Pormat ng Pananaliksik PORMAT NG FILIPINO 02
INYONG
PANANALIKSIK
SA
I. Panimula A. Saligan ng pag-aaral B. Pagpapahayag ng suliranin C. Lawak at sakop ng pag-aaral D. Pagbibigay katuturan sa mga katagang ginamit E. Kahalagahan ng pag-aaral F. Layunin II. Mga kaugnay na pag-aaral ( mga 5 at higit pang libro ang makikita sa parteng ito) III. Metodolohiya IV. Paglalahad at pagpapakakahulugan sa mga nakalap na datos V. Konklusyon, lagom at mungkahi VI. Bibliyograpi
VII. Apendiks
NILALAMAN NG INYONG PANANALIKSIK. Saligan ng pag-aral :
Binigbigyang-daan sa introduksyon ang maalwang pagdaloy ng kaisipan tungo sa paksa at layunin. Kailangang maging maliwanag at maikli ang mga pambungad. Hindi dapat maging mahaba pa ito kaysa sa paksang talakay.
Layunin ng pag-aaral:
Ano ang gustong malaman o matuklasan sa iyong pananalisik. Pagpapahayag ng suliranin:
Kailangan hindi pang-karaniwan, may interes ang magaaral ,may kahalagahan ito sa sa estudyante , at maging sa ibang tao o institusyon. Ang paglalahad ng suliranin ay maaring isaayos sa pamamagitan ng patanong o paturol na pangungusap.
Kailangan lamang na maging tiyak , maliwanag at hindi masaklaw. Hanggat maari, kailangan makapukaw ito ng interes at may tiyak ding katugunan. Lawak at sakop ng pag-aaral :
Dapat ay ispisipiko at naglalayon na I-pokus ang atensyon ng sumusulat sa pinakapaksa. Pagbibigay katuturan sa mga katagang ginamit sa pagaaral:
Binibigyang paliwanag o pakahulugan ang mga mahahalagahang salitang ginamit ng mananaliksik. Isang mabisang paraan ito sa pagpapadali ng unawa ng kabuuan.
Kahalagahan ng pag-aaral :
Ano ang magiging kontribusyon ng inyong pananaliksik sa sarili, kapwa, lipunan, pamahalaan at bayan. Kailangan tuwirang makapag-ambag ito ng mahalagang kabatiran at dagdag na kaalaman para sa nakaraan, ngayon at hinaharap. II. Mga kaugnay na pag-aaral:
Ilalahad sa kabanatang ito ang balik-aral ng mga kaugnay na literature ng mga naisagawang pagsisiyasat . Sa mga nalikom na pag-aaral at mga literature masasalig ang kasalukuyang saliksik at basehan ng rekomendasyon at konklusyon. III. Metodolohiya:
Dito nakasaad kung papaano ikaw, bilang manananaliksik ay magkakalap ng mga datos para iyong pag-aaral. Maari kang gumamit ng pakikipanayam, surbey, magbasa libro, empirical obserbasyon, at magbasa ng libro at marami pa. IV. Paglalahad , pagsusuri at pagpapakahulugan ng datos:
Sa paglalahad, maaring talakayin ng mananaliksik ang bawat himaymay ng mga nakuhang tala upang higit na maging maliwanag ang presentasyon nito sa mga babasa. Sa pagusuri at pagpapakahulugan ng mga datos, nais ng sumusulat na ilahad ang katotohanan mula sa mga kagamitang inilalarawan batay sa layunin ng pag-aaral. SA kabanatang ito nabubuo ang kalahatan o dyeneralisasyon o panuntunang nais iparating. Kung may nais naming sukatin, dito rin makikita ang istadistika, figura o talahanayan na siyang batayan ng pagsusuri at pagpapakahulugan. V. Lagom ng natuklasan, konklusyon at rekomendasyon:
Ito ang pangwakas na bahagi na katatagpuan ng pinakabuod ng pag-aaral. Muling pinalilitaw dito ang mga natuklasan ayon sa paksang inilahad. Batay sa mga natuklasan ito, napag-iisa ang nabuong konklusyon para sa pangkalahatang dyeneralisasyon. Maarin ilahad ng mananaliksik ang kanyang mga natuklasan sa pamamagitan ng mga Kritisismo, rekomendasyon o antas ng tagumpay na natamo ng pagsisiyasat. Ang natapos na pag-aaral ang magiging lunsaran ng iba pang mananalaiksik para sa mas malalim at malawak na pag- aaral
VI. SANGUNIAN ( BIBLIYOGRAPI) dito makikita ang mga librong ginamit, journals, magazine, websites and iba pa VII. APENDIKS mga tanong para sa interbyu, surbey