Lyceum of the Philippines-Laguna Former Lyceum Institute of Technology Km. 54 Makiling, Calamba City, Laguna Kolehiyo ng Inhenreriya at Pag-aaral ng Kompyuter
Pagsasaliksik sa mga Dahilang Higit na Nakakaapekto sa Pagbagsak sa ilang Asignatura sa Kursong ECE
Jessa Marie S. Borcer Ma. Ramona Alcantara Jariette Molinyawe Pierce Gianni Desear
Lyceum of the Philippines-Laguna Former Lyceum Institute of Technology Km. 54 Makiling, Calamba City, Laguna Kolehiyo ng Inhenreriya at Pag-aaral ng Kompyuter
Kabanata 1 Panimula Introduksyon Ang Electronics and Communications Engineering o ECE ang isa sa mga unang kursong inialok sa mga mag-aaral ng Lyceum of the Philippines-Laguna (dating Lyceum Institute of Technology) noong ito ay nagbukas sa publiko noong Enero 2000. Ayon sa datos mula sa Office of the Registrar ang ECE ang isa sa pinakadominanteng kurso sa paaralan. Pumangalawa ito sa rami ng populasyon sumunod sa International Tourism and Travel Management (ITTM) at pangalawa rin sa buong Engineering Department kasunod ng Industrial Engineering. Sa mga nakaraang taon hanggang sa kasalukuyan, nagsasagawa ang paaralan ng pangangalap ng datos tungkol sa kursong ito. Bilang ito ay kabilang sa mga kursong kumukuha ng board exam, mahigpit itong binabantayan ng paaralan lalo’t higit ang ipinapakitang husay ng mga mag-aaral. Mula sa Departamento ng Engineering at Computer Studies, hindi maittanggi ng mga datos mula sa Registrar na maraming bumabagsak taun-taon sa mga asignaturang sangkot ang matematika. Ilan sa mga asignaturang ito ang Trigonometry at Algebra sa unang taon at Solid mensuration at Analytic Geometry sa ikalawang taon. Kaugnay ng mga nabanggit na datos at pagsusuri ng institusyon, ang pagiging kabilang ng ECE sa mga kursong kumukuha ng Board Exam ay nakadaragdag ng pressure sa isang mag-aaral. Kasama pa sa mga ito ang oras na inilalaan sa pag-aaral at gradong kailangang bantayan upang hindi bumagsak. Dahil rito ang mga mananaliksik bilang parte rin ng mga mag-aaral na kumukuha ng kaparehong kurso, ay nais malaman ang mga nakakaapekto at dahilan ng pagbagsak ng mga magaaral. Ito ay isasagawa upang makapagbigay tuon at mapagbuti pa ng mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral. Ang pag-aaral ay isasagawa sa pamamagitan ng sarbey kung saan ay ilalahad ng mga magaaral ng ECE ang mga dahilan ng kani-kanilang pagbagsak sa mga asignatura. Mula sa sarbey ay dito magmumula ang mga sagot sa mga katanungan ng mga mananaliksik.
