KAREN THERESE G. REMOCALDO PF 4001 PANG- AKADEMIKONG PAGSULAT
GERALDINE C. REBAMONTE 12:00 P.M – 3:00 P.M/ SABADO
KATITIKAN NG IKALAWANG PULONG NG PARENTS TEACHERS ASSOCIATION (PTA) NG PAARALAN NG TAL-UT NATIONAL HIGH SCHOOL
,
Ika-19 ng setyembre, 2017
Ika- 3 ng hapon
Sa Covered Court ng Tal-ut National High School
Dumalo:
Kgg. Bonifacio Yam-id - Kagawad
Kgg. Judith Bacus - Ingat-yaman ng Brgy. ng Valencia, Carcar City
G. Jekell L. Dela Cerna - Punung- guro ng Tal-ut NHS
G. Ruben S. Duterte - Guro
G. Johnrey M. Rafols - Guro
G. Jurren B. Lacson - Guro
Gng. Ma. Estrella S. Bernabe - Guro
Gng. Angeline D. Amistad - Guro
Gng. Shiela Marie C. Labra - Guro
Gng. Karen Therese G. Remocaldo - Guro
Gng. Jonave A. Manayaga - Guro
Opisyales ng PTA General
Mga Magulang mula sa Ikapitong-Baitang
hanggang Ika-sampung- Baitang
Di Dumalo
Kgg. Bienvinido Lauronilla - Education Committee ng Brgy. ng Valencia
Panukalang Adyenda
Palarong Panlungsod 2017
Kabkaban Festival 2017
Pagsisimula ng Pulong
Ang pagpupulong ay itinayo ni G. Jekell L. Dela Cerna, ang Punung-guro ng TNHS sa ganap na ika-3:00 ng hapon, at ito ay pinasimulan sa pamamagitan ng isang panalangin (audio) at pag-awit ng Carcar City Hymn (audio). Kasunod ay ang roll-call na isinagawa ni G. Dela Cerna, at matapos ay ipinahayag na mayroong quorum.
Pagbasa sa Nakaraang Pagpupulong
Nagpatuloy ang pagpupulong sa pagbasa ni Gng. Karen Therese Remocaldo ang Kalihim ng Faculty ng TNHS ng katitikan sa nakaraang pagpupulong noong Hunyo 21, 2017. Iniulat niya ang tungkol sa mga tuntunin sa paaralan lalo na para sa mga transferee at bagong mag-aaral. Binasa rin niya ang mga bagong opisyales ng PTA.
Pagpapatibay ng Panukalang Adyenda
Binuksan ang pagpupulong sa maikling mensahe ni G. Jekell L. Dela Cerna sa kahalagahan ng pagkakaisa ng mga magulang at opisyales ng Barangay para sa kaunlaran ng paaralan.
Nagbigay rin ng kanilang mensahe anng mga kagawad na sina Hon. Bonifacio Yam-id at Hon. Judith Bacus sa magandang maibubunga ng pag suporta ng mga magulang sa kanilang mga anak sa mga iba't ibang gawain ng paaralan.
Sinimulan ni Gng. Remocaldo ang unang adyenda- Palarong Panlungsod 2017. Ipinaalam niya sa mga magulang na ang Tal-ut NHS ay sasali sa Palarong Panlungsod ngayong Setyembre 28, 2017 hanggang Oktubre 1, 2017. Sa panghuling araw ng gawain ay magkakaroon ng Mr. and Ms. Palarong Panlungsod na lalahukan nina Jevy Christy Java at James Brian Banag kapwa mag-aaral sa TNHS. Ang nasabing contest ay hindi madali sapagkat nangangailangan ng malaking halaga para sa kanilang kasuotan, make-up, trainor at transportasyon. Nangangailangn ng 6,000 pesos (package). Ipinaliwanag ni Mrs. Remocaldo na ang paaralan ay wala nang badyet sapagkat ginastos na rin sa iba pang sasalihang laro. Ang Pangulo ng PTA na si Gng Marieta Lauron, ay nanguna sa paghingi ng suhestiyon sa mga magulang sa nasabing problema. Nagkaroon ng iba't ibang suhestiyon ang mga magulang at sa huli ay niminunghaki nilang hahatiin ang pera sa bilang ng mga mag-aaral.
