito sa lilim ng punong dao.
‘Pagkat ikaw lamang at wala nang iba
Ito ang agad na isinambit ni Kadungung:
ang makakakanta ng ganda at kariktan
Makinig kayo, mga kapwa anak ng Bikol
ng misteryong ngayo’y bumabalot
sa magiting na kasaysayan nitong
sa pinagpalang lugar na ito.
matagal nang kaharian ni haring Handiong.
Gayo’y awitan mo kami, ilahad mo ang kwento
Isang kaharian ang Bicol
ng magigiting na hari na nakipaglaban
na may matatabang lupain,
nang hindi natatakot maski sa ahas na si Oryol,
pinakamagandang kaloob ng kalikasan,
hanggang sa ito’y kanilang madaig.
marami ang ani, anuman ang itanim.
Ikuwento mo sa amin ang mga
Si Baltog ang unang bayaning
pakikipagsapalaran
nagpaunlad sa kahali-halinang lupaing ito.
ng matanda nang si Asog,
Buhat siya sa Botavara at dito na tumira;
ng bata pang si Masaraga,
siya ay nagmula sa lahi ng Lipod.
at ng nilulumot na sinaunang Isarog. Nainis siya sa kanyang pagdating sa Bicol, Sa lahat ng taong nakakaalam
pagkat isang gabi’y winasak ng isang mabangis
ng lawang pinaglibingan sa mabuting si Takay,
na baboy-ramo ang mga pananim niyang linsa;
ikaw ang mainam, malambing bumigkas
nagngangalit niya itong tinugis.
at nakabibihag sa puso ninoman.
Kalauna’y naabutan din ito ni Baltog,
katulad nito ang mga halimaw
dahil wala ang kaniyang sibat, ay sarili
na sila mismo’y di-maipaliwanag.
niyang makikisig na bisig ang kanyang ginamit upang lagutin ang panga nito.
Pagkatapos ay dumating na sa Bicol ang dakilang si Handiong, pati kanyang mga
May isang dipa ang bawat panga,
mandirigma, dala ang paninindigang sila
tila ba malalaking karit ang nakaliko
ang papaslang sa lahat ng mababangis ritong
nitong mga pangil, sangkatlo ng haba
halimaw.
ng matibay niyang sibat. Upang lipulin ang mga ito, Pagbalik sa kaniyang lupain
libong labanan ang nilahukan
ay isinabit niya ang malaking
ng tanyag na si Handiong
buto sa puno ng talisay sa Tondol
laban sa lahat ng mababangis.
upang mamasdan ng lahat. Nang kubkubin ng halimaw na may tatlong Nagsipag-awitan ang matatandang
lalamunan at isang mata ang sakahan
mangangaso, pinupuri ang magiting
ni Ponong, ay sampung buwang walang-patid
nilang haring Baltog. Dahil sa namasdang
silang sumalakay hanggang sa ito ay mamatay.
pangangasong nag-uwi pa ng tropeo. Mga de-pakpak na pating sa ilalim ng dagat, Dumating ang tribo ng Panikwason
mababangis at ligaw na kalabaw na
at Asog, minasdan ang walang-kaparis
nagdarabog at naninira sa kabundukan,
na dambuhalang baboy-ramong
lahat ito ay kaniyang pinaamo.
pinaslang ni Baltog. Lahat ng higanteng buwayang Tinawag nila itong Tandayag
sinlaki ng mga bangka, at
ng Burol Lingyon pagkat
ang mababagsik at mapanlinlang na Sarimao ay nagsipagtago sa Kulasi.
Ang mga serpyenteng may boses na
inaakalang ang boses ng mga sirena
mapang-aliping gaya ng sa mga sirena,
ay ang tinig ni Oryol.
sa malawak na yungib ng Hantik, sila ay habangpanahong nakabaon na.
Mismong ang tanyag na si Herkules, sa mga misyon niyang nagbigay
Subalit hindi niya madaig,
sa kanya ng lahat-lahat, ay tiyak na
sa kabila ng kanyang liksi’t talino,
mabibigo kung hadlangan ng gaya ni Oryol.
ang sawang ubod ng talas ang isip, ang pinakamailap sa lahat, si Oryol.
Nakakalito man, si Oryol mismo ay tumulong kay Handiong
Si Oryol ay mas maalam kaysa kay Handiong,
na labanan ang mga halimaw
ang kaniyang mga mata ay nakahuhumaling,
na namemeste sa Kabikulan.
tila ba masamyo itong kumikilos at mapang-akit na nanghahamak.
Sabay nilang ginapi ang mga higanteng buwaya.
Libong ulit siyang ginapos ni Handiong.
