Kahulugan ng Panitikan - ay pagpapahayag ng damdamin ng tao tungkol sa iba’t ibang bagay sa daigdig. - ay bungang isip na isinatitik. - ay matibay at panghabambuhay na pagpapahayag ng mahalagang karanasan ng tao sa mga salitang nahusat na pinili at iniayos. - ay isang anyo ng pagpapahayag ng tao na binubuo ng maayos at masining na pagti tipun-tipon ng mga salita, sa tula o sa tuluyang anyo man na ginagamitan ng imah inasyon. - ay nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayah an, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangam ba. Sa Kabuuan: Ang Panitikan ay isang matibay at panghabang panahong pagpapahayag n g mahalagang karanasan ng tao sa mga salitang mahusay na pinili at isinaayos. MGA IBA’T IBANG KATUTURAN NG PANITIKAN : • Ang panitikan ay ang nasusulat na tala ng pinakamabuting kaisipan at damdamin ng tao. • Ang panitikan ay pag-aaral ng kariktan at kahulugan ng buhay at pamumuhay na n agmumulat sa bayan upang paglirip-liripin ng balana ang maraming palaisipan duma rating sa buhay ng bawat nilalang. • Ang panitikan ay talaan ng buhay. • Bungang – isp na isinatitik. • Ito ay yaong nagpapahayg ng kaisipan, damdamin, panaginip at karanasan nng sangk atauhang nasusulat sa maganda, makahulugan at masining na mga pahayag. • Ito ay kabuuuan ng mga kaisipan, karanasan ng isang bansa, paniniwala, pamahiin at pangarap ng isang lahi na ipinahahayag sa mga piling salita, sa isang maganda at makasining na paraan. • Kathang pampanitikang nag-iiwan ng bisa sa isip at puso ng mambabasa Mga Dahilan Kung Bakit Dapat Pag-aralan ang Panitikang Pilipino 1. Upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating minanang yama n ng kaisipan at taglay na katalinuhan ng lahing ating pinagmulan. 2. Upang matalos natin na tayo ay may marangal at dakilang tradisyon na na gsilbing patnubay sa mga impluwensya ng ibang mga kabihasnang nanggagaling sa ib ang mga bansa. 3. Upang mabatid natin ang mga kapintasan sa ating panitikan at makapagsana y upang maiwasto ang mga ito. 4. Upang malaman ang ating mga kagalingan sa pagsulat at mapagsikapang ito ay mapagbuti at mapaunlad. 5. Bilang mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakitr sa ating sariling ku ltura ay dapat nating pag-aralan ang ating panitikan sapagkat tayo higit kanino man ang dapat magpahalaga sa sariling atin. Dalawang Pangkalahatang Anyo ng Panitikan 1. ta)
Tuluyan o Prosa – nasusulat sa karaniwang takbo ng mga pangungusap (patala
2. Patula – ang mga pahayag ay may sukat o bilang ng mga pantig, tugma at ali w-iw (pataludtod)
Mga Akdang Tuluyan 1.
Nobela o Talambuhay – isang mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata.
2. Maikling Kwento – isang maikling kathang pampanitikang nagsasalaysay ng pa ng-araw-araw na buhay na may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari at isang k akintalan. 3.
Dula – isang anyong patuluyang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan.