Narito ang resulta
6000 Php (package- costumes, make-up, trainors fee, transpo)
262 bilang ng mag-aaral
= 23.00 bawat bata ang ibabayad
Sa Lunes, Setyembre 25, 2017 ang deadline.
Kabkaban Festival 2017- Sumunod ay ang pagbanggit ni G. Ruben S. Duterte sa darating na Kabkaban Festival ngayong Nobyembre 19, 2017 para sa kapistahan ng lungsod ng Carcar. Inanyayahan ang paaralan na sumali, at maganda sanang lumahok sapagkat mararanasan ng mga mag-aaral sa unang pagkakataon ang makasali sa nasabing malaking festival, at malilinang ang kanilang kasanayan sa pagsasayaw. Ngunit dagdag pa ni G. Duterte na kaakibat ng malaking responsibilida ang gawaing ito sapagkat nangangailangan ng suporta ng magulang at barangay lalung-lalo na na kunti lang ang pwersa ng mga guro. Isa pang suliranin ay ang badyet na gagamitin. Maglalaan ang City Hall ng pera (150,000 pesos) na ilalaan sa costumes, props, pagkain at iba pa ngunit maaaring kulangin ang pera at kinakailangan ang tulong ng magulang at Barangay.
Hiningan ni G. Duterte ng opinion at suhestiyon ang mga magulang kung sang-ayon ba sila sa pagsali ng paaralan. Maraming magulang ang may gusto.
Nagpahayag naman si Kgg. Judith Bacus na sana ang lahat ng opisyales ng barangay ay tumulong at magkaisa kahit na magkaiba ang partidong sinusuportahan dahil ang barangay ang may malaking papel sa gawaing ito. Sabi pa niya na kung kinakailangan bumunot sila ng pera sa kanilang bulsa ay gagawin nila. Dala ng mga bata sa kanilang pagsali ang pangalan ng Barangay Valencia kaya nararapat na magkaisa sila.
Sinabi ni G. Duterte na hindi pa pinalang pagsali ng paaralan, ngunit sana ay maging possible.
Pupunta si G. Dela Cerna at Kgg. Boni Yam-id sa konseho upang sabihin na lalahok ang paaralan ng Tal-ut sa Kabkaban Festival.
Magkakaroon din pagpupulong ang barangay ng Valencia kaugnay nito, at iminungkahi ng Kgg. Bacus na dumalo ang mga magulang para madinig nila ang plano ng mga opisyales ng Barangay.
Tatawag ng sunod na meeting ang paaralan kaugnay sa Kabkaban Festival.
Iba Pang Pinag-usapan
-Magkakaroon ng SMEA Conference ngayong Setyembre 21, 2017. Kalahok nito ay mga PTA Officers, LGU's, guro at SSG Officers.
Iskedyul ng Susunod na Pulong
Wala pang petsa.
Pagtatapos ng Pulong
Natapos ang pagpupulong sa ganap na 4:30 ng Hapon.
Inihanda ni:
KAREN THERESE G. REMOCALDO
Kalihim- Teacher I
Nagpatotoo:
MARIETA C. LAURON
PTA President
Inaprubahan ni:
JEKELL L. DELA CERNA
Punung-guro
KAREN THERESE G. REMOCALDO PF 4001 PANG- AKADEMIKONG PAGSULAT
GERALDINE C. REBAMONTE 12:00 P.M – 3:00 P.M/ SABADO
POSISYONG PAPEL SA EXTRA JUDICIAL KILLING SA PILIPINAS
KUNG BIBIGYAN NG NARARAPAT NA BIGAT ANG KAPAKANAN NG ATING BAYAN BILANG ISANG KABUUAN, ANG KARAPATANG PANTAO AY PARA LAMANG SA MGA MAMAMAYANG IGINAGALANG AT IIPINAGTATANGGOL ANG KARAPATAN NG KANILANG KAPWA MAMAMAYAN.
