WIKANG FILIPINO SA PAMBANSANG PAGKAKAISA
Bawat buhay, masaya’t malungkot, magulo’t makulay Ay nakalimbag sa pahina nang kasaysayaan. Mula sa pagkakasilang patungo sa kamusmusan Maging sa paglaki, hanggang sa kamatayan.
Isa-isahin ang buhay ng mga dakilang tao sa daigdig Ng mga paham, siyentipiko, mananaliksik,
O ng mga guro, doctor, abogado, magingisda’t magbubukid; Bawat isa, may mithin, may parangarap na nais makamit At isama sa mga butiun di masungkit-sungkit.
Sa bawat panahon Sa bawat kasaysayan Sa bawat henerasyon May palawakan ng isip May palitan ng paniniwala May tagisan ng matuwid
Maging ito’y mabunga na tuwa, ng lungkot, ng galit
Sila-sila’y natatago, kayu-kayo’y nagpapangkat Tayu-tayo’y nag-iisip, nagsusuri, bumubalagkas Isang diwa ang nagpasya, isang wika ang ginamit
Wikang pilipino! Wikang maka-Diyos, makabayan, makatao Wikang naglalagos sa isipan makabansa Wikang nagnunuot sa damdamin makalupa
Kasaysayan pala’y mababago isang saglit Sa dakong silangan… doon sa silangan Ang sikat ng araw… sumilip, sumikat, uminit Naantig ang diwang inaliping higit tuminok ang pusong dating di pumipintig Nagising ang ugat ng hapong mga bisig
Bawat isa’y nagkaisang mailantad sa daigdig Ang mga pang-aaping sugat niyaring dibdig
Pangkat-pangkat, sama-sama, kapit-bisig bawa’t isa
Kilala’t di-kilala, kaaway ast di-kaaway Mayama’t mahirap, matalino’t mangmang, aktibista’t militar Nagkaisang ganap sa isang mithing k apanga-pangarap Propesyonal at di-propesyonal Mangagawa, kawani, guro, mangangalakal Estudyante, iskolar, istambay
Sundalo, pulis, drayber, pari, madre, mangingisda’t magbubukid Nagkaisa, nagkasama Nagkasama, nagkaisa
Ang wikang ginamit? Wikang Pilipino Wika ng paglaya ng lahat ng tao
Wika ng pagkakaisa, kabayan ma’t dayo Wikang tagapagtanggol ng lakas ng tao