Matapos ang labanan,
Gamit ang walang-kapantay niyang talino,
ni isang galos wala sila.
si Oryol ay ngumingisi lamang at nangungutya habang kinakalagan ang sarili sa mga
Ang mga pongo at matsing na sa pangpang
pagkakatali.
ay nagmamasid, sa takot at pangamba ay nanginig;
Gamit ang matatamis na salita ay
pagkat ang dugo ng pinaslang na buwaya
paulit-ulit niyang nalinlang si Handiong.
ay ginawang pula ang Ilog Bikol.
Dahil dito siya ay binansagang Oryol, ang dakilang maestro sa panlilinlang.
Ang mga mapanggulong unggoy na kilala ng marami, ay lahat itinaboy
Mangilang-ulit, nang walang pahinga,
ng dakilang si Handiong patungo sa
hinalughog ni Handiong ang kagubatan,
sa gabundok na yungib sa Isarog.
Ngayong ligtas na ang paligid, wala nang
sa pagkabigla ng lahat, ay
halimaw na dapat patayin, ay lumikha
ipinagkaloob niya sa haring si Hadiong.
si Handiong ng mas mabubuting batas na aayon sa mga interes ng kaniyang nasasakupan.
At ang mga paso, koron, kalan, at iba-iba pang mga kagamitan
Sa pamumuno ni Handiong ay nagtanim
naman, ay ginawa ng unanong
sila ng mga linsa sa mga burol.
tinatawag na Dinahong.
Na naglikha ng malalamang lamang-lupang sinlalaki ng mga pansol.
Matagumpay na inukit ni Sural sa bato ang naiibang sulating
At maging sa kapatagan, sila ay
natagpuan nila sa Libon. Ito
naghasik ng malalagong tipo ng palay.
naman ay kalaunang kininis ni Gapon.
Na pagkalipas ng ilang siglo ay kinilala bilang Hinandyong.
Nagatayo sila ng mga bahay na may sari-saring laki.
Si Handiong ang unang gumawa ng bangkang
At pinutol ang mga delikadong
may kakayahang tumawid sa Ilog Bikol.
sanga ng banasi at kamagong.
Maliban sa timon at mga sagwan nito na si Kimantong ang may-likha.
Sa dami ng insektong umaaligid at sa nakapapasong init ng araw,
Bukod dito’y si Kimantong din ang kumatha
ay wala silang ibang tanggulan
sa araro, sa suyod, sa pamungkal ng lupa,
kundi sa loob ng muog.
sa ganta, maging sa iba pang mga panukat, sa bolo, sa asarol, at sa pamatok sa kalabaw.
Patas ang patakaran ni Handiong: Upang pangalagaan kanilang buhay at ngalan,
Sabi nila’y ang panghabing
ang lahat ng tao ay pantay sa batas,
pinaghirapang gawain ni Hablom,
walang pinapaburan, walang idinidiin.
Sa posisyong kanya’y ikinaloob
kaya’t hindi na nasakuna pa ang Ponong,
sa mga alipin at nangangalipin,
kung saan lumulubog ang araw.
paggalang sa lahat ng tao ang pamana niya’t tagubilin.
May malaking bundok ang lumubog sa Bato, na nagbunga ng lawa ng tubig
At may dumating na pagbaha,
na ngayon ay pinagkukunan ng mga
dala ng pwersa ng sinaunang Onos.
taga-Ibalong ng makakaing isda.
Kaya naman, ang itsura ng lupain ay nagabagong walang-duda.
Mula sa look ng Kalabangan, naubos ang mga Dagatnong,
Ang mga bulkang Hantik, Kulasi,
dito naman nagmula ang mga Dumagat
at Isarog ay nagsipagbuga ng apoy.
na nanirahan sa Kotmong.
Kasabay nito ay naramdaman ang matinding pagyanig ng buong kalupaan.
Kalaunan ang kahariang ito ay yumabong hanggang sa panahon ng batang si Bantong,
Sa tindi ng paglindol
isang tapat na kaagapay ng pagod
pati dagat ay nagalaw,
at matanda nang si Handiong.
nagbunga ng tangway sa Pasacao ngayo’y matatanaw.
Pinagkalooban siya ng isang libong mandirigma upang paslangin si Rabot,
Ang napunit na bahagi ng lupain
na kalahating tao, kalahating halimaw,
ay bumuo sa isla ng Malbogong,
manlilinlang na salot sa kanilang bayan.
na pinaninirhan ng dalawang aswang nagngangalang Hilang at Laaryong.
