University of Perpetual Help System DALTA Las Piñas City S.Y. 2010-2011 2 nd Semester
DAMDAMIN, PANANAW AT KAALAMAN NG MGA MAGAARAL NG UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP SYSTEM DALTA NA KUMUKUHA NG KURSONG NARSING HINGGIL SA SAKIT NA DENGUE.
Isang Pamanahong- Papel na Iniharap sa Kaguruan ng Departamentong Filipino, Kolehiyo ng Narsing ng University of Perpetual Help System Dalta.
Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.
Ng BSN1-B
University of Perpetual Help System DALTA Las Piñas City S.Y. 2010-2011 2 nd Semester
Enero 2011
DAHON NG PAGPAPATIBAY
Bilang pagtupad sa isa sa mga panangailangan ng asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat 1 Tungo sa Pananaliksik, ang mapanahong-papel na ito na pinamagatang “ANG PANANALIKSIK TUNGO SA SAKIT NA DENGUE” ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa mag-aaral ng unang taon ng kursong narsing sa University of Perpetual Help System Dalta (S.Y. 2010-2011) na binubuo nina:
Joenalyn Borbon Reynaline Haban
Mary Grace Gopeng Paula Elaine Ramos
Rona Isabelle Bautista
Tinatanggap sa ngalan ng kagawaran ng Filipino, kolehiyo nursing ng University of Perpetual Help System Dalta, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.
Gng. Ana Deloeste
University of Perpetual Help System DALTA Las Piñas City S.Y. 2010-2011 2 nd Semester
Propesor ng Asignaturang Filipino2
PASASALAMAT Taos-pusong pasasalamat an gaming ipinaaabot sa mga sumusunod na indibidwal dahil sa mahalagang tulong, kontribusyon at/o suporta tungo sa matagumpay na reyalisasyon ng mapanahong-papel na ito:
Sa Poong Maykapal, sa paggabay at pagdinig sa aming dalangin lalung-lalo na sa sandaling kami ay pinanghihinaan ng pag-asang matapos naming ito nang maayos sa itinakdang panahon,
Sa aming mga kani-kaniyang pamilya, sa pag-unawa at pagpapahintulot sa aming umuwi sa oras a hindi naming kinagawian matapos lamang ang pamanahong papel,
Kay Gng. Ana F. Deloeste, an gaming masigasig na guro sa Filipino 2 sa pagtulong sa amin at paggabay sa paggawa ng isang pamanahong-papel sa pamamagitan ng pagtuturo ng tamang hakbangin sa pagsulat ng isang pamanahong papel,
Sa mga awtor, editor at mananaliksik ng akdang pinaghanguan naming ng mahahalagang imporamsyong ginamit sa pagsulat ng una at ikalawang kabanata ng pamanahong papel na ito at,
Sa aming respondante, sa paglalaan ng panahon upang matapat na masagutanang aming inihanda kwestyoneyr.
Muli, maraming-maraming salamat po.
University of Perpetual Help System DALTA Las Piñas City S.Y. 2010-2011 2 nd Semester
-Mga Mananaliksik
KABANATA I SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO I.
Introduksyon
Walang tao ang gustong magkasakit sapagkat sa panahong ito na hindi basta-basta ang pagkita ng pera mas makabubuting umiwas sa sakit upang sa ibang bagay na lamang mailaan ang perang kinikita. Lalo na ngayong
panahon
ng
tag-ulan,
talagang
napakaraming
sakit
ang
maaaring dumapo sa isang tao. Isa sa mga dapat na iwasang sakit ay ang dengue fever, ito rin ay itinatawag na break bone fever. Ito ay delikadong sakit na kapag napabayaan ay maaaring ikamatay ng isang tao.
ANG DENGUE Hemorrhagic Fever (DHF, H-fever) ayon sa Department of Health ay isang "acute infectious viral disease" na kadalasang nakakaapekto o nakukuha ng mga bata,pero hindi rin pinapaligtas ang mga may edad na. Kadalasan ay sumusulpot ang dengue sa mga tropics, mga lugar na tag-init at tag-ulan ang climate, tulad ng mga bansa sa Asya. Damay ang Pilipinas, lalo na sa mga lugar na maraming populasyon.
