CEBU DOCTORS’ UNIVERSITY
EPEKTO NG MGA LIRIKO NG MGA PILING SIKAT NA KANTA SA IMAHE NG MGA MAG-AARAL SA CEBU DOCTORS’ UNIVERSITY
Isang Thesis na ipinasa sa CAS Bilang bahagi sa mga Gawaing kailangan sa Pagtamo sa Kursong Pagbasa at Pagsulat tungo Sa Pananaliksik – Filipino 12
Ipinasa kay: Gng. Raquel Bercero
Ipinasa nina: Fairlean Bajarias Joannah Paula Cuizon Gladys May Pepito Camille Eunice Relliquete
BSPT-1A
Marso 2012
TALAAN TALAAN NG MGA NILALAMAN
Paunang Pahina Dahon ng Pagpapatibay Paghahandog Pasasalamat I. Pananaliksik A. Rasyonal Rasyonal B. Layunin Pangkabuuang Layunin Tiyak na Layunin C. Paglalahad ng Suliranin D. Kahalagahan ng Pananaliksik II. Kaugnay na Literatura at Pag-aaral A. Kaugnay na Literatura Literatura B.
Kaugnay na Pag-aaral
III. Metodo at Pamaraan A. Ang Respondye Respondyente nte B. Pamaraan Pamaraan ng Pananali Pananaliksik ksik C. Lugar Lugar ng Pananal Pananaliksi iksik k D. Instrume Instrumento nto ng Panan Pananalik aliksik sik E. Pangongo Pangongolekt lekta a ng ng mga mga Datos Datos Bibliografi
DAHON NG PAGPAPATIBAY
Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 12, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik na ito na pinamagatang “Epekto ng mga Liriko ng mga piling sikat na kanta sa imahe ng isang tao” ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa BSPT – 1A na binubuo nina Fairlean Bajarias, Joannah Paula Cuizon, Gladys May Pepito at Camille Eunice Relliquete at ngayon ay itinatagubilin sa aming guro para sa kaukulang pagsusuri.
Gng. Raquel R. Bercero Guro
Ang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 12, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik ang thesis na ito na pinamagatang “Epekto ng Liriko ng piling sikat na kanta sa mga mag-aaral ng Cebu Doctors’ University” ay tinanggap n gaming guro na si Gng. Raquel Bercero.
Gng. Raquel R. Bercero Guro
i
PAGHAHANDOG
Ang pananaliksik na ito ay taos-pusong inihahandog sa bawat pamilya ng mga miyembro ng pangkat na gumagawa nang pananaliksik na ito, sa mga kaibigan na walang tigil sa pagsuporta, sa mga taong mahilig sa musika lalonglalo na ang mga kabataan, sa aming guro na si Gng. Raquel Bercero, at sa Poong Maykapal na laging nandyan para sa amin.
ii
PAGKILALA AT PASASALAMAT
Taos-pusong nagpapasalamat ang mga mananaliksik sa mga taong naging bahagi at tumulong sa pagkabuo at pagtagumpay ng pananaliksik na ito. Unang-una sa Poong Maykapal sa kanyang pagbibigay sa amin ng wastong kaalaman at pasensiya para matapos namin ang pananaliksik na ito. Sa aming guro na si Gng. Raquel Bercero sa paggabay sa amin, pagpapasensiya, at pagpapagawa sa pananaliksik na ito. Kung hindi dahil dito, hindi kami mahahasa sa larangan na ito. Higit sa lahat sa aming mga magulang dahil sa pagsuporta sa amin hindi lang financially kundi pati morally.
iii
I.
