Pananahilang Epekto ng Pagkakaroon ng Mababang Marka ng Karamihang Estudyante: Ang Pananalksik
N i : J usti usti ne M ae D . E splig spligue uezz
Introduksyon
Ang kaalaman tungkol sa iba’t-ibang iba’t-ibang bagay, personalidad, at kaganapan, sa ating kapaligiran ay mahalaga pati na rin ang mga impormasyon ay tumatalakay sa isang simpleng bagay. Kadalasan, ang mga nakakalap nating impormasyon ay nag-mumula sa mga libro, dyaryo, telebisyon, radyo, at mga sulating pananaliksik. Ang sulating pananaliksik, ay isinasagawa upang bigyang patunay at palawakin ang isang napiling paksa. Sa ganitong paraan ay mas naliliwanagan ang kaisipan ng isang mambabasa at natututo sa nasabing paksa. Makatutulong din ito upang bigyang linaw at itama ang ilang paksa, kung saan ang nalalaman lamang ng mga tao tungkol dito ay mga maling sabisabi lamang. Layunin ng artikulong ito na bigyan ng kaalaman ang mga indibidwal tungkol sa mga suliranin ng isang estudyante sa pag-aaral. pa g-aaral. Edukasyon, sinasaklaw nito ang estado ng pag-aaral ng mga estudyante at kalidad ng pagtuturo ng mga guro sa isang bansa. Ito ang tumutulong sa isang bansa upang maging progresibo at maunlad. mau nlad. Ngunit kay raming problemang panlipunan ang kinakaharap ng ating bansa at isa na nga rito ang Edukasyon. Sa panahon ngayon, kay rami nang kabataan ang hindi nakakapagtapos ng pag-aaral at ang pangunahing dahilan nito ay kahirapan na isa pang malaking problemang kinakaharap ng bansang Pilipinas. Maraming nakaka-impluwensiya sa mga kabataan ngayon. Mga problemang pampamilya, pampinansiyal, at ang iba’y napapabarkada. Ang mga impormasyong mababasa sa loob ay base sa mga impormasyong nakalap sa internet.
Depinisyon ng mga Katawagan
1. Online game - isang laro ng libangan sa ilang uri ng computer network .Ito ay halos palaging gumagamit ng Internet o katumbas na teknolohiya, at kung anong teknolohi ya ang mayroon:modem bago ang Internet, at hard wired terminal bago ang modem. 2.
Internet - ang mga magkakabit na mga computer network na maaaring gamitin ng
mga tao sa buong mundo. 3. Computer
Network
-
isang
koleksiyon
ng
mga kagamitang
metal at
mga kompyuter na pinag-uugnay ng mga kanal na pangkomunikasyon upang makapagbahagi ng mga mapagkukunan at impormasyon. 4. Website - isang koleksyon ng mga pahinang Web, na tipikal na karaniwan sa isang partikular na pangalan ng dominyo o sub-domain sa World Wide Web sa Internet .
Iba’t ibang Uri ng Pag-aaral ng Estudyante Awditori
"Auditory learner" ay isang katagang ginagamit upang ilarawan ang mga estudyanteng may kakayahang panatilihin ang mga impormasyon ng lubusan kapag ang impormasyon ay pinagtibay sa pamamagitan ng mga tunog. Ang pa maraan ng pag-aaral gamit ang pandinig ay maaaring isama o ipares sa anumang bagay mula sa paggamit ng musika, mga tala na isaulo ang mga listahan, sa paggamit ng mga recording ng boses o “chants” upang maisaulo ang mga tuntunin ng kasaysayan. Mas pinipili ng mga estudyanteng “Awditori Learner” na making sa klase at leksyon kaysa sa bumasa nang iba’t ibang texto o mga mahihirap na bahagi ng isang takdang babasahin. Maaari silang mahirapan sa pag-analisa at pag-unawa ng isang kabanata na sumasakop sa isang komplikadong paksa, ngunit pagkatapos nilang mapakinggan ang karanasan ng lubos ay mauunawaan nila ito kagaya ng pagbigay nito sai sang panayam sa klase. Ang mga “Awditori Learners” na mag-aaral ay maaaring magkaroon ng paraang magaling makatuklas ng tunay na kahulugan ng mga salita ng isang tao sa pamamagitan n g pakikinig sa mga signal tulad ng mga pagbabago sa tono ng boses. Kapag nagsasaulo ng isang numero ng
telepono ang isang awditori ay malakas nilang sinasabi ang mga numero at pagkatapos ay alalahanin kung pagkakatunog tunog ng ang serye ng mga numero upang maalala ang mga ito. Mga karakteristik ng Isang Awditori
Gustong magbasa nang malakas sa sarili.
