Mga Karaniwang Uri at Halimbawa ng Tayutay.docFull description
Ang seleksyong ito ay tumatalakay sa mga uri ng Tayutay. Ito ay mga matatalinhagang pahayag na masining,mahiraya, at malalim na nagbibigay-kulay sa isang pahayag. Ito ay sinadyang paglayo sa…Full description
:)Full description
sddfFull description
AĽatFull description
Evidence CasesFull description
AĽat
Full description
Full description
AĽatFull description
Salawikain
Tagalog fablesFull description
Descripción completa
Full description
Mga Tayutay: Ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit paggamit ng mga salita upang madaling maunawaan, mabisa at kaakit-akit ang pagpapahayag. Nakadaragdag ito sa kalinawan, kapamagitan at kagandahan ng isang katha, pasalita man o pasulat. Ilang Uri ng Tayutay
1. Pagtutulad (simile) - isang payak at lantad na paghahambing at karaniwang ginagamitan ng mga salita't sal ita't pariralang: katulad ng, tulad ng, para ng, anaki'y, kawangis ng, gaya ng, kasing-, sing-, ga-, atbp. Hal. Para ng halamang lumaki sa tubig, Dahon ay nalalanta munting di madilig -Francisco Baltazar, Florante at Laura
2. Paghahalintulad (Analohiya) - isang uring tambalan ng pagtutulad. Ipinahahayag ng paghahalintulad ang pagkamagkatulad ng isang kaugnayan sa ibang kaugnayan. Hal. Ang tingin ng bubuyog sa bulaklak ay katulad ng damdamin ng binata sa dalaga.
3. Pagwawangis (Metapora) - isang tuwirang paghahambing na di gumagamit ng mga salitang katulad ng at iba pa, ngunit nagpapahayag ng hambingan sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag, katangian, o gawain ng isang bagay na inihahambing. Hal. Ang awa ng Panginoon ay aking kuta laban sa mga dalita ng buhay.
4. Pagtatao (Personipikasyon) - tinatawag din itong pagbibigay katauhan at personipikasyon. Pahayag ito na ang mga katangian, gawi at talinong sadyang angkin lamang ng tao ay isinasalin sa mga karaniwang bagay. Nagagawa ang pagsasalin sa paggamit ng pandiwa o pangngalan. Hal. Lumuha ang langit nang pumanaw si Ninoy Aquino.
5. Pamamalabis (Eksaherasyon) - isang pagpapahayag na lampas sa mahinahong larawan ng katotohanan sa hangaring magbigay-diin sa katotohanang pinagmamalabisan. Hal. Bumaha ang dugo sa awayan ng mga magsasaka.
6. Pagpapalit-tawag (Metonymy ) - isang pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng mga bagay na magkakaugnay. Hal. Ang anhel sa kanilang tahanan ay isang malusog na sanggol.
7. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche) pagbanggit sa bahagi bilang katapay ng kabuuan, o ng kabuuan bilang katapat ng bahagi. Hal. Ang panahong ito (Mayo) ay mabulaklak.
8. Panawagan (Apostrophe ) - ginagawa rito ang pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap sa isang buhay na tao o isang taong parang naroon at kaharap gayong wala naman. Hal. Diyos ko, iligtas po ninyo ang aming bayan sa masamang elemento.
9. Tanong Retorikal - hindi ito naghihintay ng kasagutan at hindi rin nagpapahayag ng pag-aalinlangan. Hal. May magulang bang nagtakwil sa kanyang anak?
10. Pag-uyam
- mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng mga salitang kapag kukunin sa tiyakan ay tila kapuri-puring mga pananalita ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na pang-uyam. Hal. Ubod siya ng gara kung lumalabas! Napakagulo naman ng bahay.
11. Talinghaga (Allegory) - isa itong salaysay ng mga kinathang pangyayari na ang hangarin ay magbigay-kahulugan sa nga mahahalagang katunayan. Ang talinghaga ay "salaysay" at kauri nito ang tinatawag na parabula (na ang karamihan ay galling kay Kristo). Isa ittong kinathang salaysay na may mga pangyayaring maaaring nangyari sa katutubong buhay ng tao, ngunit kinatha upang maglarawan ng isang aral hinggil sa kalinisan ng pamumuhay at mabuting pakikipagkapwa.