Mula nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte, naging bukas siya sa pagdedeklara ng giyera kontra druga. Sa simula rin ng kanyang pag-upo, naitala ng Investigative and Research Group ang 1,800 kaso ng extra judicial killings kabilang na ang engkwentro ng mga pulis. Samantalang 1.3 milyon ang naitalang sangkot sa illegal na druga katulad ng shabu, marijuana at inhalants. Ayon naman sa Dangerous Drug Boards, nasa 20 hanggang 29 ang karaniwang edad ng mga kasangkot na drug user o pusher.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at Commision on Human Rights o CHR tungkol sa mga patuloy na nangyayaring patayan araw-araw sa iba't ibang lugar sa bansa. Ang ibang bansa ay nanghimasok na rin at nagpahayag ng kani-kanilang saloobin. Marami ang hindi sang-ayon ngunit mayroon ding natutuwa dahil kung hindi daw daanin sa marahas na paraan ay walang makikitang pagbabago sa patuloy na paglala ng problema sa druga. Ngunit hindi maikakaila na sa bawat putukan ay may mga inosenteng nadadamay kabilang na ang mga bata o kaya'y mga kabataan.
Marami ang kumukundena sa pangyayaring ito dahil hindi umano dumadaan sa paglilitis o due process ngunit ayon kay Senador Allan Peter Cayetano, "Ang giyera laban sa illegal na droga ay hindi giyera laban sa buhay ng tao, kundi giyera para sa buhay ng bawat Pilipino. Hindi rin ito giyera laban sa karapatang pantao, kundi giyera para protektahan ang karapatang pantao para masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng pamilyang Pilipino."
Para sa akin ang ginawang ito ng gobyerno ay patunay lamang ng walang alinlangan ni Pang. Duterte na tuparin ang kanyang pangako na protektahan ang karapatang pantao ng bawat Pilipino na makaramdam ng seguridad laban sa mga masasamang tao lalo na ang mga lulong sa druga.Sa mga balita sa telebisyon ay hindi nawawala ang insidente ng murder at homicide araw-araw, at mula sa mga imbestigasyon lumalabas na ang susupek ay sabog sa ipinagbabawal na gamut kaya niya nagawa ang nasabing krimen. Mga inosente ang nabibiktima ng mga kriminal at durugista. Sa pag-upo ni Pangulong Duterte malaking pagbabago ang nangyayari , na mas pinatatag niya ang batas na tumutugis sa masasamang loob. Malaki ang naging pakinabang nito sa buhay ng mga Pilipino lalo na sa mga naging biktima at naghahangad ng hustisya.
Sa kabilang banda, patuloy ni kinaladkad ng mga tao ang umanoy "extra judicial killing" ng Pangulo, na dahilan upang magkaroon ng pagdududa sa kampanya ng pamahalaan. Pinaratangan ng karamihan ang pangulo na siya daw ang maylikha nito na nagdudulot ng mga negatibong epekto sa reputasyon ng Pilipinas sa ibang bansa. Ngunit nasa aking isipan pa rin ang katanungan na sino ba ang mga vigilanteng ito na nagtatakip ng mukha at patuloy na pumapatay araw-araw sa mg durugista? Mas basbas ba sila ng nasa pamahalaan? Sila ba ay mamamayang gusting tumulong sa pagpuksa sa mga masasamang elemento? Sila ay kabilang ng mga sindikatong kinabibilangan ng mga bawat pinapatay upang hindi na makapagsalita? O pakana ng iilan upang sirain ang plano ng pangulo? Patuloy na sinisisi ng nakararami ang administrasyon ni Pang. Rodrigo ukol dito ngunit patuloy siya sa pagsugpo ng malalang suliranin ng druga sa Pilipinas at kahit pa man sa mga batikos lumalabas na 91% pa rin ang may tiwala sa pamunuan niya.