Ay hindi natatakot na magsalita sa klase.
Mahilig ang mga oral na Report.
Ay mahusay sa pagpapaliwanag.
Inuulit-ulit ang mga bagay na ilang beses habang nakikinig kayo sa ibang tao magsalita.
Magaling umalala ng mga ngalan.
Nakakapuna sa mga SoundFX sa mga penikula.
Biswal-Spasyal
Ang Mga Biswal-spasyal ay madalas na matututo ng pangkabuuan, sa halip na ayon sa pagkakasunod-sunod, o sa bahagi. Ang mga mag-aaral ng biswal-spasyal madaling makita ang malaking larawan ng mga bagay, ngunit maaaring mapalampas ang ibang mga detalye. Mga karakteristik ng Isang Biswal-Spasyal
pag-iisip lalo na sa mga larawan
mahusay sa pagbasa ng mapa
nangangailangan ng mga ilarawan ng mga salita upang baybayin ang mga ito sa
gamit ng salagimsim upang lutasin ang mga problema
ang pagkakaroon ng hindi pantay na paksa ang mga marka sa paaralan
Madalas isang late-bloomer
maaaring magkaroon ng malakas na maarte, mekaniko, o teknolohiko talento
Madalas mataas na perfectionistic
Kinestetik
Ang pagkatuto sa pamamagitan ng paggalaw ay isa sa tatlong estilo sa iba't iban g pag-aaral na binalangkas ni Neil D. Fleming sa kanyang modelong VAK ng pagkatuto. Sa madaling salita, ang isang mag-aaral na gumagamit ng pagkatuto sa pamamagitan ng paggalaw ay nangangailangan maging aktibong paggawa ng isang bagay habang pagkatuto upang na talagang kuha ang materyal na ito. Madalas, yaong mga estilo ng pagkatuto sa pamamagitan ng paggalaw ay nagkakaroon ng mahirap at mataas na oras sa pag-aaral ng bagay tulad ng lektyur dahil ang katawan ay hindi gumagawa ng koneksyon kapag pinakikinggan lamang ito. Kailangan ng maraming oras upang makakuha at mailagay ang isang bagay sa alaala. Mga karakteristik ng Isang Kinestetik
Mabuting koordinasyon ng kamay-mata
Mabilis na reaksyon
Napakahusay na memorya ng motor (maaaring gayahin isang bagay matapos gawin ito isang beses)
Mahusay experimenters
Mabuti sa isports
Nagsasagawa rin sa sining at drama Mataas na antas ng enerhiya
Mga Ugaling Nakakaapekto sa Pokus sa Pag-aaral
1. Di pagseseryoso ng estudyante sa kanyang pag-aaral Ilan lamang sa mga mg-aaral ang nag seseryoso sa kanilang pag-aaral, ang iba naman ay hindi. Ilan sa kanilang dahilan: “tinatamad”, maraming humahadlang sa kanila katulad ng computer games, panliligaw, walang interest sa pag-aaral, interesado sa ibang bagay, may problema sa pamilya at kung anu-ano pa. Madalas itong nangyayari sa mga pampublikong paaralan na mas mababa pa sa section 5 (lima), ngunit hindi lamang ito nangyayari sa mga pampublikong paaralan dahil nararanasan din ang ganitong suliranin sa
mga pribadong paaralan. Sa pampubliko isa sa mga dahilan ay ang pagkakaroon ng mga bagay na umaagaw sa kanilang atensyon sa kanilang pag-aaral at sa parehong pribado at pampubliko ang dahilan nila ay katamaran.