Lahat ng matatapang ay naglakbay; pagkalapit ng ilan sa lungga ni Rabot,
Bumaha sa lugar ng Inarihan
sila’y naging bato kaagad dala ng
ngunit natigil ang pag-agos nito,
makapangyarihang salamangka nito.
Napansin ng matalinong si Bantong
Dinala sa Ligmanan ang bangkay ni Rabot
na si Rabot ay mahimbing matulog.
at nakita ito ng magiting na si Handiong
Wala man lamang kaunting pag-iingat,
hindi siya makapaniwala, gitlang-gitla;
siya’y ganitog matulog buong araw.
emosyong matagal na niyang nailalabas.
Kaya’t isang araw habang mataas ang baha,
‘Pagkat wala pa ritong nakikitang
ay nagtungo nga siya sa lungga
mas nakadidiring nilalang si Handiong;
at bago pa man magising at bumangon
kalagim-lagim ang itsura pati
itong si Rabot, ay pinugutan siya ni Bantong.
ang ungol nitong dumadagundong.
Paglabas ni Bantong ay dumagundong
At dito na huminto si Kadungung.
ang sigawan ng kanyang mga tauhan
Sa unang kabanata ng kanilang kasaysayan;
umalingawngaw ito sa mga bunga,
iniwang bukas ang daan para sa pagpapatuloy
at hanggang sa mga kamagong din.
nito, na darating sa susunod pang panahon.
Salaysay ni Pari Jose Castaño sa narinig niyang kuwento ng isang manlalakbay na mangaawit na si Cadugnong, ang epikong Ibalon ay tungkol sa kabayanihan ng tatlong magigiting na lalaki ng Ibalon na sina Baltog, Handiong, at Bantong. Ibalon ang matandang pangalan ng Bikol. Si Baltog ay nakarating sa lupain ng Ibalon dahil sa pagtugis niya sa isang malaking baboyramo. Siya'y nanggaling pa sa lupain ng Batawara. Mayaman ang lupain ng Ibalon at doon na siya nanirahan. Siya ang kinilalang hari ng Ibalon. Naging maunlad ang pamumuhay ng mga tao. Subalit may muling kinatakutan ang mga tao, isang malaki at mapaminsalang baboy-ramo na tuwing sumasapit ang gabi ay namiminsala ng mga pananim. Si Baltog ay matanda na upang makilaban. Tinulungan siya ng kanyang kaibigang si Handiong. Pinamunuan ni Handiong ang mga lalaki ng Ibalon upang kanilang lipulin ang mga dambuhalang buwaya, mababangis na tamaraw at lumilipad na mga pating at mga halimaw na kumakain ng tao. Napatay nila ang mga ito maliban sa isang engkantadang nakapagaanyong magandang dalaga na may matamis na tinig. Ito ay si Oriol. Tumulong si Oriol sa paglipol ng iba pang mga masasamang hayop sa Ibalon. Naging payapa ang Ibalon. Ang mga tao ay umunlad. Tinuruan niya ang mga tao ng maayos na pagsasaka. Ang mga piling tauhan ni Handiong ay tumulong sa kanyang pamamahala at pagtuturo sa mga tao ng maraming bagay. Ang sistema ng pagsulat ay itinuro ni Sural. Itinuro ni Dinahong Pandak ang paggawa ng palayok na Iluad at ng iba pang kagamitan sa pagluluto. Si Hablon naman ay nagturo sa mga tao ng paghabi ng tela. Si Ginantong ay gumawa ng kauna-unahang bangka, ng araro, itak at iba pang kasangkapan sa bahay. Naging lalong maunlad at masagana ang Ibalon. Subalit may isang halimaw na namang sumipot. Ito ay kalahating tao at kalahating hayop. Siya si Rabut. Nagagawa niyang bato ang mga tao o hayop na kanyang maengkanto. May nagtangkang pumatay sa kanya subalit sinamang palad na naging bato. Nabalitaan ito ni Bantong at inihandog niya ang sarili kay Handiong upang siyang pumatay kay Rabut. Nalaman ni Bantong na sa araw ay tulog na tulog si Rabut. Kaniya itong pinatay habang natutulog. Nagalit ang Diyos sa ginawang pataksil na pagpatay kay Rabut. Diumano, masama man si Rabut, dapat ay binigyan ng pagkakataong magtanggol sa sarili nito. Pinarusahan ng Diyos ang Ibalon sa pamamagitan ng isang napakalaking baha. Nasira ang mga bahay at pananim. Nalunod ang maraming tao. Nakaligtas lamang ang ilang nakaakyat sa taluktok ng matataas na bundok. Nang kumati ang tubig, iba na ang anyo ng Ibalon. Nagpanibagong buhay ang mga tao ngayon ay sa pamumuno ni Bantong.