KABANATA 1 ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
I.
Introduksyon
Edukasyon ang nagsisilbing haligi ng bawat kabataan tungo sa paghubog ng kanilang kinabukasan. ³Ang kabataan ang kinabukasan ng bayan´ (Rizal, Jose) ika nga, sa kabataan manggagaling ang patutunguhan ng ating bansa. Sa kanilang mga kamay nakasalalay ang bawat hakbang tungo sa kaunlarang tinatamasa ng bawat Pilipino na noon pama¶y ipinaglalaban na ng ating mga ninuno. Ngunit sa bawat daloy ng panahon, mayroon ding mga pagsubok na kinakaharapang tao sa mundo. Kabilang na rito ang pinakaiingatang edukasyon ng bawat kabataang Pilipino. Hindi lamang sa loob ng bansa nararanasan ng mga estudyante ang suliraning may kaugnay sakanilang pag-aaral, kundi pati sa mga bansang tulad ng Estados Unidos, ay damang-dama din ang suliranin sa performance ng mga estudyante sa eskwelahan. Kadalasan ay sa mga asignaturang Math, Science, at English nagkakaroon ng mga kumplikasyon ang mga estudyante sa kanilang mga marka. Dahil sa mga pangyayaring ito, nagkakaroon sila ng mga summer classes at remedial classes. classes. Nagsusumikap na matustusan ng gobyerno ang mga kakulangang ito sa iba¶tibang mga paraan tulad ng K+12 Basic Education Curriculum. Bakit nga ba bumabagsak ang mga estudyante sa mga asignaturang nararapat lamang nilang mapag-aralan? Ano ba ang mga kalalabasan ng mabababang marka sa eskwelahan dahil sa mababang performance ng mga estudyante? Ano ba ang mga kadahilanan ng kanilang pagbagsak? Sa pananaliksik na ito malalaman ang mga kasagutan sa mga katanungang ito.
II. Layunin ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay nag-bibigay ng kaalaman tungkol sa mga dahilan sa pagbagsak ng mga freshmen students sa Angeles University Foundation. Naglalayong itong matugunan ang mga sumusunod na katanungan:
1.
Ano ang posibleng dahilan kung bakit bumabagsak ang mga mag-aaral sa unang taon?
2.
Ano ang iba¶t-ibang salik na makakaapekto sa pagbabago ng pagganap ng mga freshmen sa kanilang pag-aaral?
3.
Ano ang maaaring maging epekto ng kanilang pagbagsak?
4.
Anu-ano ang mga posibleng solusyon upang malutas ang suliranin na ito?
III. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang mga mananaliksik ay umaasa at naniniwala na napakahalaga ng pag-aaral na ito dahil sa mga posibleng solusyon at Maari itong maging basehan sa kaalaman para sa mga estudyanteng nasa unang taon ng College of Allied Medical Profession dahil ang impormasyon dito ay maari ring maipalagay sa sitwasyon.
Ang mga impormasyong nakasaad dito ay mahalaga sa pagkat malaki ang maitutulong nito, hindi lamang sa mga mag-aaral sa Unang taon ng College of Allied Medical Profession ng Angeles University Foundation kundi pati narin sa mga mambabasa na maaring naghahanap ng mga layuin at solusyon kung bakit bumabagsak ang mga mag-aaral sa kani-kanilang mga pagaaral.
Gamit ang pananaliksik na ito, maari ring malaman ang kadahilanan at epekto sa pagkakabagsak ng mga estudyante at ang solusyon na dapat pang paunlarin sapag-aaral na ito.
Bukod dito, maeevalweyt ng mga mag-aaral ang mga limitasyon sa kaalaman at mga pag-aaral na dapat pang linangin ay mapagtuunan ng atensyon.
Sa gayon, gamit ang pag-aaral na ito, umaasa ang mga mag-aaral ng AUF na magkaroon ng mas matatag na pundasyon at kaalaman upang matukoy ang layunin ng pagaaral na ito.
IV. SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na isinasagawa ng mga mananaliksik ay isang importanteng kaalaman na maaaring magamit hindi lamang sa loob ng institusyon, kundi pati narin sa pamumuhay ng mga tao. Saklaw ng pananaliksik na ito ay ang mga bumabagsak na estudyante estudyante sa College of Allied Medical Professions ± Angeles University Foundation sa ikalawang semsetre ng akademikong taon 2011-2012.
Ang pananaliksik na ito ay nalilimitahan sa unang taon lamang ng mga kursong BS Medical Technology, BS Pharmacy at BS Physical Therapy sa College of Allied Medical Professions. Umaasa ang mga mananaliksik na maisasagawa nila ito sa takdang panahon nang hindi nawawala ang esensya at importansya ng pag-aaral. Ang paksang ³Dahilan ng Pagbagsak ng mga Estudyante´ ay magiging kapaki-pakinabang hindi lamang sa pangedukasyonal lang na langlarangan, kundi maging sa araw-araw nilang pamumuhay.
V. DEFINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA
Upang maging mas madali, maunawaan, at maintindihan ng mga mambabasa, nais naming bigyan ng kahulugan o depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay kung papaano ginamit ang bawat isa sa pananaliksik na ito: Ang Bawal na gamot ay mapanganib na gamot na naka apekto sa isip at sa katawan ng tao. Nabibilang ang bawal na gamot sa mga produktong droga na may kapeina, tabako, mga nalalanghap na sangkap o mga itinutusok, ang marihuwana, heroina, at mga isteroyd ang ilan sa halimbawa nito. Ang Bisyo ay isa sa mga kinahihiligan ng mga estudyante. Ilang halimbawa lamang nito ay sugal, droga, sigarilyo, alak at iba pa. Ang Kaibigan ay isang tao na maaring mag dulot ng kasamaan o kabutihan sa kapwa niya mag-aara mag-aaral. l. Ang Kapaligiran ay isang lugar na nakapaligid sa isang tao o bagay. Maaring magulo o tahimik. Ito rin ay nakakaapekto sa isang mag-aaral. Ang Karamdaman ay ang estadong pagkakaroon ng sakit na nagreresulta sa hindi pagpasok ng isang mag-aaral sa paaralan. Ang Memorya ay ang kakayahan ng pag-iisip ng isang estudyante na alalahanin at panatilihin ang mga impormasyon ng nakaraang leksyon o pangyayari sa kanyang isipan. Ang Tahanan ay isang lugar kung saan nakatira ang isang mag-aaral. Maari rin itong maka apekto sa isang mag-aaral kung ano man ang klaseng pamilya ang nandito. Maaari ng magulo o tahimik. Ang
Emosyon
ay
ang
damdamin
pagmamahal, pagkagalit, atbp.
ng
pagkatuwa,
pagkalungkot,
pagkatakot,
MGA BUMABAGSAK NA ESTUDYANTE SA UNANG TAON NG COLLEGE OF ALLIED MEDICAL PROFESSIONS ; MGA DAHILAN AT EPEKTO HINGGIL SA MGA ASIGNATURANG MAJOR NA MAJOR NA KADALASANG NABABAGSAK NG MGA ESTUDYANTE SA AKADEMIKONG TAON 2011-2012
Isang Pananaliksik na Iniharap sa Kaguruan ng Departamentong Filipino, Kolehiyong Allied Medical Professions, Angeles University Foundation
Bilang Pagtupad sa isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang filipino 2, Pagbabasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
Isusumite nina: Agatha L. Malinit Jhon Joseph Ocampo Ng BSMT-1B
Isusumite Kay: Dr. Leonora L. Yambao