2. Katamaran sa Pag-aaral Karamihan na nga sa mga mag-aaral o sa mga estudyante ang tamad at isa sa kanilang dahilan ay ang mahirap na subject. Ayon sa mga nakalap na impormasyon sa mga eskwelahan ang pinakamahirap na subject sa kanila ay ang Math. Pinakamahirap na subject
10%
10% Filipino
10%
Math Science English MAPEH/MSEP TLE 40%
30%
AP/History CLE Computer
Hindi na lingid sa kaalaman ng mga guro sa Math ang ganitong sitwasyon. Ayon sa iba’t ibang opinyon walang mahirap na sabdyek kung pagbubutihan at pag-uukolan ng pansin ang mga nahihirapang sabdyek ng sino mang estudyante. 3. Mañana Habit Ang Mañana Habit ay isa sa mga ugaling nakatatak na sa ating mga Pipilino na karanasang ginagawa din ng isang mag-aaral. Ang Mañana a y galing sa salitang español na ang ibig sabihin ay bukas. Ito ang tawag sa ugaling “bukas na lan g”, ugaling ipinamana sa atin ng mga español. Ang gawaing ito ay sadyang nakababahala para sa ating kultura at para na din sa ating mga sarili. Madalas nating ipagpabukas ang mga bagay na magagawa natin ngayon. Ito ang
nagiging dahilan kung bakit hindi natin natatapos ang ating gawain sa tamang oras. Maraming oras ang ating nasasayang. Ang pagsasanay ng isang mag-aaral ng ugaling ito ay maaring humantong sa pagkahuli nito sa mga gawaing kailangang ipasa at maari itong makaapekto sa kanyang mga gawi sa pag-aaral. 4. Ningas kugon Ang níngas kúgon ay tumutukoy sa ugali na madalîng panghinaan ng loob o mabilis maglaho ang sipag sa ginagawa. May literal na kahulugan itong panandalian at mabaligtaran ng matagalan. Nagmula ito sa pangyayari na ang kugon ay mabilis masúnog, lalo na kapag taginit. Mabilis na nagsisiklab ang kugon kapag nadapuan ng alipato at madaliang nasusúnog an g kahit isang mahabàng hanay nitó. May mga táo na tulad ng kugon ay mabilis makukuhang lumahok sa isang magandang proyekto. Sa umpisa, mataas ang sigla nilá. Gayunman, kung ningas kugon, paglipas lámang ng ilang araw ay nawawalan na silá ng gana at sigasig. Bumibilis pa ang pagkawala ng gana kapag nakatagpo silá ng problema sa ginagawa. Ginagamit ng táong ningas kugon ang anumang dahilan para huminto sa proyekto.