PANANALIKSIK
A. RASYONAL
Ang pananaliksik na ito ay sumusuri sa epekto ng piling sikat na musika, partikular sa mga musikang may liriko na bumanggit o binigyang-diin ang pagiging kaakit-akit sa imahe. Ang musika bilang isa sa mga tagapagbuo ng kultura ay may malalim na impluwensiya sa kamalayan ng tao. Kahit sa mga naunang panahon sa ating kasaysayan, ang Kastila, Amerikano, at Hapon na nanakop sa Pilipinas ay may paniniwala sa mabuti at masamang epekto ng musika sa tao. Sa mas makabagong panahon, maaaring ito ay gamit upang bithayin ang saloobin ng tao sa Music Therapy. Ito ay ekspresyon naman ng pagbubunyi sa pamamagitan ng mga martsa at makabayang awitin ng mga bansang nakamtan ang kanilang kalayaan mula sa mga mananakop o maaaring ito’y ekspresyon lamang ng pagnanasa para sa kalayaan. Sa maikling sabi, ang musika ay nagsisilbing gamit sa sariling ekspresyon, kolektibo man o indibidwal . Dahil dito, hindi maiiwasang nakakaapekto na ito sa ating paraan ng pag-iisip, sa pananamit, sa ating karakter, at sa ating emosyon. Ginawa ang pananaliksik na ito para mas maintindihan ang mga taong tinatawag ang mga sariling EMO, PUNK, GOTH at iba marami pang iba kasi sa pagkakaalam ng lahat, ang mga iyan ay mga genra ng musika. Gustong malaman ng pananaliksik na ito ang relasyon ng musika sa imahe ng tao.
1
B. LAYUNIN Pangkabuuang Layunin
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang galugarin ang mga posibleng epekto ng mga liriko ng mga piling sikat na kanta na binigyang-diin ang pagiging kaakit-akit sa imahe ng mga mag-aaral sa Cebu Doctors’ University. Tiyak na Layunin 1.
Malaman ang lebel ng pagiging epektibo ng liriko ng mga sikat na kanta sa tao.
2.
Malaman ang lebel ng consciousness ng isang tao sa kanyang imahe.
3.
Masagot ang katanungan tungkol sa kung ang pagpapalit ng genre ng musika ay nakakapagbabago ng karakter at imahe ng isang tao.
2
C. PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang suliranin ay tungkol sa mga epekto ng mga liriko ng mga piling sikat na kanta sa imahe ng mga tao. Dito malalaman kung bakit kaakit-akit ang mga liriko ng mga kanta sa mga tao at kung anu-ano ang mga problema ukol sa nasabing paksa na dapat bigyan ng solusyon. Ano ang importansya ng musika sa buhay ng tao? 1.
Anong meron sa musika na nakakaapekto ng ating karakter?
2. Bakit makakaugnay ang mga tao sa mga liriko ng kanta? 3.
Paano nakakaapekto ang musika sa pagiging conscious natin sa ating pisikal na kaanyuan?
4.
Sa tingin mo, nakakatulong ba ang musika sa pagiging kaakit-akit ng tao?
3 D. KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK KABATAAN
Kadalasan kasi, hindi natin napapansin ang pag-iiba natin ng imahe kaya mahalaga ang pananaliksik na ito sa mga kabataan para mas maintindihan nila ang kapwa nila kabataan kung bakit ganoon ito umasta o manamit kadalasan kasi mga kabataan ang mas nakikitaan ng mga pagbabago. MAGULANG
Hindi maiiwasan ng mga magulang na mag-alala lalong-lalo na pagnakita nila ang kanilang mga anak na nagbabago kaya makakatulong ang pananaliksik na ito na ipaintindi sa kanila ang mga posibleng epekto ng isang musika o awitin sa kanilang anak. MANUNULAT NG MGA KANTA
Mahalaga para sa isang manunulat ang pagkilala sa kanilang tagapakinig. Makatulong itong pananaliksik na ito para mas makilala at malaman ang mga epekto ng mga kanta na kanilang ginagawa sa isang tao. GURO
Kahit nasa paaralan, mahilig pa rin ang mga estudyanteng makinig ng musika kahit sa kalagitnaan ng klase. Ang musika kasi nakakaapekto rin sa kung ano ang pinapakita nating karakter sa paaralan. Makakatulong ang pananaliksik na ito para malaman ng guro kung gaano kalalim ang epekto ng musika sa kanilang mag-aaral at para mahanapan nila ng paraan kung paano makuha ang loob ng mga mag-aaral na masyadong attach sa musika.