Suliranin Ang pagsasaliksik ay pangunahing isinagawa upang sagutin ang sumusunod na mga katanungan: 1. Demograpikong pagkakakilanlan ng mga respondente: a. Edad b. Kasarian c. Taon/Baitang d. Marka (GWA) 2. Ano-anong mga salik ang nakakaapekto sa pagbagsak ng mga mag-aaral ng ECE sa ilang asignatura? a. Emosyonal b. Pisikal c. Sosyal 3. Ano-ano ang mga asignaturang kadalasang naibabagsak ng mga mag-aaral? a. Unang Taon b. Ikalawang Taon c. Ikatlong Taon d. Ikaapat na Taon e. Ikalimang Taon
Lyceum of the Philippines-Laguna Former Lyceum Institute of Technology Km. 54 Makiling, Calamba City, Laguna Kolehiyo ng Inhenreriya at Pag-aaral ng Kompyuter
Kahalagahan Ang pag aaral ng "Mga dahilan ng pagbagsak sa mga asignatura ng mga mag-aaral ng ECE ayon sa karanasan ng Ikalimang Taon Batch 2014-2015 ng Lyceum of the Phils. Laguna" ay makatutulong partikular sa mga kasalukuyang mag aaral ng ECE: 1. Upang malaman ang mga bagay na nakakaapekto sa pagbagsak ng mga mag aaral 2. Upang matulungan ang mga mag aaral hinggil sa mga dahilan ng pagbagsak sa mga asignatura ng mga mag-aaral ng ECE ayon sa karanasan ng Ikalimang Taon Batch 2014-2015 ng Lyceum of the Phils. Laguna. 3. Upang mabigyan ng pansin ng mga guro/propesor ang mga asignatura na magpapaunlad rin ng estilo sa kanilang pagtuturo. Ito ay makatutulong sa mga propesor at maging higit sa ating institusyon. 4. Upang magbigay babala at upang mapagtuunan ng mas malaking atensyon at paghahanda ng mga susunod na batch ng ECE ang mga pag aaralan upang makaiwas sa pagbagsak. 5. Upang maipakita ng sapat ang mga asignatura na naibabagsak o inuulit ng isang estudyante ng Elektronika na syang magbibigay ng dagdag na impormasyon at ideya sa lahat ng mag aaral na kumukuha ng kursong ECE. 6. Upang malaman ang importansya ng pag aaral at sakripisyo na maaaring maidulot ng pagbagsak. 7. Upang magbigay solusyon o pamamaraan na syang makatutugon sa mga problemang nakakaapekto sa pag aaral ng mga mag aaral.
Layunin Pangunahing layunin ng pagsasaliksik ay upang makatugon sa mga sumusunod: 1. Malaman ang mga dahilan sa pagbagsak ng mga mag-aaral ng ECE sa ilang asignatura. 2. Malaman ang mga asignaturang kadalasang naibabagsak ng mga mag-aaral ng ECE. 3. Makapagbigay ng solusyon sa mga problemang nakakaapekto sa pagbagsak ng mga mag-aaral sa ilang mga asignatura.
Saklaw at Limitasyon Ang pagsasaliksik ay naglalayon lamang na makapagbigay ng konkretong sagot sa mga katanungan tungkol sa mga dahilan ng pagbagsak ng mga mag-aaral. Ang mga sagot na makukuha at mababasa sa pag-aaral na ito ay mula lamang sa persepsyon ng ng ikalimang taon ng kursong ECE batch 2014-2015 bilang representasyon ng limang taong pag-aaral sa Lyceum of the Philippines-Laguna. Wala nang ibang pagsusuri ang isinagawa.
Lyceum of the Philippines-Laguna Former Lyceum Institute of Technology Km. 54 Makiling, Calamba City, Laguna Kolehiyo ng Inhenreriya at Pag-aaral ng Kompyuter
Konseptwal na Balangkas
Kadalasang Pagbagsak
Demograpik ong Pagkakakila nlan Mga Asignatura
Emosyonal Mga Dahilan ng Pagbagsak
Pisikal
Dahilalang Higit na nakakaapek to
Resulta
Sosyal
Talahanayan 1 Paradigma Ipinapakita ng balangkas ang mga bagay o mga kategorya ng mga salik na nakakaapekto sa pagbagsak ng mga mag-aaral ng ECE sa ilang mga asignatura. Nakasaad sa balangkas ang Emosyonal, Pisikal at Sosyal na aspeto. Ipinapakita rin ng balangkas ang magiging resulta gayun din ang salik na higit na nakakaapekto sa pagbagsak ng mga mag-aaral sa kursong ECE.
Sintesis Ang mga pangunahing salik na nakakaapekto sa pagbagsak ng mga mag-aaral sa kursong ECE ay naayon sa kanilang emosyonal, pisikal at sosyal na pakikitungo sa kanilang paligid na ginagalawan. Lumalabas sa mga pag-aaral ng mga eksperto, malaking porsyento ng pag-iisip ay naiimpluwensyahan ng mga salik na ito.
Inaasahan sa Pag-aaral Inaasahan ng mga mananaliksik na makapagbigay ng konkreto at espisipikong sagot sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagsasaliksik ukol sa salik na higit na nakakaapekto sa pagbagsak sa ilang asignatura ng mga mag-aaral sa kursong ECE.