Salik na naka aapekto sa pag aaral ng mga estudyante
Adiksyon sa Kompyuter Geyms Ang online games ay mga laro ng libangan sa ilang uri ng computer network. Ito ay halos palaging gumagamit ng Internet o katumbas na teknolohiya, at kung anong teknolohiya ang mayroon. Ang paglawak ng online gaming ay sumasalamin din sa pangkalahatang pagbabago ng mga network na kompyuter mula sa maliit na lokal na network sa Internet at ang paglago ng Internet mismo. Ang online games ay maaaring sumaklaw mula sa simpleng teksto ng laro hanggang sa may kumplikadong grapiko at virtual na mundo na may maraming manlalaro. Maraming mga online games ay kadalasang mayroong online na komunidad, na
nagpapakita na may malawak na pakikisalamuha sa kapwa alinsunod sa pang-isahang laro. Sa pagdami ng mga kabataan na nahuhumaling sa mga online games na malalaro sa iba’t ibang social networking sites at sa mga sites mismo kung saan madaming malalarong computer games na lahat ay mahahanap gamit ang internet . Marami sa kabataang ito ang napapabayaan ang ibat’ ibang aspeto ng kanilang buha y tulad na lamang ang aspetong sosyal na talaga naming nakakabahala. Hindi lamang kalusugan at pag-aaral ang naapektuhan ku ndi pati na rin ang kanilang aspetong sosyal ay nalalagay din sa alanganan. Sa akda ni De Castro, 2012 na pinamagatang “Computer Games: Nakakatulong ba o nakakasira sa pag-aaral?”, tinutukoy na ang computer games ay nagdudulot ng pagkasugapa o adiksyon sa mga bata. Dahil sa sobrang pagkasugapa ng mga bata sa computer games nakakalimutan nila ang dapat nilang gawin sa araw na iyon at nasasayang lang ang kanilang oras sa paggugol doon imbes na bigyang pansin ang mga makabuluh ang bagay katulad na lang ng pag-aaral at pakikisalamuha sa iba. Sa artikulo ni Silin,2004, na pinamagatang “Online Gaming Addictions” itinala ng awtor dito ang iba’t ibang sintomas ng adiksyon sa online games pati na rin ang mismong epekto nito sa mga kabataan. Halimbawa na lamang ng sintomas ay paggastos ng oras sa pag play ng laro kung saan sila makagambala sa mga kaibigan, asawa, pamilya, relasyon at trabaho. At sa pananaliksik na ginawa ni Bhandary, 2010 na pinamagatang “Net, Online Games Have Kids Hooked”, tinutukoy na maraming kabuuan ngayon ang nagiging tamad dahil sa paglalaro ng online games, nagiging tamad na rin silang mag-aral o tumulong sa mga gawing bahay. Bumababa na rin ang kanilang mga grado dahil mas pinagtutuunan nila ng pansin ang online games.
I pinagbabawal na Gamot Ang pagkalat nito ay isang malaking dagok sa ating lipunan hindi lamang dahil sa maraming buhay na nawawasak at napipinsala kundi gayundin ang kayamanan/pag-aari nating nasasayang.
Isa na yata sa pinakamalaking suliranin ng ating bansa ay ang unti-unting pagkahumaling ng mga kabataan sa bawal na gamot. Sa pagsusumikap na makaiwas sa mga sariling problema may ilang mga kabataan ang gumagamit ng bawal na gamot. Ang ilan ding dahilan ay ang pagkamausisa (curiosity), udyok ng mga kasamahan ( peer pressure), di pantay na kalooban (insecurity), pagtakas (escape), pagkainip o pagkayamot (boredom), pagrerebelde (rebelliousness) at pampalit sa makahulugang pakikipag-ugnayan. Ang ipinagbabawal na mga gamot , ilegal na mga droga , inaabusong mga gamot , o
mapanganib na mga gamot ay tumutukoy sa anumang sangkap, hindi kasama ang tubig at mga pagkain, na nakapagpapabago sa takbo ng kaisipan ng tao at katawan din ng tao. Maaaring makaapekto ang droga sa isip lamang ng tao o sa katawan ng tao, subalit maaari ring parehong maapektuhan ang mga ito. Sa malawakang kahulugan, kinabibilangan ang mga bawal na gamot ng mga produktong drogang may kapeina, tabako, mga nalalanghap na sangkap o mga inhalante, ang marihuwana o 1cannabis, 2heroina, at mga 3isteroyd. Ang droga ay isang kemikal na 4 substance na bumabago sa kondisyon ng isip o katawan ng isang tao. Maraming nagagawa ng mga drogang produkto ng modernong medisina. Maaari nilang pabilisin o pahinain ang katawan, magtanggal ng sakit, iwasan ang pagkabuntis, labanan ang mga impeksiyon, nagpapababa ng tensiyon, nagpapaikli ng pagtulog at nagpapababa ng 5appetite.