4 D. Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral
Ang saklaw lamang ng pananaliksik na ito ay ang epekto lamang ng liriko ng mga piling sikat na kanta sa pagiging kaakit-akit na imahe ng tao. Ang pokus ng mga respondyente sa pananaliksik na ito ay ang imahe lamang. Hindi sa saklaw nito ang mga dahilan ng epekto na iyon. Sa pakikinig sa kanta, nililimitahan lamang ito na limang beses niya lang itong pwedeng pakinggan.
5 II. KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL A. Kaugnay na Literatura
Kamakailan lang, nagkaroon ng isang mahusay na pakikitungo ng mga pananaliksik sa impluwensiya ng media sa imahe ng isang indibidwal. Kadalasan sa mga pananaliksik at pagsusuri, nagkakaintindihan ang karamihan na ang media ay may mga epekto sa imahe ng tao. Sa isang pagsusuri, sinasabi nito na ang panunuod ng telebisyon kahit 30 mins lamang, ito ay nagsasaad ng pagbabago sa katawan ng mga babae (Myers & Biocca, 1992). Sa karagdagang pagsusuri ni Tiggermann & Pickering (1996), may kaukolang positibong paghahalintulad sa isang katawan ang panunuod ng mga soap opera at mga pelikula ay hindi nakapagbibigay satispaksyon. Sa pagsusuri nina Palladino-Green at Pritchard (2003), nakita nila sa 139 na mga matatanda, na ang media ay nakapaimpluwensiya ng malaki sa disatispaksyon ng katawan ng mga babae. Ito ay pinagtabayan nina Borzekowski, Robinson at Killen (2000) na ang kadalasang pakikinig ng mga music videos ay isang malaking salik sa pagtataas ng importansya at nagbibigay ng dagdag na bigat sa mga babae. Samantala, sa panig naman ni Tiggermann at Pickering (1996), nagpagalaman na ang pagpapayat ay sa kadahilanan ng paggamit ng oras sa panunuod ng
mga
music
title=Kasaysayan_ng_Musika )
videos.
(http://fil.wikipilipinas.org/index.php?
6 Isang makasaysayang yugto na naman ang narating ng pananaliksik sa musika sa Asia nang idaos ng Asia-Pacific Society for Ethnomusicology ang isang simposyum na pinamagatang “A Search in Asia for a New Theory of Music” sa Sentro ng Seameo-Innotech, Lungsod ng Quezon, Filipinas noong 1723 Pebrero 2002. Ang pangmundong palihan ay inorganisa ng Sentro sa Etnomusikolohiya ng Unibersidad ng Pilipinas sa pamumuno ng may-akda nito na si Dr. Jose Maceda, isang sagisag ng kontemporaneong iskolarship at paglikha sa musika sa Asia. Sa kaniyang paliwanag sa saligang banghay ng pagtitipon, tinurol ni Dr. Maceda ang paralelismo sa pagkatagpo ng kultura at agham sa renaissance sa Europa at gayon din sa pangkasulukuyang Asia. Inilapit niya ang mga ispesipikong aspekto na nangangailangan ng masusing pag-aaral at pagdalumat tungo sa kaalaman sa mga pundasyong pan-teorya sa mga kulturang pangmusika ng Asia. Una, ang mga estrukturang matematiko sa musikang pangkorte ng Silangan at Timog-Silangang Asia, na kumakatawan sa isang pilosopikong na ekspresyong kakaiba sa lohikang linear na siyang batayan ng musikang kanluranin Ikalawa, ang mga estruktura ng wika sa loob at katimugang Tsina, na kaugnay sa mga musikang pantinig Ikatlo, ang mga dimensiyong pangkultura ng kooperasyon at damayan sa paggawa sa lipunan, maging sa lungsod o sa kabayanan, na nailalahad sa palatunugan ng mismong musika na binubuo ng sari-saring kulay, orkestrasyon, habi, at mga konsepto ng panahon at mga patlang pantunugan. Ang kabuuan ng simposyum ay masasabing isang obra maestra sa