Bilang isang mamamayang Pilipino, isa ako sa patuloy na sumusuporta sa ating pangulo ay pabor ako sa labanang itoang War on Drugs sapagkat marahil ngayon ay nararamdaman ng mga mamamayan ang pagkilos upang matuldukan na ang seryosong problema sa druga. Nagkakaroon tayo ng pag-asa na masolusyunan ang problemang ito na napabayaan lang at mas lumala pa sa mga nagdaang administrasyon. Kung hindi ito gagawin ng pangulo, ano ang mangyayari sa mga batang ginagahasa o kaya'y pinapatay? ano ang magiging kinbukasan ng mga kabataang ginagawang asset sa pagbibinta ng druga, sa mga pamilyang nawawaan ng mahal sa buhay dahil napagdiskitahan ng durugista? Kung hindi aakyon ang pangulo, patuloy na maghahasik ang mga nasa kanilang posisyon sa gobyerno na gumawa ng mali at magpayaman ng sobra mula sa pagbebenta ng druga. Ang mga nasa bilangguan ay imbes magbago, pinagpatuloy pa rin ang masamang gawain sa loob ng selda, mga pulis na sangkot din sa ipinagbabawal na gamot.Tiwala ako na unti-unting magagawa ng pangulo ang kanyang ipinangako ukol sa War on Drugs at mababawasan na rin ang mga kriminal at possible na matakot na ang iba at tumigil sa paggawa ng masama at magbagong buhay.
Sa kabuuan, huwag sanang abusuhin ng mga nasa posisyon ang kanilang kapangyarihan, dumaan sana sa maayos na proseso upang walang inosenteng madadamay at sana bigyang tuon din ang mga drug lords na ptuloy sa kanilang negosyo, hindi lang ang mga drug addicts.Nararapat na gawin pa rin ang tama sa maka-Diyos at maka-Taong paraan.
KAREN THERESE G. REMOCALDO PF 4001 PANG- AKADEMIKONG PAGSULAT
GERALDINE C. REBAMONTE 12:00 P.M – 3:00 P.M/ SABADO
ABSTRAK
MGA KASANAYAN SA PAGBASA SA FILIPINO II NG MGA MAG-AARAL SA OCAÑA NATIONAL HIGH SCHOOL
Layunin ng pag-aaral na na malaman ang mga kasanyan sa pagbasa sa Filipino II ng mga mag-aaral sa Ocaña National High School na kinakitaan ng kahinaan o kakulangan sa mga kasanayan sa pagbasang may pag-unawa. Tinitiyak sa pag-aaral ang kasagutan sa mga sumusunod: ang profile ng mga mag-aaral batay sa mga sumusunod na salik: gulang, kasarian, gaabo kadalas magbasa sa isang araw at uri ng babasahin. Sa aling kasanayan mahusay ang mag-aaral na babae at lalake batay sa sumusunod na kasanayan: pagkuha ng pangunahin at mga kaugnay na detalye, pagbuo ng hinuha o palagay, pagkuha ng pagdama sa estilo o tonong ginamit ng may-akda o manunulat sa pagsulat, makilala ang pamaksang pangungusap at makapagbigay ng konklusyon. Sa aling kasanayan mahina ang mga mag-aaral na babae at lalake batay sa mga sumusunod na kasanayan: pagkuha ng pangunahin at mga kaugnay na detalye, pagbuo ng hinuha o palagay, pagkuha ng pagdama sa estilo o tonong ginamit ng may-akda o manunulat sa pagsulat, makilala ang pamaksang pangungusap at makapagbigay ng konklusyon. May pagkakaiba ba ang lalaki at babae sa mga kasanayan sa pagbasa batay sa mga sumusunod na kasanayan: pagkuha ng pangunahin at mga kaugnay na detalye, pagbuo ng hinuha o palagay, pagkuha ng pagdama sa estilo o tonong ginamit ng may-akda o manunulat sa pagsulat, makilala ang pamaksang pangungusap at makapagbigay ng konklusyon.