Mga Pangkat ng Bawal na Gamot Mayroong mga kapangkatan ang ilegal na mga gamot. Pinagpapangkat-pangkat ang mga ito ayon sa kanilang pang gitnang sistema ng nerbiyos ng katawan. Kasama sa pangunahing mga pangkat ng ilegal na mga gamot ang mga pampahina o depresante
1
Cannabis- ang gamot na makuha mula sa mga dahong tuyo at ang mga bulaklak ng abaka halaman, na kung saan ay pinausukan o chewed para sa kanyang psychoactive-aari 2 Heroina- sa isang semi-gawa ng tao opioid synthesized mula sa morpina, isang kinopyang ng opyo amapola. 3 Isteoyd- isang terpenoid lipid characterized sa pamamagitan ng isang kalansay ng carbon na may apat na fused singsing, sa pangkalahatan ay inayos sa isang 6-6-6-5 paraan. 4 Substance- isang uri ng material na may definite composition 5 Appetite- ganang kumain
(pampakalma), mga pampasigla o
6
estimulante, at mga pampatakbo ng guni-guni o
halusinoheno. Tinatawag na pampahina, depresante, o pampakalma ang mga gamot na nakapagpapabagal sa pagtakbo o pag-andar ng panggitnang sistema ng nerbiyos ng katawan ng tao. Pati na ang pagpapabagal sa pagdadala ng mga mensaheng papunta at nagmumula sa utak ng tao. Dahil sa gamot na ito, bumabagal ang paghinga at ang pintig ng puso ng tao. Hindi ito mga gamot na nagpapahina o nagpapalungkot sa isang tao. Kabilang sa mga illegal na pampahina ang mga marihuwana, 7hashish, langis ng hashish, heroina at iba pang mga pampakalma. Nakakaapekto sa konsentrasyong pang-isipan at koordinasyong pangkatawan ng tao ang mga pampahina o pampakalma. Nakapagpapabagal ito sa pagtugon ng tao sa mga hindi inaasahang mga situwasyon. Dahil dito, mapanganib para sa taong nak ainom ng pampahinang gamot ang pagmamaneho. Kapag naghalo sa katawan ng tao ang iba’t ibang uri ng mga pampahina (tulad ng pinagsamang alak at marihuwana), mas masidhi ang epekto nito sa tao.
Mga pinsalang dulot ng bawal na gamot Kasama sa mga kapinsalaang naisasanhi ng mga bawal na gamot ang ukol sa pagkakaroon ng problema sa katawan, problema o pagtigil sa pag-aaral, sa kalusugan, sa mga relasyon sa kaibigan, mag-anak, at maging sa pamayanan. Maid aragdag din dito ang pinsala na nagaganap sa kanyang pamumuhay dahil sa paggamit ng bawal na gamot, pati na ang sa hanap-buhay, pag-aaral, at akomodasyon. Humahantong din ang paggamit ng bawal na gamot sa anumang paglabag sa batas ng tao at lipunan.
6
Estimulante- mga bawal na gamot na panandaliang pagtaas alertness at kamalayan. Sila ay karaniwang may mas mataas na bahagi-epekto sa mas mataas na bisa, at ang mas malakas na variants ay kaya madalas resetang gamot o mga bawal na gamot. 7 Hashish- isang paghahanda ng cannabis binubuo ng mga compressed trichomes tinipon mula sa cannabis planta. Ito ay nagtataglay ng parehong aktibong ingredients kundi sa mas mataas concentrations kaysa sa ibang bahagi ng halaman tulad ng buds o mga dahon .
Dahil sa paggamit ng masasamang gamot, naaapektuhan ang kakayahang magpasiya ng isang tao, at mas malamang ang paggawa ni ya ng bagay na mapanganib sa sarili at sa ibang mga tao.
Kalagayan sa buhay at ang mga epekto nito sa pag-aaral
Ayon sa mga sanaysay, aklat, dokumento at iba pa, Ang isang dahilan kung bakit nagiging malala ang kakulangan ng classrooms at guro sa public schools ay maraming mga estudyante sa private schools ang lumilipat sa public schools.Sa ngayon, halos 20 milyon ang mga estudyante mula elementary hanggang high school sa public school. Tumaas ng 11 porsiyento o may dagdag na mga 2.2 milyon na estudyante.Ang pinakamalaking dahilan kung bakit lumilipat ang mga estudyante sa private sa public schools ay kahirapan. Pataas na pataas na ang tuition ngayon sa private schools dahil sa pagtaas na rin ng lahat na bilihin (Ellen Tordesillas, journalist).
