La Liga Filipina, La Solidaridad, Propaganda, Circulo-Hispano Filipino
assignmentFull description
POSITIVE KATANGIAN NI RIZAL
Full description
Festivals in the philippinesFull description
kalamidadFull description
assignment
mga problema sa laboratoryo thesisFull description
One of the best choir music sheets.Full description
Filipino 9 (aralin 1.2)Full description
ChordsFull description
Full description
Full description
ILANG MGA BATAS SA KODIGO NI KALANTIAW
1. Bawal pumatay, bawal magnakaw, bawal manakit ng matatanda. Ang hindi makasusunod ay itatali sa bato at lulunurin sa ilog o sa kumukulong tubig. 2. Kailangan magbayad ng utang sa tamang oras. Ang hindi makasusunod sa unang pagkakataon ay lalatiguhin ng isang daang beses. At kung ang pagkakautang ay malaki, ilulublob ang kanyang kamay sa kumukulong tubig ng tatlong beses. At kung hindi talaga makababayad ay bubugbugin hanggang sa mamatay. 3. Walang sinuman ang maaaring magkaroon ng asawang napakabata. Hindi rin dapat mag-asawang higit sa kayang tustusan. Ang lalabag sa unang pagkakataon ay kailangan lumangoy ng tatlong oras at sa ikalawa, lalatiguhin ng may tinik hanggang mamatay. 4. Bawal gambalain ang katahimikan ng mga namatay. Dapat silang igalang habang dumadaan sa kuweba o puno kung nasaan sila. Ang hindi makakasusunod ay ipapakagat sa langgam o lalatiguhin ng may tinik hanggang mamatay. 5. Ang pagpapalitan ng pagkain dapat ay patas at matapat. Ang hindi tumupad ay lalatiguhin ng isang oras. Ang umulit sa di pagtupad ay ipapakagat sa langgam sa loob ng isang araw. 6. Dapat sambahin ang kagalang-galang na lugar at ang mga puno. Ang hindi makasusunod sa unang pagkakataon ay magbabayad ng ginto katumbas ng isang buwang pagtatrabaho at sa ikalawa ay ituturing na siyang alipin. 7. Ang puputol sa puno na dapat igalang, ang papatay sa matatanda, matatanda, ang papasok sa bahay ng pinuno ng walang permiso, at ang papatay sa isda, pating at buwaya ay dapat mamatay. 8. Ang may-ari ng aso na kakagat sa pinuno, ang susunog sa araruhan ng iba, at ang magnanakaw sa babae ng pinuno ay magiging alipin sa loob ng ilang panahon.
9. Ang mga kumakanta habang nagtratrabaho sa gabi, ang pumatay sa ibong manaul, ang pumunit ng dokumento ng pinuno, mga sinungaling at ang mga naglalaro ng patay ay dapat mamatay.