Proseso ng Pananaliksik Saligan ng pag-aral : Binigbigyang-daan sa introduksyon ang maalwang pagdaloy ng kaisipan tungo sa paksa at layunin. Kailangang maging maliwanag at maikli ang mga pambungad. Hindi dapat maging mahaba pa ito kaysa sa paksang talakay.
Layunin ng pag-aaral: Ano ang gustong gustong malaman o matuklasan sa iyong pananalisik. pananalisik. Pagpapahayag ng suliranin: Kailangan hindi pang-karaniwan, may interes ang mag-aaral ,may kahalagahan kahalagahan ito sa sa sa estudyante , at maging sa ibang tao o institusyon. Ang paglalahad ng suliranin ay maaring isaayos sa pamamagitan ng patanong o paturol paturol na pangungusap. Kailangan lamang na maging tiyak , maliwanag at hindi masaklaw. Hanggat maari, kailangan makapukaw ito ng interes at may tiyak ding katagunan. Lawak at sakop ng pag-aaral : Dapat ay ispisipiko ispisipiko at naglalayon na I-pokus ang atensyon atensyon ng sumusulat sa sa pinakapaksa. Pagbibigay katuturan sa mga katagang ginamit sa pag-aaral: Binibigyang paliwanag o pakahulugan ang mga mahahalagahang salitang ginamit ng mananaliksik. Isang mabisang paraan ito sa pagpapadali ng unawa ng kabuuan. Kahalagahan ng pag-aaral : Ano ang magiging kontribusyon ng inyong pananaliksik pananaliksik sa sarili, kapwa, kapwa, lipunan, pamahalaan at bayan. Kailangan tuwirang tuwirang makapag-ambag ito ng mahalagang kabatiran at dagdag na kaalaman para sa nakaraan, ngayon at hinaharap. II. Mga kaugnay na pag-aaral: Ilalahad sa kabanatang ito ang balik-aral ng mga kaugnay na literature ng mga naisagawang pagsisiyasat . Sa mga nalikom na pag-aaral at mga literature masasalig ang kasalukuyang saliksik at basehan ng rekomendasyon at konklusyon. konklusyon. III. Metodolohiya: Dito nakasaad kung kung papaano ikaw, bilang bilang manananaliksik ay magkakalap ng mga datos para iyong pag-aaral. Maari kang gumamit ng pakikipanayam, surbey, magbasa libro, empirical obserbasyon, at magbasa ng libro at marami m arami pa. IV. Paglalahad , pagsusuri at pagpapakahulugan ng datos: Sa paglalahad, maaring talakayin ng mananaliksik ang bawat himaymay ng mga nakuhang tala
upang higit na maging maliwanag ang presentasyon nito sa mga babasa. Sa pagusuri at pagpapakahulugan ng mga datos, nais ng sumusulat na ilahad ang katotohanan mula sa mga kagamitang inilalarawan batay sa layunin ng pag-aaral . SA kabanatang ito nabubuo ang kalahatan o dyeneralisasyon o panuntunang panuntunang nais iparating. Kung may nais naming sukatin, ditto ditto rin makikita ang istadistika, istadistika, figura o talahanayan na na siyang batayan batayan ng pag-susuri pag-susuri at pagpapakahulugan. V. Lagom ng natuklasan, konklusyon at rekomendasyon: Ito ang pangwakas na bahagi na katatagpuan ng pinakabuod ng pag-aaral. Muling pinalilitaw ditto ang mga natuklasan ayon sa paksang inilahad. Batay sa mga natuklasan ito, napag-iisa ang nabuong konklusyon para sa pangkalahatang dyeneralisasyon. Maarin ilahad ng mananaliksik ang kanyang mga natuklasan sa pamamagitan ng mga Kritisismo, rekomendasyon o antas ng tagumpay na natamo ng pagsisiyasat. Ang natapos na pag-aaral ang magiging lunsaran ng iba pang mananalaiksik para sa mas malalim at malawak na pag-aaral.