Inilahad ng mananaliksik ang disenyo ng pananaliksik, tagatugon ng pag-aaral, kapaligiran ng pag-aaral, instrumentong ginamit, paraan ng paglikom ng mga datos at tritment ng datos. Ginamit ang "Descriptive-Survey Method" upang palarawang ilahad ang mga ginawang pagsusuri mula sa nakalap na datos. Ginamit ang surbey method upang malaman kung aling kasanayan sa pagbasa mahihina ang mga mag-aaral. Ang mga tagatugon sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral sa limang seksyon sa ikalawang taon. Isinagawa ito sa Ocaña National High School sa Ocaña, Carcar City, Cebu. Gumamit ng tseklist at talatanungan sa paglikom ng mga datos. Gumagamit ng mga liham pahintulot bago nakapagmudmod ng mga talatanungan ang mga mananaliksik.
Batay sa mga nakalap na datos, ito ang mga natuklasan: ang profile ng mga mag-aaral batay sa sumusunod na salik: karamihan 111 (58.4%)ay 13-14 taong gulang; karamihan 101 (53.2%) ay babae; karamihan 85 (44.7%) ay 2 beses magbasa sa isang araw; karamihan 150 (78.9%) ay nagbabasa ng Filipino. Sa aling kasanayan mahuhusay ang mga mag-aaral na babae at lalake? Mahuhusay ang mga mag-aaral na babae sa kasanayan sa pagkuha ng pangunahin at mga kaugnay na detalye. Mahuhusay ang mga mag-aaral na lalaki sa kasanayan sa pagkuha ng pangunahin at mga kaugnay na detalye. Sa aling kasanayan mahihina ang mga mag-aaral na babae at lalake? Mahihina ang mga mag-aaral na babae sa kasanayan sa pagbuo ng hinuha o palagay. Mahihina ang mga mag-aaral na lalaki sa kasanayan sa pagbuo ng hinuha o palahay. May pagkakaiba ba ang lalaki at babae sa mga kasanayan sa pagbasa batay sa mga sumusunod na kasanayan? May pagkakaiba ang babae at lalaki sa kasanayan sa pagkuha ng pangunahin at mga kaugnay na detalye. Walang pagkakaiba ang babae at lalaki sa kasanayan sa pagbuo ng hinuha o palagay. May pagkakaiba ang babae at lalaki sa kasanayan sa pagkuha o pagdama sa estilo o tonong ginamit ng may-akda o manunulat sa pagsulat. May pagkakaiba ang babae at lalaki sa kasanayan sa pagkilala ng pamaksang pangungusap. May pagkakaiba ang babae at lalaki sa kasanayan sa pagbigay ng konklusyon.
May naitalang kaibahan sa apat na kasanayan sa pagbasa ang mga mag-aaral na babae at lalaki ngunit walang kaibahan sa kasanayan sa pagbuo ng hinuha o palagay sa kadahilanang kapwa ang babae at lalaki ay nagkakaiba sa kanilang mga nabuong hinuha o palagay. Bawat mag-aaral ay may kani-kanilang opinion o pag-unawa matapos mabasa ang akda.
Iminumungkahi ng mga mananaliksik ang mga sumusunod: dagdagan ang dami ng aytem na susubok sa bawat kasanayan; kailangang madagdagan ang bilang ng guro sa Filipino upang magkaroon ng iba't ibang paglalapat ng stratehiya sa pagtuturo; mas pagtuunan ng pansin ang paglinang sa kasanayan sa pagbuo ng hinuha o palagay kung saan mahihina ang mga mag-aaral.
Mga Susing Salita: pagdama sa estilo, kahinaan o kalakasan, pamaksang pangungusap, kasanayan, pagbasa, Filipino