Kaligirang Pangkasaysayan ng Balagtasan Ang Balagtasan ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtula. Nakilala ito noong panahon na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng Amerika, batay sa mga lumang tradisyon ng patulang pagtatalo gaya ng Karagatan, Batutian at Duplo. Bago pa man masakop ng mga dayuhan ang ating bansa mayaman na sa tradisyong tulang sagutan sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas. May tinatawag na patulang Balitao ang Aklanon maging ang Cebuano, isang biglaang debate ng lalake at babae. Sagutan naman ng kinatawan o sugo ng dalawang pamilyang nakikipagnegosasyon sa pagiisang dibdib ng dalaga at binata ang Siday ng mga Ilonggo at Pamalaye ng mga Cebuano. Sa mga Subanen naman ay sa inuman isinasagawa ang sagutan. Ang unang bahagi ng ganitong gawain ay pagtikim ng alak kung saan nalalaman ang papel na gagampanan ng bawat isa, ang mga tuntunin at iba pang bagay na dapat isaalangalang. Ang Balagtasan ay isang makabagong duplo. Ang mga kasali sa duplo ay gumaganap na nasa isang korte na sumisiyasat sa kaso ng isang hari na nawala ang paboritong ibon o singsing. May gumaganap na piskal o tagausig, isang akusado,at abogado. Ito ay magiging debate o sinasabing tagisan ng katuwiran sa panig ng taga-usig at tagapagtanggol at maaaring paiba-iba ang paksa. Bagamat ito ay lumalabas na debate sa pamamaraang patula, layunin rin nito na magbigay-aliw sa pamamagitan ng paghahalo ng katatawanan, talas ng isip, na may kasamang mga aktor sa isang dula. Ang Balagtasan ay ginamit ng mga manunulat upang maipahiwatig ang kanilang palagay sa aspetong politika at napapanahong mga pangyayari at usapan. Nabuo ang konseptong ito sa isang pagpupulong. Ang nangungunang mga manunulat noong Marso 28, 1924, sa tanggapan ni Rosa Sevilla sa Instituto de Mujeres (Women's Institute), Tondo, Maynila. Ito ay naganap bilang paghahanda sa pagdiriwang ng kaarawan ng dakilang makata na si Francisco Balagtas o Araw ni Balagtas sa darating na Abril 2. Iminungkahi ni G. Jose Sevilla na tawagin itong Balagtas. Hinunlapiang “an” ang pangalan kaya naging Balagtasan na ang tawag dito. Ang unang Balagtasan ay nangyari noong Abril 6, 1924. Tatlong pares ng makata ang nagtalo na gumamit ng iskrip. Ang pinakamagaling sa mga nagbalagtasan ay sina José Corazón de Jesús at Florentino Collantes, kaya naisipan ng mga bumuo na magkaroon ng isa pang Balagtasan para sa dalawang kagalang-galang na makatang ito, na walang iskrip. Ginawa ito noong Oktubre 18, 1925 sa Olympic Stadium sa Maynila. Si Jose Corazon De Jesus ang nagwagi bilang unang Hari ng Balagtasan.Nakilala si Jose Corazon de Jesus bilang si "Huseng Batute" dahilan sa kaniyang angking kahusayan sa Balagtasan noong 1920. Mula noon hanggang ilang taong makalipas ang Ika-2 Digmaang Pandaigdig, naging paboritong aliwan ang Balagtasan. Gumawa pati ang mga makata sa ibang mga wika sa Pilipinas ng sarili nilang bersyon, gaya ng Bukanegan ng mga Ilokano (mula sa apelyido ng makatang Ilokanong si Pedro Bukaneg at ng Crisostan ng mga Pampango (mula sa pangalan ng Pampangong makata na si Juan Crisostomo Soto). Sa pagdating ng mga Amerikano sa bansa sumulpot ang mga samahang pampanitikang nakabatay sa paaralan kung hindi magkakaroon ng pagkakatong mapabilang sa mga samahang pampanitikan. Ang Balagtasan ay karaniwang may mga paksang pinag-uusapan ng tatlo katao. Ang mga kalahok ay inaasahang magaling sa pag-alala ng mga tulang mahahaba at pagbigkas nito ng may dating (con todo forma) sa publiko. Ang takbo ng tula ay magiging labanan ng opinyon ng bawat panig ( Mambabalagtas). May mga hurado na magsisiyasat kung sino sa kanila ang panalo o ang mas may makabuluhang pangangatuwiran.