4. Alamat – isang akdang pampanitikang ang pinakadiwa ay ang mga bagay na mak asaysayan at tumutukoy sa pinagmulan ng isang bagay o mga bagay. 5. Parabula – isang katha o salaysaying matalinghaga at may-aral mula sa bana l na kasulatan. 6. Pabula – kwento ng mga hayop at ng mga bata. 7. Talambuhay – isang akdang tungkol sa kasaysayan ng buhay ng isang tao. 8. Sanaysay – isang akdang nakatuon sa isang tanging paksa at naglalayong mag lahad ng mga kuru-kuro o pananaw ng may-akda. 9. Talumpati – isang akdang pampanitikang ang layunin ay bigkasin sa harap ng madla upang makaakit o magpapaniwala. Mga Akdang Patula 1. Tulang Liriko o Damdamin – nagtataglay ng mga karanasan, kaisipan, g uni-guni, pangarap at iba’t ibang damdaming maaaring madama ng may-akda o ng ibang tao. Mga Uri ng tulang Liriko a. Awiting Bayan – karaniwang pinapaksa nito ay may kinalaman sa pag-ibig, ka biguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot at kaligayahan. b. Soneto – may labing-apat na taludtod at ang nilalaman ay tungkol sa damdam in at kaisipan at may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao. c. Oda – pumupuri ito sa mga pambihirang nagawa ng isang tao o grupo ng mga t ao, masigla ang nilalamn at walang katiyakan ang bilang ng mga pantig sa bawat t aludtod. d. Elehiya – tulang may kinalaman sa guni-guni tungkol sa kamatayan. e. Dalit – tulang nagpaparangal sa Dakilang Lumikha at may kahalong pilosopiy a sa buhay. f. Mga Tulang Patnigan – kabilang dito ang karagatan, duplo at balagtasan. 2. Tulang Pasalaysay – naglalahad ng makukulay at mahahalagang tagpo sa buhay tulad ng pag-ibig, pagkabigo at tagumpay; katapangan at kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma. Mga Uri ng tulang Pasalaysay a. Epiko – ang tulang ito ay nagsasalaysay ng kabayanihan ng isang tao at may sangkap ng kababalaghan, mahika at iba pang uri ng pagpapalutang ng kadakilaan. b. Awit at Kurido – nagsasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran ng mga kilala ng tao sa mga kaharian tulad ng hari, reyna, prinsipe prinsesa, duke, konde, at iba pang dugong mahal na ang layunin ay palaganapin ang Kristiyanismo. 2. Tulang Pantanghalan o Dulaan – katulad din nito ang karaniwang dula, ang k aibahan nga lamang ay binibigkas ng mga tauhan ang kanilang mga diyalogo sa para ang patula. Salamin ng lahi
= Nag-uugat ang lahat ng likhaing pampanitikan mula sa buhay, at naglalarawan ng kulturang pinagmulan nito. = Ang Panitikan ay salamin ng lahi sapagkat masasalamin dito ang mga matatayog, mararangal, malikhain at madamdaming kaisipan at saloobing hinabi sa mga karanas an ng bawat mamamayan. Naririto ang kariktan at kapangitan, ang tamis at pait, a ng tagumpay at kasawian ng bawat tao sa isang lipunan. Dahil dito nawiwika natin na ang panitikan ay salamin ng kasaysayan. = Sa pamamagitan ng panitikan ay masasalamin o tahasang natutukoy ang mga ugali at pamumuhay ng mga taong pinagmulan o lumikha nito. Sa panitikan ng isang bansa o lahi ay nakatitik ang mgakasaysayan nito. Likas sa taong isulat kung alin lam ang ang namumukod o natatangisa pang araw-araw na takbo ng buhay. Dahil dito y l agi nang nakabuhol ang panitikanat kasaysayan ng isang pangkat ng mga tao. Karan asan ng buong lahi ang panitikan. Iba t ibang Panahon sa sa Kasaysayan at ang Kalagayan ng Panitikan noong Panahon g ito: -Panahon Bago Dumating Ang Mga Kastila Nariyan ang Mga Alamat, Mga Kuwentong Bayan, Epiko, Mga Awiting Bayan, Kundiman atbp. -Panahon ng mga Kastila Nariyan ang mga unang aklat na nailimbag. At lahat halos naong panahong ito ay n aisulat sa wikang Kastila. Ang Doctrina Cristiana. Mga Dulang Panlibangan, Sarsu ela atbp. -Panahon ng Mga Amerikano Umusbong ang Panitikan sa Wikang Ingles ngunit mas sumibol ang Panitikan sa Wika ng Tagalog. Nariyan ang mga kilalang mga manunulat tulad ni Manuel Bernabe, Inig o Ed. Regalado, Claro M. Recto, Florentino Collantes, Amado V. Hernandez, Valeri ano H. Pena atbp. -Panahon ng Mga Hapones Nauso ang mga iba t ibang uri ng Panitikan sa impluwensiya ng mga Hapones tulad ng mga Haiku, Tanaga atbp. Noong panahong ito rin ipinagbawal ang pagsulat ng In gles na Panitikan. -Panahon ng Isinauling Kalayaan -Dito nauso ang mga Ingles na nobela nina Ernest Hemingway, William Saroyan at J ohn Steinbeck. Maraming mga manunulat ang naimpluwensyahan sa gamit na istilo ng mga tanyag na Amerikanong mga manunulat at nobelista.