7 orkestrasyon na likha ni Dr. Maceda, na siyang kumalap buhat sa kalawakan ng pangmundong karunungang pang-aralin at sining, upang buuin ang isang holistikong talakayang naglalaman ng mga pulong na pinagtagni-tagni ayon sa isang progresyon ng iba-iba ngunit magkakaugnay na paksa. Ang ilan sa mga pangunahing tagapagsalita ay inanyayahan dahil sa kanilang mahahalagang kontribusyon sa karunungan sa larangan ng agham, humanismo, at pilosopiya sa Asia, bagama’t hindi pa sila gaanong kilala sa komunidad ng musika sa Asia. Kasama na rito sina Joseph C.Y. Chen, isang propesor ng Pisika sa UC San Diego; Yi-Long Huang, propesor ng astronomi at kasaysayan; Subhash Kak ng India, isang siyentipitista, makata, at iskolar sa Veda; Lawrence Reid, kilalang autoridad sa wika; at Kapila Vatsyayan, artista sa sayaw at manunulat sa kasaysayang pansining. (RAMON P. SANTOS, PH. D) Ang tugtugin o musika,
kadalasan
na
isang sining/libangan,
ay
isang kabuuang panlipunang katotohanan na nagkaiiba ang mga kahulugan ayon sa kapanahunan at kultura," sang-ayon kay Jean Molino. Kadalasang pinagkakaiba ito sa ingay. Sang-ayon sa musikolohista na si Jean-Jacquse Nattiez: "Ang hangganan sa pagitan ng musika at ingay ay palaging kultura ang nagbibigay kahulugan--na nagpapahiwatig na, kahit sa loob ng nag-iisang lipunan, ang hangganan na ito ay hindi palaging dumadaan sa parehong lugar; sa madaling salita, bihira ang pagkakaisa. Sa lahat ng pangyayari, wala ni isa at interkultural unibersal na kaisipan na nagbibigay kahulugan kung ano ang musika. (http://tl.wikipedia.org/wiki/Tugtugin )
8 B. Kaugnay na Pag-aaral
Nung naunang panahon ang mayroon na musika mga tunog na nangmumula sa mga istrumentong gawang bahay kundiman eh mga simpleng gitara lamang. Masaya na dati an gating mga ninuno sa mga simpleng “kantahan” at napapaibig nila ang mga dalaga sa papagitan ng pagaharana dito. Ang tugtugin o musika, kadalasan na isang sining/libangan, ay isang kabuuang panlipunang katotohanan na nagkaiiba ang mga kahulugan ayon sa kapanahunan at kultura," sang-ayon kay Jean Molino. Kadalasang pinagkakaiba ito sa ingay. Sang-ayon sa musikolohista na si Jean-Jacquse Nattiez: "Ang hangganan sa pagitan ng musika at ingay ay palaging kultura ang nagbibigay kahulugan--na nagpapahiwatig na, kahit sa loob ng nag-iisang lipunan, ang hangganan na ito ay hindi palaging dumadaan sa parehong lugar; sa madaling salita, bihira ang pagkakaisa.... Sa lahat ng pangyayari, wala ni at
interkultural
isa
unibersal na kaisipan na nagbibigay kahulugan kung ano ang
musika. Ngunit di naman lang dyan lang ginagamit ang musika sa mga ating mga kapatid sa mga tribo ay ginagamit ang musika bilang paraan nila ng komunikasyon. Gamit ang kanilang gawan tambol at simpleng patpat para makausap, manghingi ng tulong o di man kaya ay magbigay babala. Maaaring tumukoy ang katutubong musika sa kahit anumang mga musika ng mga
katutubo, lalo na ang musikang pambayan, pang-seremonya o rituwal, at pangrelihiyon mga tradisyon ng mga taong iyon. 9 Pero sa mga panahon ngayon ay di simpleng musika ang maririning natin ginagamitan na ito ng makabagong teknolohiya. Subalit kahit ginamitan ito ng teknolohiya andun parin ang kaakitakit ng panganyaya nito. (Isang pananliksik tungkol sa modernong musika ng bagong henerasyon ni Edmar John San Diego)
10 III. METODO AT PAMAMARAAN A. Mga Respondyente