PANITIKAN SA PANAHON NG AMERIKANO KALIGIRANG KASAYSAYAN
Ang mga Pilipinong mapanghimagsik ay nagwagi laban sa mga Kastila na sumakop sa atin nang higit sa tatlong daang taon. Naiwagayway ang ating bandila noong ika-12 ng Hunyo 1898, tanda ng pagkakaroon natin ng kalayaan.Nahirang si Hen. Emilio Aguinaldo noon bilang unang pangulo ng Republika ng Pilipinas, subalit ang kalagayang ito’y naging panandalian lamang sapagka t biglang lumusob ang mga Amerikano. Nagkaroon ng digmaang Pilipino-Amerikano na siyang naging sanhi ng pagsuko ni Hen. Miguel Malvar noong 1903. Gayun pa man, ang kilusang pangkapayapaa n ay nagsimula noong pang 1900. MGA KATANGIAN NG PANITIKAN
1. Hangaring makamit ang kalayaan 2. Marubdob na pagmamahal sa bayan
3. Pagtutol sa kolonyalismo at imperialismo DIWANG NANAIG
1. Nasyonalismo 2. Kalayaan sa pagpapahayag 3. Paglawak ng karanasan 4. Paghanap at paggamit ng bagong pamamaraan MGA IMPLUWENSYA SA PANANAKOP NG MGA AMERIKANO
1. Pagpapatayo ng mga paaralan 2. Binago ang sistema ng edukasyon 3. Pinaunlad ang kalusugan at kalinisan 4. Ipinagamit ang wikang Ingles 5. Pagpapalahok sa mga Pilipino sa pamamalakad ng pamahalaan 6. Kalayaan sa pagpapahayag na may hangganan MGA PAHAYAGAN SA PANAHON NG AMERIKANO
1. EL GRITO DEL PUEBLO (Ang Sigaw/Tinig ng Bayan) itinatag ni Pa scual Poblete noong 1900 2. EL NUEVO DIA (Ang Bagong Araw) itinatag ni Sergio Osmena noong 1900 3. EL RENACIMIENTO (Muling Pagsilang) itinatag ni Rafael Palma noong 190 0 4. Manila Daily Bulletin-1900 3 PANGKAT NG MGA MANUNULAT
1. Maka-Kastila 2. Maka-Ingles 3. Maka-Tagalog MGA DULANG IPINATIGIL
1. KAHAPON, NGAYON AT BUKAS – sinulat ni Aurelio Tolentino 2. TANIKALANG GINTO- ni Juan Abad 3. MALAYA –ni Tomas Remegio 4. WALANG SUGAT – ni Severino Reyes PANITIKAN SA KASTILA
1. CECILIO APOSTOL- may pinakamabuting tulang papuri kay Jose Rizal ; OBRA-MAESTRA- A Rizal 2. FERNANDO MA. GUERRERO- unang hari ng panulaan sa Kastila; OBRA-MAESTRA-Crisalidas (Mga Higad) 3. JESUS BALMORI – “Batikuling”; OBRA -MAESTRA- El Recuerdo y el Olvido; nahirang siyang “poeta laureado” sa wikang Kastila 4. MANUEL BERNABE- makatang liriko 5. CLARO M. RECTO-Obra-maestra-BAJO LOS COCOTEROS ( Sa Lilim ng Niyugan) 6. TRINIDAD PARDO DE TAVERA- ang nagpasok ng titik W at K sa abakadang Pilipino IBA PANG MANUNULAT SA WIKANG KASTILA
1. ADELINA GURREA – kauna-unahang makatang babae sa Pilipinas na magaling sa Kastila; Obra-maestra- EL NIDO 2. ISIDRO MARPORI –obra-maestra-AROMAS DEL ENSUENO ( Halimuyak ng Pangarap) 3. MACARIO ADRIATICO –obra-maestra- alamat”LA PUNTA DE SALTO ( Ang Pook na Pamulaan ) 4. EFIFANIO DELOS SANTOS- nakilala sa tawag na DON PANYONG; kilala bilang mahusay na mananalambuhay 5. PEDRO AUNARIO –sumulat ng DECALOGO DEL PROTOCIONISMO PANITIKAN SA TAGALOG
= Ang “FLORANTE AT LAURA” ni Francisco Balagtas at “URBANA AT FELIZA”ni Modesto de Castro ang naging inspirasyon naman ng mga manunulat sa Tagalog = Inuri ni Julian Balmaceda sa tatlo (3) ang mga makatang Tagalog. Narito ang mga sumusunod: = MAKATA NG PUSO : Lope K. Santos; Inigo Ed Regalado;Carlos Gatmaitan; Pedro Gatmaitan; Jose Corazon de Jesus; Cirio H. Panganiban; Deogracias A. Rosario; Ildefonso Santos; Amado V. Hernandez; Nemecio Carabana; Mar Antonio
=MAKATA NG BUHAY :
Lope K. Santos; Jose Corazon de Jesus; Florentino Collantes; Patricio Mariano; Carlos Gatmaitan; Amado V.