Lyceum of the Philippines-Laguna Former Lyceum Institute of Technology Km. 54 Makiling, Calamba City, Laguna Kolehiyo ng Inhenreriya at Pag-aaral ng Kompyuter
Depinisyon ng mga Terminong Ginamit Upang mas maging ganap at madali ang pag-intindi ng mga mambabasa ay minarapat ng mga mananaliksik na bigyan ng depinisyon ang sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ito ginamit sa konteksto ng pamanahong papel: ECE o Electronics and Communications Engineering- isang disiplinang ng inhenyeriya kung saan ang mga langkap o kumponenteng pangkuryente na hindi nakalinya at active na katulad ng mga tubong elektron, at mga aparatong semikonduktor, lalo’t higit na ang mga transistor, mga diode at mga integrated circuits, ay ginagamit upang makapagdisenyo ng mga electronic circuits, mga aparatong elektroniko at mga electronic systems, na karaniwang kinabibilangan din ng mga langkap na pangkuryenteng hindi aktibo at nakalapat sa mga circuit boards.. Nagpapahiwatig ang kataga ng isang malawak ng larangang pang-inhenyeriya na sumasakop sa mahahalagang kabahaging mga larangan na katulad ng analogong elektroniks, digital na elektroniks, elektroniks na pangtagapagkonsumo, embedded systems at enerhiyang pang-elektroniks. Ang inhenyeriyang elektronika ay humaharap sa pagsasakatuparan ng mga paglalapat, mga prinsipyo at mga algoritmong napaunlad sa loob ng maraming kaugnay na mga larangan, halimbawa na ang pisika ng solidong estado, inhenyeriyang pang-radyo, telekomunikasyon, sistemang pangkontrol, pagpuproseso ng signal, inhenyeriyang pangsistema, inhenyeriyang pangkompyuter, inhenyeriyang panginstrumentasyon, pagkontrol ng enerhiyang kuryente, robotika, at marami pang iba.
Asignatura- Lagom ng mga aralin sa ilalim ng isang disiplina.
Lyceum of the Philippines-Laguna Former Lyceum Institute of Technology Km. 54 Makiling, Calamba City, Laguna Kolehiyo ng Inhenreriya at Pag-aaral ng Kompyuter
Kabanata 2 Mga Kaugnay na Literatura sa Pag-aaral Ayon kay Ellan Langer et.al (1987), kabilang sa mga salik na nakakaapekto sa kakayahang umunlad ng isang indibidwal sa klase ang emosyonal na nararamdaman. Mas nakakapag-isip ng maayos ang isang indibidwal kung walang bumabagabag sa kanya. Sinuportahan naman ito nina Tetlock, Skitka at Boettger (1989), mas napapadali at gumagana ang utak sa mga gawaing ginagamitan ng pag-iisip kung ang mga taong nakapaligid sa isang indibidwal ay nakapagbibigay ng mabuting impluwensya at may positibong pananaw na maaari nitong mapaghugutan ng inspirasyon. Ayon naman kina Kaplan at Miller (1987); Forsyth (1990) lumalabas na nakakaapekto ang emosyonal na aspeto sa kakayahang mag-isip ng isang indibidwal. Ayon din sa kanila kapag ang isang indibidwal ay kulang o may panlabas na salik na nakakaapekto sa kaisipan nito ay mas napipilitan ang utak na mag-isip na nagbubunga sa paglabas ng hormone kung saan ay naiinis ang isang indibidwal sa mga gawaing hindi niya magawa na nagdudulot sa pagkasawa o dili kaya’y kawalan ng ganang mag-isip. (Social Psychology. Forms of Emotional Thinking) Pinabulaanan naman ito nina Campbell, Tesser at Fairey (1986) may kakayahan ang utak na labanan ang mga panlabas na aspetong nakakaapekto sa pag-iisip depende sa kung paano tingnan ng indibidwal ang isang problema (positibo o negatibo). (Social Psychology. Identities, Attitudes and Behavior) Ayon kina Higgins at Bargh (1987), Zarate at Smith (1990, 1992), nakakaapekto ang tao at lugar na ginagalawan ng isang indibidwal sa pag-iisip. Maaaring kasarian at pinagmulan ng indibidwal, ugali, o ang mismong tahanan o pamayanan