Sinasabi rin sa datos ng Department of Education, 58 lamang sa bawat 100 estudyante na pumapasok sa Grade 1 ang nakatutuntong ng hayskul at 14 lamang sa mga ito ang nakapagtatapos ng kolehiyo. Sa datos na ito, di maitatago ang katotohanan na malaki ang problema natin sa edukasyon. Dahil na rin sa kahirapan, hindi natatamasa ng kabataang Pilipino ang karapatan nila sa edukasyon. Nakasaad mismo sa Konstitusyon, Artikulo IV Seksiyon I ng 1986 Konstitusyon na “dapat pangalagaan ng Estado ang karapatan ng lahat ng mamamayan sa mahusay na edukasyon sa lahat ng antas at dapat magsagawa ng angkop na mga hakbang upang matamo ng lahat ang gayong edukasyon.” Dapat ay bigyan din ng pinakamataas na prayoridad ng pamahalaan ang edukasyon (Mylene Padua). Ayon sa National Statistics Office o NSO sa buong kapuluan ay mayroong 34,295,000 na mga estudyanteng nag-aaral sa pampubliko at pribadong paaralan edad anim hanggang dalawampu’t apat. Sa kabuuang ito, mas malaki ang porsyento sa ilalim ng pampublikong paaralan. Mga paaralang sinusubaybayan ng pamahalaan at ng gobyerno. At sa loob ng silid, ang “ratio” ng guro sa estudyante ay 1:42 o isang guro sa apatnapu’t dalawang estudyante (cyndi18) .
KONKLUSYON Maraming problemang pang-edukasyon ang ating ban sa isa na rito ang mga mag-aaral na may mga mabababang marka at humahantong sa hindi makakapagtapos ng pag-aaral dahil nga sa kahirapan, pagbibisyo, o kaya’y napupunta sa masamang landas. May mga kabataan na rin na nagrerebelde dahil sa kakulangan ng atensiyon at hindi na naaasikaso ng kanilang mga magulang. Ang uri ng pagkatuto ng isang mag aaral ay mayroong makabuluhang epekto sa edukasyon ng isang tao. Ang mga ugaling nakasanayan ng isang tao rin ay mayroong epekto sa kanilang ugali sa eskwelahan o gawain sa eskwelahan. Ito ay maaring makabuti o makasama sa kanilang pag-aaral kung ito ay isang positibo o negatibong ugali tulad ng pagiging tamad, ang pagsasawalangbahala, ang hindi pagbibigay ng atensyon sa mga nahihirapang asignatura at ang pagkakaroon ng mañana habit at ningas kugon na nangangahulugan g pagiging matiyaga lamang sa mga unang bahagi ngunit nagiging pariwara at pagsasawalang bahala na sa huli. Ang pakakalulong sa adiksyon sa kompyuter at online games ay nagkakaroon din ng masamang epekto sa pag-aaral ng isang estudyante. Nakakain ng online geyms at ng kompyuter ang mga oras na dapat iniluluklok sa pagrerebyu, pag-aaral at pagsasaulo ng mga leksyon sa klase. Mayroon din itong epekto sa estraktura ng utak na kung saan humihina ang kapasidad nito at nagiging madaling mapagod. Ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay maaring mag bunga ng mga s ng problema sa katawan, problema o pagtigil sa pag-aaral, sa kalusugan, sa mga relasyon sa kaibigan, mag-anak, at maging sa pamayanan. Ayon din sa mga datos at pananaliksik ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay makadudulot ng masamang epekto sa pag iisip, lalo na sa memorya at ang pagdidiperensya sa reyalidad at pantasi. Ang pagtukoy sa mga sanhi na maaring makaapekto sa pag-aaral ng isang tao o estudyante ay nagbibigay ng magandang impormasyon upang tayo ay magkaroon ng kamalayan upang tayo ay maka buo ng mga estratihiya upang maiwasan at malipul ang mga sanhing ito.