Ang mga kukunin naming respondyente sa pananaliksik na ito ay mga mag-aaral ng Cebu Doctors’ University. Dalawang piling mag-aaral mula sa kada lebel ng iba’t ibang kurso maliban sa Graduate school at Medicine department. Isang babae at isang lalaki. Mula sa Kolehiyo ng Allied Medical Science ay labing-anim (16) na respondyente. Sa Kolehiyo ng Rehabilitative Sciences naman ay dalawampu’t walong (28) respondyente. Dalawampu’t apat (24) naman ang respondyente na galing sa Kolehiyo ng Arts & Science. Tig-wawalo naman mula sa Kolehiyo ng Pharmacy at Nursing. Tig-iisang dosena ang respondyente galing sa Kolehiyo ng Dentistry at Optometry kasi tig-aanim na taon ang mga kursong ito. Isang daan at walo lahat ng respondyente para sa pananaliksik na ito. B. Pamaraan ng Pananaliksik
Hinahati ang respondyente sa tatlong grupo. Ang isang grupo ay nakaassign na makinig sa musikang naglalarawan ng pagiging kaakit-akit ng isang tao. Ang ikalawang grupo ay nakaassign na makinig sa musikang nagbibigay mensahe na ang pagiging kaakit-akit ay importante sa isang tao. At ang ikatlong grupo ay nakaassign bilang kontrol na grupo o grupo na makikinig sa musikang walang
kinalaman sa pagiging kaakit-akit ng isang tao. Tatlong klase ng genra ang pakikinggan ng bawat grupo. Isang country, isang alternative at isang pop. Unang-una nilang gagawin ay ang pagbasa ng mga terms at pagpirma ng 11 consent na nagpapatunay na pumapayag sila na gawin ang eksperimentong ito. Pagkatapos, sasagutan nila ang Demographics Questionnaire at Appearance Schema Inventory. Pagtapos na, makikinig na sila sa mga kantang naka assign sa kanila. Bibigyan sila ng mga liriko bago magsisimula ang kanta para masundan
nila
ang
kanta. Para panghuli,
sasagutan
nila
ang Song
Questionnaire, Brief Circumplex of Affect Scale (BCAS), Body Figure Perception Questionnaire, Attention to Body Shape Scale (ABS), The Body Esteem Scale (BES), and Body Image Avoidance Questionnaire (BIAQ). C. Lugar ng Pananaliksik
Ginawa ang pananaliksik na ito sa isang isolated na kwarto. Sa loob ng kwarto ay mga mesang may divider para maiwasan ang interaksyon ng ga respondyente. Hindi dapat magtabi ang mga respondyente na pareho ng kasarian at pariho ng lebel at kurso. Sa bawat mesa, may nakahandang kopya ng liriko at headphones para sa pakikinig ng kanta. D. Istrumento ng Pananaliksik
Demographics Questionnaire. Nakapaloob sa questionnaire na ito ang mga
karaniwang impormasyon tungkol sa respondyente tulad nga Pangalan, Edad, Kurso at taon at Music Preference. Appearance Schema Inventory . Ang questionnaire na ito ay mayroong labing-
apat (14) na katanungan. Dito e.rerate ang paniniwala at mga akala ng respondyente tungkol sa importansya at kahulugan ng pagiging kaakit-akit. Lima (5) ang pinakataas na rate samantalang isa (1) ang pinakmababa. 12 Song Questionnaire . Ang questionnaire na ito ang unang binibigay sa mga
respondyente pagkatapos na pagkatapos nilang makinig sa musika. Nakapaloob sa questionnaire na ito ang mga tanong tungkol sa kanta. Katulad ng kung nagustuhan ba nila ang kanta o narinig na ba nila ang kantang iyon noon. E.rerate rin nila mula sa isa (1) hanggang sampu (10). Sampu ang pinakamataas at isa naman ang pinakamababa. Song Lyrics. Ibinibigay ang kopya ng liriko sa mga kanta pinapakinggan ng mga
respondyente kasi pinapasunod kasi sila sa kanta gamit ito. Tatlong CD na may iba’t ibang laman na kanta. Tig-iisang CD bawat grupo.