na kinabibilangan nito sa pagresolba ng problema. Nakakaapekto sa pag-aaral ang impluwensya ng mga taong nakapaligid sa isang indibidwal pagkat may iba’t ibang aspeto o gawaing nakakakuha ng atensyon nito. Nalilipat ang atensyon ng isang indibidwal sa gawain o bagay na ito na nagiging sanhi ng pagkawala ng interes nito sa pag-iisip. Dinagdagan ito nina Elizabeth Lottus et.al (1979, 1984), nakakaapekto rin ang bisyo sa pag-iisip ng maayos. Ilan sa maituturing na bisyo ay ang kaadikan sa internet o mga sugal kabilang rin ang paninigarilyo at paggamit ng droga. (Social Psychology. The Influence of the Environment) Ayon nmn sa artikulo ng Berbano (2014) isa sa maraming problema na kinakaharap ng mga estudyante sa kolehiyo ay ang kanilang mga propesor. Pangalawa, ang pinanggalingang paaralan ng mga estudyanteng papasok sa kursong inhinyeriya. Ikatlong maaaring maging suliranin ay ang pagkuha ng hindi nais na kurso ng isang estudyante. Ayon pa sa kanya, minsan ay napipilitan lamang kunin ng mga estudyante ang kursong ito dahil sa kagustuhan ng magulang o kaya naman ay naiimpluwensyahan ng mga kaibigan o kapwa kamag-aral. Ito ay nagdudulot naman sa ikaapat na problema – ang kawalan ng estudyante ng interes sa kanyang kurso. Ang pagpili ng kurso ay napakaimportante sa buhay ng isang taong papasok ng kolehiyo dahil ito ang magsasaad ng landas na tatahakin hanggang sa pagtanda. (www.prezi.com)
Lyceum of the Philippines-Laguna Former Lyceum Institute of Technology Km. 54 Makiling, Calamba City, Laguna Kolehiyo ng Inhenreriya at Pag-aaral ng Kompyuter
Kabanata 3 Disenyo At Metodo ng Pagsasaliksik Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng mga pamamaraan ng pananaliksik na ginagamit sa pagsasagawa ng pag-aaral. Kabilang dito ang mga paglalarawan ng mga disenyo ng pananaliksik, setting ng pananaliksik, populasyon, at pamamaraan sa pagtitipon ng data, instrumento ng pananaliksik at pang-istatistikang tritment ng data.
Disenyo ng Pagsasaliksik Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang deskriptibkwantitatib na pagsasaliksik. Tinangkang suriin at ilarawan ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ang kaalaman at pananaw ng mga mag-aaral ng Ikalimang Taon ng kursong ECE Batch 2014-2015 hinggil sa pinakanakakaapekto sa pagbagsak ng mga mag-aaral sa ilang asignatura.
Lugar ng Pag-aaral Ang pagsasaliksik ay isinagawa sa Unibersidad ng Liceo ng Pilipinas o Lyceum of the Philippines-Laguna dating Lyceum Institute of Technology. Ito ay matatagpuan sa Km.54, National Highway, Makiling, Calamba City, Laguna. Nag-aalok ang unibersidad ng undergraduate at graduate mga programa sa iba't-ibang mga larangan, kabilang ang pag-aaral ng computer, engineering, sining, negosyo, accountancy, turismo, mabuting pakikitungo sa pamamahala at medisina. Nag-aalok na rin ang unibersidad ng K to 12 program. Sumusunod sa tagline nitong, "Taking the Lead", ang unibersidad ay patuloy na naghahangad para sa mga pagpapahusay sa pamamagitan ng pagkuha ng world-class na pagkilala at pamantayan. Dahil sa patuloy na pagsisikap ng unibersidad, ito ay sertipikadong ngayon at ginawaran ng Gintong Pagkilala ng Investors in People (IiP), isang pang-internasyonal na akreditasyon na dinisenyo upang mag-advance sa pagganap ng samahan sa pamamagitan ng mga empleyado nito. Ang LPU Laguna ay ang pangalawang unibersidad sa sa Pilipinas na kinilala ng IiP, kabilang nito ang kaakibat nitong paaralan, ang LPU Batangas. Sa loob lamang ng tatlong taon matapos ang pagkakatatag nito, ang unibersidad ay ginawaran ng ISO 9001: 2008.