A. R EKOMENDASYON Inirerekomenda rin ng mananaliksik na magdagdag ng pamamaraan upang mapuksa o maiwasan ang mga sanhing ito.
Mga Sanggunian Cottrell, S. (2001). Teaching Study Skills and Supporting Learning. New York: Palgrave Macmillan Hansen, K.H. (1957). High School Teaching. England Cliffs, N.J.: Prentice Hall Inc. Hutchins, R.M. (1953). The Conflict in Education. New York United States: Harpers and Brothers Park, S.J. (1997). Study Orientation and Academic Acheivements of Senior Secondary Students in Baguio City. Saint Louis University
Pirozzi, R. (1995). Strategies for Reading and Study Skills.Illinois USA: NTC Publishing Group Smith, S. (1960). Best Methods of Study. New York: Barnes and Noble Inc. Woolfok, A.E. (1990). Educational Psychology. New Jersey: Prentice Hall Inc. Zhang,Y. (2008). Enhancing the Language of Learning Styles Through Innovative Techniques. Faculty of the Graduate Program College of Education Saint Louis University Internet Cubed, L. (November 9, 2010) The Role of Emotions in Learning, retrieved February 21, 2013 from Serendip website: http://serendip.brynmawr.edu/exchange/node/8430 Gitterman, D.P. (June 6, 2011) Building The Effects of Poverty in Academic Achievement, retrieved
February
21,
2013
from
Google
Website:
http://books.google.com.ph/books?id=LVW2tJ_ZYw4C&pg=PA51&lpg=PA51&dq= L. Hawk T & Shah A. (December 2, 2007) "Using Learning Style Instruments to Enhance Student Learning,
retrieved
February
21,
2013
from
Wikipedia:
http://en.wikipedia.org/wiki/Neil_D._Fleming Kelly, M. (April 12, 2012), Understanding and Using Learning Style, retrieved February 21, 2013
from
About.com:
http://712educators.about.com/od/learningstyles/a/learning_styles.htm Manuel, P. (2010, November 4) B.F.Skinner Behavior Learning Theory, retrieved February 21, 2013, from Slideshare Website: http://www.slideshare.net/manuelpl/bf-skinner behavior-learning-theory Principe, H. R. (2005) Factors Influencing Student’s Academic Performance in the First Accounting Course: A Comparative Study Between Public and Private Universities in Puerto Rico. Retrieved from http://ponce.inter.edu/cai/tesis/hrodriguez/index.pdf
Kawanihan ng Edukasyong Sekondarya, Kagarawan ng E dukasyon at Sports,
E dukasyong Pangkatawan, K alusugan, at Musika I I I , p.77, Book Media Press, Inc., Ediyon 1997 Impact of Science on Society: Man’s Addiction and How to Deal With Them Volume 34, No. 33, 1984 Celia T. Adriano, G.I Sacdalan at R.R Calubayan, E dukasyong Pangkatawan, K alusugan
at Musika I I I , p. 168, FNB EDUCATIONAL INC., Ediyon 2000 Guineveve I. Sacdalan, I.B. Avino at R.R Calubayan, E dukasyong Pangkatawan,
Kalusugan at Musika I V , p. 97, FNB EDUCATIONAL INC., Ediyon 2000 Robert C. Kolodny, N.J. Kolondy, T.E. Bratter at C.A. Deep, H ow to Survive Your Adolescent’s Adolescence,
p.95, Brown and Company, 1984.
Are, Eriksen et al. Alcohol and Drugs Perspective: Prevention and Control Asia Pacific Region, Ramatlana, Sri Lanka Fe. 1988 Gold, Mark, The Facts About Drugs and Alcohol Nowlis, Helen. Drugs Demystified. UNESCO Press, Paris 1975