Hernandez =MAKATA NG DULAAN : Aurelio Tolentino; Patricio Mariano,
Severino Reyes; Tomas Remegio LOPE K. SANTOS – Ama ng Balarilang Tagalog; OBRA-MAESTRA-Banaag at Sikat JOSE CORAZON DE JESUS- Huseng Batute; OBRA-MAESTRA-Isang Punungkahoy FLORENTINO COLLANTES- Kuntil Butil; OBRA-MAESTRA- Lumang Simbahan AMADO V. HERNANDEZ- Makata ng mga Manggagawa; MGA OBRA-MAESTRA- Isang Dipang Langit;Mga Ibong Mandaragit; Luha ng Buwaya; Bayang Malaya; Ang Panday VALERIANO HERNANDEZ-PENA- Tandang Anong at Kintin Kulirat; OBRA-MAESTRA- Nena at Neneng
INIGO ED REGALADO – Odalager; OBRA-MAESTRA-Damdamin ANG DULANG TAGALOG
SEVERINO REYES – Lola Basyang; Ama ng Dulang Tagalog; OBRA-MAESTRA- W alang Sugat AURELIO TOLENTINO – ipinagmamalaking mandudula ng Kapampangan; OBRA-MAESTRA- Luhang Tagalog at Kahapon, Ngayon at Bukas HERMOGENES ILAGAN- nagtayo ng samahang “COMPANA ILAGAN” na nagtanghal ng maraming dula sa kalagitnaang Luzon PATRICIO MARIANO- sumulat ng “NINAY” at “ANAK NG DAGAT” na siya niyang OBRA -MAESTRA JULIAN CRUZ-BALMACEDA- “Bunganga ng Pating” ang siya niyang OBRA -MAESTRA PANITIKANG FILIPINO SA INGLES
JOSE GARCIA VILLA – “Doveglion”; pinakatanyag na Pilipinong manunulat sa Ingles JORGE BACOBO – sinulat-”Filipino Contact with America”; A Vision of B eauty ZOILO GALANG – sumulat ng kauna- unahang nobelang Pilipino sa wikang Ingles na pinamagatang “A Child of Sorrow” ZULUETA DE COSTA- nagkamit ng unang gantimpala sa tulang “Like the Molave” NVM GONZALES- may- akda ng “My Islands” at “Children of the Ash Covered Loom”. Ang huli ay isinalin sa iba’t ibang wika sa India *ANGELA MANALANG GLORIA- umakda ng “April Morning”; nakilala sa pagsulat ng mga tulang liriko noong panahon ng Komomwelt ESTRELLA ALFON – ipinalalagay na pinakapangunahing manunulat na babae sa Ingles bago magkadigma. Sinulat niya ang “MAGNIFICENCE” at “GRAY CONFETTI” ARTURO ROTOR – may-akda ng “THE WOUND AND THE SCAR” -kauna-unahang aklat na nalimbag sa Philippine Book Guild IBA PANG PANITIKAN
PEDRO BUKANEG- Ama ng Panitikang Iloko; Bukanegan-kasingkahulugan ng Balagtasan *CLARO CALUYA- Prinsipe ng mga Makatang Iloko; kilala sa pagiging makata at nobelista *LEON PICHAY – kinilala bilang “pinakamabuting BUKANEGERO” *JUAN CRISOSTOMO SOTO- Ama ng Panitikang Kapampangan; Crisostan-kasingkahulugan ng Balagtasan *ERIBERTO GUMBAN-Ama ng panitikang Bisaya