University of Perpetual Help System DALTA Las Piñas City S.Y. 2010-2011 2 nd Semester
Ang sakit na dengue ay nakukuha sa kagat ng lamok na Aedes aegypti Ito'y nangangagat lamang tuwing umaga. Nangingitlog ang lamok na ito sa mga lugar na kung saan ay may tubig na hindi dumadaloy tulad ng mga plorera, lata, dram, timba, lumang gulong at iba pa.. Ang taong naimpeksyon nito ay nagkakaroon ng mataas na lagnat na tumatagal ng dalawa hanggang pitong araw na kapag hindi naagapan ay maaring ikamatay. II.
Layunin
Ang pamanahong-papel na ito ay nagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa mga pananaw ng mga tao hinggil sa saki na dengue. Layunin din nito na masagot ang mga sumusunod na tanong:
1. May sapat bang kaalaman ang mga tao sa sakit na dengue? 2. Paano maiiwasan ang sakit na dengue? 3. Ano ang epekto ng sakit na dengue sa nadapuan nito?
I.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang kahalagahan ng pag-aaral ay ang magbigay ng impormasyon at tulong sa dengue.
Impormasyon na nagsasaad kung papaano makakaiwas sa sakit na dengue. Ito rin ay tumutukoy upang mapalawak ang kaalaman ng tao sa
University of Perpetual Help System DALTA Las Piñas City S.Y. 2010-2011 2 nd Semester
sakit na dengue na lumalaganap sa Pilipinas atkung anoang mga epekto nito.
II.
Saklaw at Limitasyon
Ang sakop ng pag-aaral ay kaalaman ng tao sa sakit na dengue. Gumamit
ang
mga
mananaliksik
ng
isang talatanunganupang
makapangalap ng datos. Nakapokus ang pag-aaral sa mga nakuhang sagot mula sa mga respondante. Sapagkat kulang sa panahon ang mga mananaliksik, maaring makaapekto ito sa lawak ng pag-aaral.
III.
Depinisyon ng Terminolohiya
Upang mas maunawaan ng mga mambabasa ang pag-aaral na ito, narito ang ilan sa terminolohiyang ginamit at ang angkop na kahulugan para rito:
•
Dengue Fever- Ang dengue fever ay isang nakakahawang sakit na nagmumula sa dengue virus. Ang dengue virus na ito ay naisasalin o naililipat sa pamamagitan ng kagat ng lamok.
•
Break Bone Fever- Ito ay isang klase ng dengue fever na ang mas kadalasang dinadapuan ay mga taong may edad na labing-lima (15) pataas.
University of Perpetual Help System DALTA Las Piñas City S.Y. 2010-2011 2 nd Semester
•
DENGUE HEMORRHAGIC FEVER (DHR)- Ang Dengue Hemorrhagic Fever ay masmalalang uri ng dengue at ito ay nakamamatay
•
Aedes aegypti -ay isang uri ng lamok na nagdadala ng dengue at DHF
KABANATA II Mga Kaugnayan na Pag-aaral at Literatura
University of Perpetual Help System DALTA Las Piñas City S.Y. 2010-2011 2 nd Semester
KABANATA III Disenyo at Paraan ng Pananaliksik I.
Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa ayon sa disrenyo ng pamaraang deskriptibanalitik na pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin sa pag-aaral na ito ang damdamin, pananaw at kaalaman sa dengue ng mga respondante.
II.
Mga Respondante
Ang mga piniling respondante sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral na kumukuha ng kursong Narsing sa University of Perpetual Help System Dalta sa ikalawang semester. SEKSYON
UNANG TAON
IKALAWANG IKATLONG TAON TAON
IKAAPAT NA TAON
KABUUNG DAMI
BSN-A
10
10
10
5
35
BSN-B
30
10
5
5
50
BSN-C
15
-
-
-
15
KABUUAN G DAMI
55
20
15
10
100
Pinili ng mga mananaliksik ang mga respondante sa una at ikalawang semester sapagkat sila ang pinakamadaling makatutugon sa mga pangangailangan sa pamanahong papel sa ito at upang magkaroon ng pantay na representasyon ang bawat tao.