Lyceum of the Philippines-Laguna Former Lyceum Institute of Technology Km. 54 Makiling, Calamba City, Laguna Kolehiyo ng Inhenreriya at Pag-aaral ng Kompyuter
Populasyon ng Respondente Mga mag-aaral ng Ikalimang Taon ng kursong ECE Batch 2014-2015 sa Lyceum of the Philippines-Laguna. Ang respondente ay binubuo ng 31 mag-aaral, lahat ay enrolled at binubuo ng regular at mga di-regular na mag-aaral. Sila ay nasa pagitan ng 20-24 na taong gulang at may limang taong residensya sa kursong ECE. Sila ang napiling respondente ng mga mananaliksik pagkat sila ay mayroong limang taong residensya sa kurso at mas makakapagpaliwanag ng kanilang karanasan sa pag-aaral ng kursong ito. Talahanayan 2 Ikalimang Taon ng Babae Lalaki Kabuuan Kursong ECE Batch 2014-2015 sa LPULaguna
13
18
31
Instrumentong Pampananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagserbey. Ang mga mananaliksik ay nag-handa ng serbey-kwestyoner upang malaman ang pananaw ng Ikalimang Taon ng kursong ECE tungkol sa mga salik na nakakaapekto sa pagbagsak sa ilang asignatura. Upang lalong mapagbuti ang pag-aaral ay minabuti rin ng mga mananliksik na mangalap ng impormasyon sa iba’t ibang hanguan sa aklatan tulad ng journal, libro atbp.
Tritment ng mga Datos Ang pamanahong papel ay isa lamang paglalahad ng salik na higit na nakakaapekto sa pagbagsak sa ilang asignatura sa kursong ECE, kaya naman hindi ito nangangailangan ng mga numerikal na datos sa paglalarawan. Nangangailangan lamang ang pamanahong papel ng wastong pagsuri sa mga datos na nakuha mula sa sarbey na sinagutan ng mga respondente. Mula sa mga sagot na makukuha sa mga respondente, pipiliin lamang ang mga sagot na mahalaga at may kinalaman sa pananaliksik o sa ginawang pag-aaral at mula dito ay titignan ang mga pagkakapareho at pagkakaiba ng mga sagot. Sa pamamagitan ng pagkukumpara ng mga datos at impormasyon ay mabubuo ang konklusyon at maaring mga maging rekomendasyon.
Lyceum of the Philippines-Laguna Former Lyceum Institute of Technology Km. 54 Makiling, Calamba City, Laguna Kolehiyo ng Inhenreriya at Pag-aaral ng Kompyuter
Hakbang/Proseso ng Pag-aaral Pagtukoy sa Paksa
Pagbuo ng estratehiya sa pagsasaliksik
Pahtukoy sa mga respondante
Pagbuo ng unang bahagi ng pananaliksik
Pangangalap ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral
Pagsusuri sa hanguan
Pagpormula ng SarbeyKwestyuner
Pagsa-sarbey
Paradigma Ipinapakita ng tsart ang proseso at hakbang na isinagawa ng mananaliksik sa pagbuo at pagkalap ng datos para sa pamanahong papel. Nasa unahang hakbang ang pagpormula sa konteksto ng papel habang nasa may pagitna at padulo ang pangangalap ng mga datos mula sa respondent at mga aklatan.