Ginagamit ito sa pakikinig ng kanta. Brief Circumplex of Affect Scale (BCAS). Walong item na affect scale na
sumusukat sa bawat isa sa walong types ng affect na bumubuo ng Circumplex.
Body Figure Perception Questionnaire (BFPQ). Binubuo ng siyam (9) na
Silhouette. Bawat isang Silhouette ay nagrerepresenta ng isang body size. May number na nakaassign sa bawat Silhouette. Pinabibilugan ang silhouette na sa tingin mo nagrerepresenta sa body size mo ngayon. Bibigyan ka ulit ng ganitong questionnaire pero ang numerong iyong bibilugan an gang numero ng silhouette na gusto mong maging ang iyong katawan. Attention to Body Shape Scale (ABS). Sa scale na ito pinapakita kung gaano
binibigyang atensiyon ng respondyente ang kanyang katawan. E.rerate ito mula isa hanggang lima. Lima ang pinakamataas at isa ang pinakamababa.
13 The Body Esteem Scale (BES). Nakapaloob dito ay Tatlumgpu’t dalawang
katanungan. Bawat katanungan ay e.rerate mo mula one hanggang lima. Lima pa rin ang pinakamataas at isa ang pinakamababa. Body Image Avoidance Questionnaire (BIAQ). Nakapaloob ang labing-siyam
na katanungan na masasagot ng 5-point scale. Lima pa rin ang pinakamataas. Sa questionnaire na ito nasusukat ang respondyente kung gaano niya pinakaiiwasan ang mga sitwasyong konektado sa pagiging kaakit-akit ng isang tao. E. Pangongolekta at Pagsasaayos ng Datos
Pagkatapos naming gawin ang survey, i-sasaayos ng mga mananaliksik ang mga datos sa pamamagitan ng pagkilala kung anong grupo ito nabibilang at kung anong lebel at kurso na ito. I-tataya ng mga mananaliksik ang kanilang sagot sa MS Excel para mas madali ang paggawa namin ng chart kung saan makikita mo ang percentage nangbawat questionnaire. Mas madali kasing maintindihan ang resulta pag nasa chart siya.
14 BIBLIOGRAFI
- Tungo sa Pagtuklas ng Isang Bagong Teorya sa Musika RAMON P. SANTOS, PH. D. http://www.ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/articles-on-c-n-a/article.php? subcat=13&i=86 - Binago ang pahinang ito noong 22:56, 16 Hulyo 2008.
http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Kasaysayan_ng_Musika - Ring, Andrea J. Fort Hays State University (2005)
The effects of lyrics of selected popular music forms on body image - Isang pananliksik tungkol sa modernong musika ng bagong henerasyon Edmar John San Diego www.scribd.com - http://tl.wikipedia.org/wiki/Tugtugin