Isang pananaliksik na isinagawa bilang pagtupad sa kursong Pagbasa at Pagsulat Tungo sa PananaliksikFull description
-Fiipino Subject -
Full description
This upload is intended to share a block and/or format that students can follow when doing research. No copyright infringement intended. Credits go to the researcher as indicated in the foo…Full description
Indigenous research methodsFull description
Mga Layunin Ng PananaliksikFull description
Full description
Filipino Thesis
ddd
Full description
Full description
Full description
Halimbawa ng MetodolohiyaFull description
FormatFull description
Kabanata 3 Metodolohiya Ng PananaliksikFull description
researchFull description
Full description
Kabanata 3 ng Pangkat 5 Title: Isang Pag-aaral Ukol sa Pagkakaiba ng Purified, Distilled, at Alkaline Water sa Kalusugan ng 100 Estudyante mula sa Ika-Unang Taon ng Kolehiyo sa Kursong Phar…Full description
Rebisyon ng Papel-Pananaliksik
Alucema, Lian g.
Stem c301
LAGRO HIGH SCHOOL
Ang editing ay ang paghahanap ng maliliit na suliranin sa teksto na madaling masolusyonan gaya ng pag-aalis o pagdaragdag ng salita o pangungusap, pag-aalis o paglilipat ng talata, at iba pa. Sa bahagi ring ito nirerebisa ang wika ng papel upang maging mas malinaw, maikli ngunit malaman, at madaling basahin para sa mga mambabasa.
Tukuyin ang pangunahing punto ng papel-pananaliksik.
Ano ang pangunahing nais sabihin ng inyong papel? Subuking ibuod ang pangunahing tesis ng papel at ang mga ebidensyang ginamit upang mapatunayan ito. Malinaw ba ang tesis ng papel at may tiyak ba itong pinatutunguhan?
Mga Gabay sa Pagsasagawa ng Rebisyon
Baguhin ang punto de bista mula sa pagiging mananaliksik tungong mambabasa.
Magkunwang binabasa mo ang pananaliksik ng ibang tao. Ano sa tingin mo ang punto ng kalakasan at kahinaan ng papel? Bakit? Ano sa tingin mo ang mga magagawa upang mapabuti pa ang iba't ibang bahagi ng papel? Madali bang maunawaan ang kabuuan ng pananaliksik?
Alisin ang mga pagkakamaling gramatikal.
May mga pagkakamali ba sa gramatika, pagbabantas, at pagbaybay? Kung may pagkakamali, tiyakin ang maayos na pagtatala ng mga ito, at kung hindi tiyak sa tamang ginamit, maaaring komunsulta sa mga dalubhasa sa wika.
Pakinisin ang gamit ng wika sa kabuuan ng papel- pananaliksik.
May mga malabong ideya at pangungusap ba dahil sa hindi maayos na gamit ng wika? Basahin nang malakas ang iyong papel at pakinggan kung may hindi akmang mga salita at malabong ideya. Alisin ang mga salitang may malabong kahulugan at maling paggamit.
Panatilihin lamang ang mahahalagang punto ng pananaliksik.
Lahat ba ng ideya ay may kinalaman sa pangunahing tesis ng papel? May mga ideya bang walang kinalaman sa paksa o tesis ng pag-aaral? Kung mayroon man, kailangan mo bang baguhin ang tesis ng pag-aaral o alisin na lamang ang ideya?
Tasahin ang iyong mga ebidensya.
Sinusuportahan ba ng kabuuang papel ang tesis ng iyong pag-aaral? May sapat bang ebidensya at datos upang mapanindigan ang mga argumento ng papel? Kung gumamit ka ng mga sipi mula sa kaugnay na literature at pag-aaral, maayos mo bang natukoy at kinilala ang pinagmulan nito?
Tukuyin kung sino ang mga mambabasa ng pananaliksik at kung ano ang mga layunin nito.
Nakamit ba ng papel-pananaliksik ang mga tinukoy na layunin? Kung para ito sa tiyak na populasyon o grupo ng kalahok, magbibigay-linaw ba ang pananaliksik sa paksang tinalakay?
Editing at Proofreading
Ang proofreading naman ay may kinalaman sa mga pagkakamaling gramatikal, tipograpikal, at pagbabantas. Kailangan maging maingat sa pagbasa ang mananaliksik sa bahaging ito dahil tinitingnan ang baybay at tamang gamit ng bawat salita. Kadalasang nagkakamali ang mga mag-aaral sa gamit ng "ng at nang" at "dito", "doon at roon", at iba pa.
Rebisyon ang pinakahuling proseso sa produksiyon ng papel- pananaliksik. Muling tinatanggap ang posibilidad na ang isang bahagi ng papel o maaaring ang buong papel-pananaliksik ay kailangang muling pagisipan.
iba't ibang uri ng rebisyon ayon sa Odegaard Writing and Research Center
Sa pamamagitan ng rebisyon, matutukoy kung may mga pagkakamali sa datos na inilahad o kaya'y makatutuklas ang mananaliksik ng mga mabisang paraan ng presentasyon ng mga ito kung uli't muling babalikan at babasahin ang pananaliksik.
Ang malawakang rebisyon ay may kinalaman sa pagtatasa ng kabisaan ng kabuuang papel. Maaaring may kinalaman ito sa pagdaragdag ng mas matibay na mga ebidensya o kaya'y pagpapatibay ng mga pangangatuwiran. Sa uri ng rebisyong ito, maaaring magdesisyon ang mananaliksik na muling isulat ang buong papel kung mas epektibo ang estrukturang naisip.
"Rebisyon"
Maaaring hindi malawakan ang uri ng rebisyon at mangailangan laman ng kaunting pagbabago kung isang bahagi lamang ang makitaan ng suliranin. Sa uri ng rebisyong ito, mahalagang muling basahin ang papel upang makita kung nakakonteksto sa kabuuan ang ginawang pagbabago.