Lyceum of the Philippines-Laguna Former Lyceum Institute of Technology Km. 54 Makiling, Calamba City, Laguna Kolehiyo ng Inhenreriya at Pag-aaral ng Kompyuter
Istatistikang Paraan ng Pag-aaral Ginamit ng mananaliksik ang sumusunod na pamamaraang istadistika upang bigyang kahulugan ang mga datos na nakalap. 1. Kadalasan at Bahagdan (Frequency and percentage distribution) – ang mga datos ay inilahad sa pamamagitan ng pagkuha ng mga bilang ng mga magaaral na tumugon sa mga inihandang katanungan ng mga mananaliksik at pagbibigay bahagdan sa resulta nito. Pormula:
Kung saan ang: P = bahagdan ∑ 𝑓 = kabuuang bilang ng sumagot N = kabuuang bilang ng mga respondente 2. Kabuuang kinalabasan (Weighted Mean) – ito ay ginamit sa pananaliksik upang malaman ang kabuuang kinalabasan ng mga kalahok. Pormula:
Kung saan ang: 𝑥̅= 𝑊eigh𝑡𝑒𝑑 𝑚𝑒𝑎𝑛 ∑ 𝑓𝑥̅ = kabuuan ng pagmamari ng 𝑓 at 𝑥̅; kung saan ang 𝑓 ay ang kadalasan ng bawat marka at ang ay ang katumbas na pagpaparami ng bawat marka. N= kabuuan ng mga ginamit na tagasagot. 3. Pangkalahatang kabuuang kinalabasan (average weigted mean) – ipinapakita dito ang pangkalahatang kinalabasan ng mga indikasyon na inilahad sa pananaliksik. Pormula:
Kung saan ang: AWM= Average Weighted mean ∑𝑥̅ = kabuuang bilang ng kinalabasan N = Bilang ng Indikasyon
Lyceum of the Philippines-Laguna Former Lyceum Institute of Technology Km. 54 Makiling, Calamba City, Laguna Kolehiyo ng Inhenreriya at Pag-aaral ng Kompyuter
Sarbey Kwestyuner Mahal na kamag-aral, Kami ay mga mag-aaral sa unang taon, klase ng I-I ay nagsasagawa ng isang pag-aaral sa kursong Filipino. Ang aming pag-aaral ay may paksang Dahilang higit na Nakakaapekto sa Pagbagsak sa Ilang Asignatura sa Kursong ECE. Hinihiling na basahing ang mga panuto at matapat na sagutin ang mga tanong na nakatala. Ang sagot na makukuha namin mula sa iyo ay lubos na kapaki-pakinabang sa aming pag-aaral. Asahan na aming iingatan ang anumang impormasyon na ipagkakatiwala mo sa amin. Maraming salamat sa iyong kooperasyon. Lubos na gumagalang, MGA MANANALIKSIK I. Demograpikong Pagkakakilanlan 1.1 Student Number: 1.2 Edad: 1.3 Kasarian: 1.4 Marka (GWA) a. Pinakamababa (1st-5th year) 5.00-3.00 2.75-2.25 2.00-1.75 1.25-1.50
b. Pinakamataas 1.00-1.25 1.50-1.75 2.00-2.25 2.50-3.00
II.
Istatus ng Pag-aaral (Panuto: Maaaring pumili ng higit sa isa) a. Taon ng Pagbagsak b. Bilang ng asignaturang naibagsak (Kabuuan) Unang Taon Isa-Dalawa Ikalawang Taon Tatlo-Apat Ikatlong Taon Lima-Anim Ikaapat na Taon Pito-Walo Ikalimang Taon Siyam-Sampu
III.
Sarbey Panuto: Lagyan lamang ng tsek () ang kolum ng napiling kasagutan. 4- Lubos na sumasang-ayon ayon 2- Di sumasang-ayon 1- Lubos na di sumasang-ayon 4 3 1. Hindi maituon ang atensyon sa klase dahil parating puyat. 2. Natutuon ang oras ng pag-aaral sa paggamit ng social networking site, kaibigan at bisyo. 3. Hindi maipokus ang pag-aaral dahil sa emosyonal na problema (pamilya, pinansyal, pag-ibig) 4. Hindi pumapasok sa klase dahil sa hirap at kawalan ng interes. 5. Kakulangan ng oras sa pag-aaral. 6. Hindi binibigyang halaga ang pag-aaral dulot ng katamaran. 7. Bumababa ang marka dahil sa kakulangan ng motibasyon mula sa magulang. 8. Nahihirapang mag-aral dahil sa palyadong memorya. 9. Natataranta dahil sa dami ng magkakasabay na gawain. 10. Hindi makapagpokus sap ag-aaral dahil sa magulong kapaligiran (maingay, malapit sa sugalan o peryahan) 11. Bumababa ang marka dahil sa gawaing ko-kurikular.
3- Sumasang-
2
1
Lyceum of the Philippines-Laguna Former Lyceum Institute of Technology Km. 54 Makiling, Calamba City, Laguna Kolehiyo ng Inhenreriya at Pag-aaral ng Kompyuter