University of Perpetual Help System DALTA Las Piñas City S.Y. 2010-2011 2 nd Semester
III.
Instrumento ng Pampananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng isang sarbey-kwestyoneyr na naglalayong makapangalap ng mga datos upang masuri ang damdamin pananaw at kaalaman sa pag-aalaga sa may sakit na dengue ng mga respondante. Nagsagawa rin ng pangangalap ng mga impormasyon ang mga mananaliksik sa iba’t ibang mga hanguan sa aklatan katulad ng mga aklat, tisis, proposal, disertasyon, at pamanahong papel. Kumuha rin ang mga mananaliksik ng ilang impormasyon sa internet.
IV.
Tritment ng mga Datos
Dahil ang pamanahong papel na ito ay isang panimulang pag-aaral lamang at hindi naman isang pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri tulad ng tisis at disertasyon, walang ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pagaaral na ito sa pamamagitan ng mataas na kompleks na istatistikal na pamamaraan. Bilang o dami lamang ng mga pumili sa bawat pagpipilian ng bawat aytem sa kwestyoneyr ang inalam ng mga mananaliksik. Dahil isandaan (100) ang mga respondante, naging madali para sa mga mananaliksik ang pagkuha ng porsyento dahil sa bawat dami ng bilang ay awtomatikong kartumbas sa porsyento na iyon.
University of Perpetual Help System DALTA Las Piñas City S.Y. 2010-2011 2 nd Semester
KABANATA IV PRESENTASYON AT INTRPRETASYON NG MGA DATOS Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na datos at impormasyon : Inalam ang distribusyon ng mga respondente ayon sa kanilang kasarian. Walumpu’t anim sa kanila ay babae,samantalang labin apat ay mga lalaki. Pansinin ang kasunod na grap:
Grap 1
University of Perpetual Help System DALTA Las Piñas City S.Y. 2010-2011 2 nd Semester
Distribusyong ng mga Respondente Ayon sa kasarian
A.Respondenteng Babae B.Respondenteng Lalaki
Limampu’t pito sa mga respondente ay nasa edad I6-I7.Ang tatlumpu’t dalawa sa respondente ay may edad I8-I9.Ang walo sa mga respondente ay may edad na 2o pataas.Ang natitirang tatlo sa mga respondente ay may edad na I4-I5.pansinin Ang kasunod nag rap: Grap 2 Distribusyong ng mga respondente ayon sa edad
University of Perpetual Help System DALTA Las Piñas City S.Y. 2010-2011 2 nd Semester
Sa isandaan,apatnapu’t walo (48%) ang nagsabing sila ay may katamtamang kaalaman sa dengue batay sa kanilang pansariling assessment.Sampu (10%) sa kanila ang nagsabing sila ay may kaunting kaalaman hinggil sa dengue.tatlumpu’t lima (35%) sa mga respondente ang nagsabing alam na nila ang dengue,samantalang lima(5%) samga respondente ang nagsabing wala silang kaalaman hinggil dito.ang natitirang dalawa (2%) ay walang pakialam hinggil ditto.Pansinin ang kasunod na grap.
Grap 3 Pansaraling Asesment ng mga Respondente sa Kanilang Kaalaman Hinggil Sa Dengue
Hinggil naman kung saan nila narinig o natutuhan ang kaalaman ukol sa dengue, limampu’t pito (57%) ang nagsasabing nagmula sa telebisyon,
University of Perpetual Help System DALTA Las Piñas City S.Y. 2010-2011 2 nd Semester
tatlo (3%) respondante na nagsasabing nagmula sa dyaryo, sampu (10%) naman ay mula sa usap-usapan, dalawa (2%) respondante ang mula sa radyo, gayundin sa internet na may walong (8%) respondante.
Pinagmulan ng Kaalaman ng mga Respondante Hinggil sa Dengue.